Only in America do we leave cars worth thousands of dollars in the driveway

gusto ko lang ipaalam sa inyo mga dear brader en sister na natapos na po ang aking actual behind the wheel driving test kaninang tanghali. nakakatakot din pala na may katabi ka sa kotse na taong may kapangyarihan sa buhay mo. taong pwedeng mag decide kung kotse or bisikleta ang dadalhin mong sasakyan sa amerika. oo, ninerbyos ako virginia. but not too much. confident naman ako sa kakayahan ko dahil mahigit 15 years na naman akong driver. but you can never know what can happen kaya naroon pa rin ang kaba. kotse ng kaibigan namin ni jet ang dala ko para sa test – lucky car daw iyon at marami nang mga naipasang mga wannabee drivers na tulad ko.

lucky car? bwahaha. during the driving test, i had 12 errors. bwakanginangyan. di ko alam kung error talaga yon. sa tingin ko eh parang power trip lang galing sa taga DMV. pero siyempre opinion ko ito na medyo defensive ng kaunti dahil i take pride in my driving skills. hindi ko na expect na ganoon karami ang mali ko. saan daw ba ako nagkulang? ang pinaka marami kong mistakes ay sa traffic checks daw, pag nasa mga intersections. apparently, hindi ako tumitingin enough (look left, right, left – watch for pedestrians and cars, etc). doon sa actual driving test, mayroon walong intersections na tatawirin. anim daw doon ay mali ko. sa backing naman ng sasakyan, hindi raw ako tumitingin sa likod kaya doon pa lang ay mayroon na akong limang mistakes out of a possible ten. tapos nag over speeding pa raw ako by 5 miles per hour sa business district. what the fuck? i made sure to look before crossing any intersection, tumitingin ako sa likod nung umaatras at napakabagal nga ng takbo ko. baka gutom lang yung teacher ko. either that or hindi niya nakikita ang mata kong singkit.

nung binabanggit nga ng teacher ko yung mga mali ko eh parang bigla akong nanghina. pakiramdam ko eh ako nang pinakabobong driver sa balat ng lupa (well in this case, sa balat ng orange county). ang failing grade sa driving test ay fifteen mistakes and above. pasado ako kaya tuloy ang ligaya. bilang celebration, parang gusto ko tuloy uminom ng beer habang nagmamaneho. BWAHAHA.

29 thoughts on “Only in America do we leave cars worth thousands of dollars in the driveway

  1. ganyan talaga ang driving test dito pati pagtingin sa kaliwa-kanan-likod binabantayan. may kilala ako bumagsak sa unang kuha nya kasi masyado namang mabagal ang speed nya, kala kasi nya school zone hindi na pala. congrats! (btw, i found your blog thru yupki. ikaw ang stress relief blog ko. :-))

  2. Ano ba yan! Mukhang mapupuwersa na akong kumuha ng exam nito kasi tuwing kukulitin ako ng mister ko na magreview e sabi ko busy ko sa computer (actually excuse lang yun at binabasa ko blog mo, ni Jet at ni Ate Sienna)tapos eto pati sa mga entries mo driving ang topic mukang magandang pangitain ito a…teka lang, nasan ba yung manual?

  3. tama ka jan, dito sa tate lahat binubusisi..ganun din ako nung nag test sa actual driving, sabi ng trooper barumbado daw ako magmaneho, palibhasa sanay ako sa pinas, pero isipin mo, sa gagaling ng driver natin dun, bihira aksidente, di ba?
    yaan mo, pag nakapasa ka na at nadaanan mo sila sa kalye, pwede ka ng maglabas ng daliri..hehehe
    ingat lang kasi minsan babatukan ka nyan, gawin mo na lang mangulangot ka sa harap nya habang nagda drive para mainis!

    Tony

  4. hi ana.

    thanks for dropping by. yupki – AKA yasmin is a friend. i’ve met her in singapore and she’s a great lady. akala ko nga mabagal na ako. hindi pala. may overspeeding mistake pa nga ako.

  5. bossing gigi. thank you. pasang awa daw ako sabi ng taga DMV. mukha nga siyang pinoy eh – at maganda ang penmanship kaya baka pinoy nga. kita kita na lang tayo bukas. excited na kami ni jet.

    ingat!

  6. Bosing, minsan medyo lax tayo sa pagmamaneho. Lalo na pag sanay ka dito sa Pilipinas mag-drive. Dati nga litung-lito ko sa mga 4 way at 3 way corners. HJindi ko alam kung turn ko na para lumiko.

  7. Hayaan mo na yun. Importante pasado ka na and you have your lisence. Pero wag mo kalimutan para if you ever have to take it again, you’ll know how to do it right.

    And when my turn comes, gagawin ko ang payo ni Junnie. Gagawin kong OA ang pagtingin sa kanan, kaliwa at likod.

    Congratulations ulit mylab. Labyu!

  8. to batjay and to your labopyorlayp Jet… ang cute. ang linis. sarap talaga mag bahay-bahayan kasama ang lab mo sa buhay..nasa oreynj kawnti ako sa linggo… in anaheim to see my in-laws.sana makasalubong ko kayo..good job on d haus! ngayon HOME na talaga yan.

  9. Congrats sa iyong CDL! At least hindi nangyari sa iyo, yung nangyari sa tita ko. During her test, na rear end niya yung police car dahil sa nerbios niya 😛 guess kung nakapasa siya?

  10. oh yeah, agree ako dun. that’s what i tell my friends, the first time they take their driving road test. u have to exaggerate when u look to ur left or right. tipong, *look to ur left* then like talk loud enough so the instructor hears u, “ok, no cars to the left” and do the same thing on the right and when looking back. guaranteed to piss them off and let u pass the test 😀

  11. Tip po galing jpn. Ang sabi ng mga nakasabay kong pinay sa driving test, mukhang may plus points daw yata pag naka mini-skirt kang kukuha ng test. Tapos panay ang kindat mo sa officer hanggang matapos ang exam. Not really sure kung papasa ito sa ‘merika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *