ONE WAY SUNDAY

nag swimming kami kanina sa condo nina regina sabay dinner na rin. ulam namin ay yung niluto ni eder (ang papa ni leah) na sinigang na baboy. tapos, bumili rin kami ng apat na spring chicken (oo virginia, tumatalon na manok. bwahaha). enjoy kami ni jet. nakita ko na naman si leah na nag synchronize swimming mag-isa (pardon da oxymoron) at tawang-tawa na naman kami. nakakatawa, kasi kuhang kuha niya ang facial expression ng mga synchronized swimmers. nung nakita ko nga ito for the first time, mayrong isang chinese kaming kasama sa pool. pigil siya ng pigil ng kakatawa. nakita ko nga parang bumubula yung tubig doon sa tabi ng intsik. siguro nautot sa kakapigil ng tawa.

medyo naalimpungatan nga ako pag uwi namin – nagtataka ako kung bakit puro intsik ang mga salita sa mga tindahan. akala ko kasi, nasa pilipinas ako. ibang klase talaga pag pinoy gathering sa ibang bansa. na miss ko tuloy ang bayang magiliw. thank you leah and eder. thank you regina. thank you sa inyong lahat mga kapwa pinoy dito sa singapore sa pagpapaligaya ng weekend namin. CLICK NYO NA LANG YUNG PIC to view the album of this afternoon’s gathering.

15 thoughts on “ONE WAY SUNDAY

  1. ang saya naman bosing. kakabababye ko lang kay jet. mini-telebababd lang dahil may gagawin pa siya at ako rin kunwari gagawa ng lesson plan, hehe.
    naiimagine ko na yung mukha nung leah sa kanyang synchronized swimming. riot yon. iba talaga kapag mga pinoy ang magkakasama, panay harutan, asaran at halakhakan.
    naku bosing paano na kung matuloy kayo dito ni jet sa NY, humanda ang nweba york sa atin, mwahahaha

  2. hi jop.

    kamusta nang teacher in waiting. hehe… september na at malapit ka nang isabak sa yong teaching trabaho. sigurado ako na patok ang pagtuturo mo. sayang lang at sana sa pilipinas ka nagtuturo ano? para maraming magbenefit sa iyong talents. pero. this is good for you, what you’re doing there and i’m happy for you.

    excited na nga akong dalhin si jet sa east coast. una para makita kayo at next is to explore new york then drive upstate to west point. then on to phily and to atlantic city. then to DC. gusto ko ring mag experience niya ang mga topics ng kanta ng idol naming si da boss bruce springsteen. perhaps sooner rather than later. we’ll see. ingat ka diyan at kamusta na lang sa iyong childhoodmylab.

    happy labor day nga rin! long weekend pala kayo diyan.

  3. huy jay, bakas sa mga litrato nyo ang kasahayan nyo, sana ay maging regular na “happening” nyo yan, musta pala ang “biking” mo? si jet musta na din, sana ay patuloy kayong maging masaya 🙂

  4. hi bongK. musta na bossing?

    i hope masaya ang weekend mo na kasing saya rin namin. nagkikita naman kami rito sa singapore na magkabigan from time to time kaya masaya. lalo na para sa amin ni jet. sa akin dahil wala akong kasamang pinoy sa opisina. at si jet dahil nasa bahay siya. kaya pag may mga ganitong mga event, masaya kaming talaga.

    yung biking trip ko last saturday? nasa entry ko previous to this – entitled: “WE ARE CRUISING FOR BRUISING MY BABY”. masaya rin, inabot kami ng 5 oras over 48 kilometers of road nung sabado. nakauwi nga ako, mga 3AM na.

    ingat sir!
    jay

  5. Mukhang ang saya ng grupo nyo. Buti naman at meron kang ganyan sa Singapore para di mo masyadong nami-miss ang Pilipinas, no?

    Lintik, kangina ko pa iniisip yung kantang may one way sunday, at kung sino kumanta. Sabihin mo na nga. hehe

  6. hi melissa. masaya nga kami yesterday. UY, maiba ako – may sore eyes daw sina jhing. paano na ang singapore? singapore blues na ba?

    hi tin. ngyehehehe… oo nga. magandang kuhanan si leah ng video ng synchronized swimming niya. malapit na pala ang departure date mo. masarap na siguro ngayon sa southern california. mainit sa araw pero malamig na ng kaunti sa gabi.

  7. ONE WAY SUNDAY, bow.

    one of my favorite songs from one of my favorite artists, “Mark-Almond”. part of the group of people who popularized the “rock-jazz” fusion during the 70’s when FM was just starting to kick off. the song is about us, tito rolly. it’s about a travelling artist. in this case, a singer. he romaticizes the experience of being on the road and touring while at the same time missing the loved one he left behind. here’s the whole song:

    Here in the morning light I stand
    With a suitcase and a guitar in my hand.
    One way Sunday
    Sitting in the airport bar
    And trying to look like a superstar
    Waiting for the plane to take me far away

    Still she finds a reason to stay (still she finds a way)
    Still she finds a reason to see
    What I have today

    Denver, Oklahoma, San Anton,
    Another gig a long long way from home.
    One way Sunday
    Where do we play tonight?
    I hope that this show will be all right
    Maybe I’ll phone you tonight

    Still she finds a reason to stay (still she finds a way)
    Still she finds a reason to see
    What I have today

    Maybe when my travelling days are through
    I’ll come on back and stay at home with you
    All my Sundays
    Sleeping in the early sun
    Playing my guitar to no one
    Making up to you all the things I’ve never done

    Will you find a reason to stay (Will you find a way)
    Will you find a reason to see
    What I have today

  8. Kilala ko po yung mga kasama nyo sa picture picture kuya batjay! sila nona, gen, at regina po sila…mga friends ko po sila sa dati kong opis dito sa pinas…mga taga sykes po sila…ang galing we have common friends!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *