One step up and two steps back

balak kong ipauso rito sa california ang maglakad ng paatras bilang form of exercise. wala kasi akong nakikita rito na mga joggers na tumatakbo ng paatras. sikat ang exercise na ito sa mga taga singapore. impak, tumambay lang kayo sa mga park doon ng umaga at sigurado kayong makakakita ng mga naglalakad ng pabalik. karamihan dito ay mga matatanda. senile ba kamo sila? hindi naman siguro. pero para silang mga sira ulo. na interview sa tv ang nagpasikat sa exercise na ito at sabi niya hindi raw natin nagagamit lahat ng mga muscles sa paa dahil parati raw tayong naglalakad ng paabante kaya paminsan minsan daw dapat paatras ang lakad natin. sa tingin ko ay talagang sira ulo siya pero what the heck, ang daming mga naniwala sa sinabi niya. siguro para maiba naman, ang ipapauso ko na lang dito ay ang maglakad ng patagilid na parang talangka. iniisip ko nga, sa pilipinas siguro ay sisikat din ito kasi marami roon ang may crab mentality.

18 thoughts on “One step up and two steps back

  1. nako, idol, di ka kaya ma straight jacket pag ginawa mo yan jan sa olange county?or mapag kamalan kang relative ni MOrk (mork & Mindi)… hehehe.

  2. kaya pala yung ibang nakikita ko na gumagamit ng elliptical machine sa gym e pabaliktad yung takbo. Sabi nga nila ibang muscles ang nagagamit..hmm..parang mas ok kung sa machine na lang kesa sa park hehe..sa Singapore ba gumagamit din sila ng rear view mirror na handy habang naglalakad patalikod?

  3. ayos yan ah pre ko,mas exciting yan kung tatakbo ng paatras,n a alala ko 2loy nong naglalaro ako ng b`bol dati n npptakbo ng p atras,kelan b pasyal nyo dito pra maka punta n tyo s Bintan,puro plano p lang kmi eh.

  4. oo nga, pag basketball nga pala pabalik din ang lakad minsan. kamusta na riyan pre? miss na namin kayo ni jet. nagsimula na siya ngayong mag trabaho at gabi ang duty niya. kung narito ka lang, inaya na kitang magpunta sa restaurant sa beach para mag inom ng kaunti.

    baka next year, makauwi kami ni jet. siguradong dadaan kami diyan sa SG. punta tayong bintan.

  5. yan nga ang explanation, haydee. ibang muscles daw ang ginagamit ng paglakad ng pabalik. during the same interview sa local singapore news channel, may mga doctor din silang kinausap – sabi ng mga doctor, it may do more harm than good if you walk backwards.

    walang read view mirror sa singapore para doon sa mga naglalakad ng patalikod. mayroon silang unique gait na naka look back yung ulo.

    kaya siguro delikado kasi nagkakaroon sila ng stiff neck.

  6. mabuhay k Jet,at last , isa k n uling ganap n Nurse,blowout mo kmi s Bintan,asahan namin yan next year pre sabihan mo lang kmi pra m pag handaan nmin,kmi nman ang bahala,ingat.

  7. lumakad ng patagilid?

    ginawa ko po yan nung sabado ng tanghali. Ang tindi kasi ng sikat ng araw at wala akong payong, kaya mula sa parking lot hanggang sa entrance ng cinema ay patagilid akong naglakad. Para nasa likod ko ang araw.

    ubod ng mahirap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.