One shade the more

happy birthday mylabopmayn happy birthday mylabopmayn. bukas kasi ang 41st birthday ng asawa kong si jet. siyempre mukha pa rin siyang 28 years old at para nga siyang bumabata every year. di tulad kong tumatandang kalabaw. some girls have all the luck. pero masuerte nga si jet. ever since pinanganak siya ay parang may nagbabantay na sa kanyang anghel dela jaguar. ang tutuong pangalan ni jet ay theresa hazel. ang ganda ano? paano ito naging jet? siyempre may story behind every name. here’s hers… pinanganak si jet ng less than nine months. hindi sa taxi pero muntik na. kasing laki raw siya halos ng kuto ng siya ay lumabas at super bilis. one moment nasa loob siya ng tiyan ng mommy niya, the next moment humahalakhak na siya sa kama. hanggang ngayon humahalakhak pa rin siya, which is one of the things i like in her. if you’ve met her, you’ll know what i mean. she has a laugh that is infectious – parang bubonic plague. nakakahawa! asan na ba ako? ah, ok… oo nga. pinangalan nga si jet na jet dahil para siyang jet na dumating sa mundo: super bilis. ito siguro ang isang dahilan kung bakit kami compatible. kasi siya ay premature baby at ako naman ay premature ejaculation. buti na nga lang at magaling akong mag tumbling tumbling nung sperm pa lang ako at nakaabot din ako sa paroroonan. hanggang ngayon, dala ko pa rin ang talent na ito kasi magaling akong mag tumbling sa kama. but that is another story.

this year. jet and i will be celebrating our 14th wedding anniversary. quite an accomplishment ano? that’s twice the 7 year itch. parati na nga akong kinakati lately. pero buti na lang ay dahil sa allergy. ngyehehe. bwisit kasi kung bakit kailangan pang magkaroon ng allergy sa hipon. in all these 14 years, marami pa rin akong natututunan kay jet. marami pa rin akong nalalaman tungkol sa kanya. oo virginia, fresh pa rin ang relationship dahil dito. malambing pa rin siya sa akin at parati na lang akong inuuna sa lahat ng kanyang ginagawa. si jet ang nag-aasikaso sa lahat ng mga pangangailangan namin. bagay na hindi ko naman hiningi sa kanya. kusa niya itong binibigay. pag gising ko sa umaga ay nakahanda na ang mga damit kong isusuot. pag dating ko sa gabi, nakaluto na ang pagkain. dahil ako’y clinically color blind, siya rin ang tumitingin kung bagay ang color combination ng mga damit ko. and she does all this with love and care because she loves being a wife. masuwerte talaga ako. pero siyempre suwerte rin siya dahil ako ay guwapo, cute at malaki ang paa. you know what they say about men with big feet, don’t you? they have big shoes! but that again, is another story.

nauna na akong bumati kay jet kasi isa sa mga regalo ko sa kanya ay weekend special sa indonesia. kung nasa isip ninyo ay tsunami ay huwag kayong mag-alala. sa bintan island lang kami pupunta at hindi sa aceh. this is just 40 minutes by ferry from singapore and is a favorite vacation place for the people who live here. kasama namin sina leah at eder, christine at ronald, si ewan (este owen), ang pamangkin kong si sara at ang kaibigan niyang si rona. mamayang gabi ang alis namin and of course, this is another story.

if you have time, punta naman kayo sa website ni jet and greet her a happy birthday. ganito ang gawin ninyo: mag comment kayo sa site niya at sabihin ninyo sa kanya na – “Dear Jet, galing po ako sa site ni BatJay ay napagutusan po niya ako na sabihin sa inyo, ‘maligayang kaarawan'” . matutuwa yon sa inyo.

happy birthday mylabopmayn. simpleng bati lang galing sa isang simpleng tao: sana patuloy kang maging malusog at maligaya hanggang sa pagtanda natin. lab U.

50 thoughts on “One shade the more

  1. hi po! madalas po akong nadadaan sa site n’yo. naaaliw po sa sobrang kalikutan/kakulitan ng imahinasyon n’yo. gud luck po sa trip n’yo sa indonesia & hapi b-day po sa inyong lab…

    more power 2 both of u!

  2. Mylab, naiiyak-iyak na ko nang bigla mo’ng sabihing ako ay premature at ikaw ay premature ejaculation… hehehe. Ikaw talaga, walang preno ang line of thought mo kaya kung saan-saan napupunta. Pero kahit saan pa makarating yang utak mo, pilit kong sasakyan at pilit ako’ng susunod kasi wala naman ako’ng ibang gustong puntahan kundi kung saan ka nandun.

    Maraming-maraming salamat sayo. I am proud of everything you’ve done, all the struggles and everything you had to bear, just to make a good life for us. Everyday, I wake up knowing I have been lucky all these time, since I found you, or since you found me. Minsan nga, gusto ko nang isipin, ako ay bukod na pinagpala sa babaeng lahat (wala sanang magawing fundamentalist dito).

    Simple din naman ako. Eto lang… mahal kita. πŸ™‚

  3. HAPPY BIRTHDAY JET! I can’t agree with you more when you said she has a very infectious laugh. Ang sarap niyang patawanin dahil bili lang siya ng bili… walang tawad-tawad!

    Hmm, hindi siguro nahirapan mommy niya nung pinanganak siya no? Wala ng iri-iri. Napadighay pa lang….uha uha uha na kagad.

  4. Happy Bday ulit, Jet! Premature ka pala at halos di naramdaman ng mommy mo ang sakit ng pag-ire sa yo. Maliit ka pa lang pala, ok ka na. πŸ™‚

    Tama silang lahat, walang kayong bday na malungkot because the two of you are always in love. In this light, advance Happy Valentines na din sa inyo! πŸ™‚

  5. hi tito rolly.

    salamat sa bati kay jet. makakarating. minsan nga kahit di ako nagpapatawa ay natatawa si jet kaya natatawa na rin ako tapos matatawa siyang lalo dahil natawa ako… over and over and over again. viscous cycle.

    hehehe.

  6. Tama ka. Nalagot nga kanina. Pero naka-connect ulit. Birthday ni BatJet, kaya andito pa din ako. Pahabol ko lang, I really think na the way you chose Byron’s lines speaks so much of how you care for her after 14 years. Idols na kayong dalawa. Opkors, maraming tumatagal ang relasyon, but not with the same intensity. My prayer is lalo pang tumindi ang pagmamahalan nyo. πŸ™‚

    Happy Birthday ulit ke BatJet and surprise her more next time! πŸ™‚

  7. hi toni.

    how was your EB last night?

    jet is the sweetest wife kaya nga swerte ako. tapos magaling pa siyang mag-alaga at magluto at magasikaso at magmahal. i am also a sweet and caring husband, not to mention – cute, intelligent and dashing (through the snow).

    BWAHAHAHAHAHAHAHA.

  8. Happy Happy bday Jet! Hope you guys enjoy your trip to Indonesia. Saludo ako sa inyong samahan. Sana kami din kahit ganyan na katagal ang samahan eh sweet and caring pa rin sa isa’t-isa at di mawala ang katatawanan.

  9. greet din ako dito ng happy bday jet! naiinggit ako sa inyong dalawa.
    and on jet’s laughter, its definitely infectious. how can i forget the resounding laughter? πŸ™‚

  10. Amen…wa ako masabi…puro totoo naman ang sinabi mo except doon sa guwapo at cute…sa website ni Jet ako unang nagpunta, kaya di ko nilagay yoong pinasasabi mo…dami ka pa palang pera e…may pang-Indonesia ka pa…wag ka ng magcomment na ikakain mo ko…mataba na ko…ingat kayo ni Jet at ng iba mo pang kasama…ang swerte mo talaga kay jet, pasalamat ka sa Diyos!

  11. Hi batjay!

    Madalas din akong madaan sa site mo. babati rin ako kay Jet ng happy birthday! she reminds me of my sister, Haziel din realname at Jet ang nickname. Di nga lang sila magka-bday at pinangalanan naman daw syang Jet kasi when she was born, may isang maingay na jet plane na dumadaan sa himpapawid. korni ng magulang ko! πŸ™‚

  12. “Dear Jet, galing po ako sa site ni BatJay ay napagutusan po niya ako na sabihin sa inyo, ‘maligayang kaarawan'” –I will paste exactly this. Hahahaha!

    Ang sweet-ums niyo naman. Kakainggit. Well, advance happy anniversary (haha, ang aga!)! Pero that greeting is added with a prayer for more strength in your relationship.

    Sige, punta nako dun sa blog niya para mag-greet! πŸ˜€ *zooms out*

  13. sweeeeeet!

    That’s what the best marriages are all about. You’re making a great team. ‘ glad you found each other.

    Happy birthday to your lovely wife, Jet.

    salut!

  14. Ang sarap naman… napaka-vocal mo sa admiration mo kay Jet. Congratulations for winning her affections and even more salutations for a long lasting relationship.

  15. Dear Jet, galing po ako sa site ni BatJay ay napagutusan po niya ako na sabihin sa inyo, ‘maligayang kaarawan’

    AY! WRONG SITE! sensya na unkyel, hindi talaga ko marunong sumunod sa intraksyon eh..

    Pero dahil binati ko na si lowla jet don, babatiin ko din sya dito ng “Maligayang bati!”

    ay naku kinikilig talaga ko sa inyo! harinaway magpatuloy ang inyong pagmamahalan… kaming mga tagasubaybay ninyo ay naiinspire (ano ba sa tagalog to?) sa inyong pagiibigan

  16. Hi Batjay! Long time no hear! Dahil ako ay uto-uto… er, a good cyberfriend, I will go to Jet’s site after this and do just what you requested. Seriously, natutuwa ako sa inyong magasawa so I’d do it with gladness.

    Btw, your about men with big feet having big shoes, Ana Scott (as played by Julia Roberts) also said that in Notting Hill to William Thacker (as played by my looove Hugh Grant). It’s one of my favorite movies! πŸ™‚

  17. happy birthday kay jet. gaya ng lagi kong sinasabi, naaalala ko parents ko sa inyo. 44 years and counting, at malakas pa rin silang mang-alaska. πŸ™‚ magandang pangitain di ba?

  18. naks, ang galing-galing talaga! nakakaiyak naman ‘tong post na ‘to.

    sige, hindi na ako magtatagal at mey pupuntahan pa ‘kong ibang website. πŸ˜‰

  19. ang ganda naman ng iyong tribute kay ate jet. at ang galing ng iyong wish para sa kanya (iba ang tunog ng ‘health and happiness’ in tagalog, mas sincere).

    by the way, ano ba ang story behind your many aliases (ex. the hilarious “Danita, ang batang Darna”)? sorry po kung naitanong na ito at di ko naabutan ang sagot. πŸ™‚

  20. Happy birthday Jet and that was a very nice post Jay…be safe and have oodles of fun in Bintan Island…don’t forget the sunscreen!

  21. metal: salamat sa bati pare. ganoon din sa iyo at sa pamilya mo. good luck sa iyong career. ingat na lang. jay

    ventot: 14 years na kaong? masarap ba yon? ah! 14 years na kaming kasal ni jet by may. oo tama ka.

    instant noodles: salamat sa pagdaan.

  22. g: welcome back. thanks, we did have a lot of fun in bintan island and we didn’t forget the sunscreen although the sun wasn’t as hot as i expected.

    gail: maraming salamat. siyempre pag mahal mo ang isang tao, you say the nicest things about them and hope that they’ll live great lives. mas sincere ngang pakinggan ang tagalog na papuri ano? what do you mean by the story behind my many aliases? hehehe.

    miss petite: ngyehehe… bakit ka naman naiyak? dahil ba sa premature ejaculation lang ako? baka nabasa na ni jet ang bati mo sa kanya. nakita ko nga kagabi sa site niya. maraming salamat!

  23. jessie:hi 44 years. wow, pretty impressive. 44 years at malakas pa ring mang-alaska. now that’s pretty damn impressive. sana tumagal din kami ng 44 years. sana by that time, maganda pa rin ang sex life namin.

    yasmin: welcome back. oo nga long time no hear. you’ve been busy i guess. how’s BKK treating you? yes, i think i got the “big feet” joke from there. i’m not sure sometimes where they come from. i saw your message in jet’s site. i know she’s be pleased.

    kat: thank you very much for your flattery. did they teach you that in law school? keep it up. hehehehe.

  24. cynthia: maraming salamat. makakarating ang iyong pagbati.

    jane: thank you very much. yes, it is special. it has been for more than 13 years. take care and best regards.

    auee: napakavocal ng admiration. hehehe. ayos yon ah. i like that. buti na lang at hindi napaka bokal. but is there another version – ie. silent admiration? ngyehaha. salamat sa bati.

  25. hi tanya. thank you very much sa pagbati. sa may pa ang anniversary namin. matagal pa. may time pa para mag ipon sa regalo sa amin. BWAHAHAHAHAHAHA.

    bon jour mavic. happy new year. making a great team. that’s a simple way to describe our relationship. i like that too. makakarating ang bati mo kay jet.

    abster: thanks for the comment and thank you even more for the prayers.

  26. hi lynne! salamat sa diyos dahil ang suwerte ko kay jet. bwahahaha. puro card naman ang bayad ko sa trip na ito. mura lang magpunta ng indonesia – sakay ka lang ng bangka.

    hi moxie mox. sa biglang tingin ay akala ko “parang binudburang ng arnibal
    na may kasamang taho”.ang sinabi mo.

  27. One shade the more, one ray the less, had half impaired the nameless grace
    === a line from the poem She Walks in Beauty by Lord Byron.

    Naks, very touching. You two are indeed blessings to each other.

  28. galing galing naman ni ate glo. one of my all time peborit. eto reproduced in full. salamat nga pala sa bati.

    SHE walks in beauty, like the night
    Of cloudless climes and starry skies,
    And all that’s best of dark and bright
    Meets in her aspect and her eyes;
    Thus mellow’d to that tender light
    Which Heaven to gaudy day denies.

    One shade the more, one ray the less,
    Had half impair’d the nameless grace
    Which waves in every raven tress
    Or softly lightens o’er her face,
    Where thoughts serenely sweet express
    How pure, how dear their dwelling-place.

    And on that cheek and o’er that brow
    So soft, so calm, yet eloquent,
    The smiles that win, the tints that glow,
    But tell of days in goodness spent,—
    A mind at peace with all below,
    A heart whose love is innocent.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *