One of the very nicest things about life is the way we must regularly stop whatever it is we are doing

kung sakaling umalis kami ni jet sa singapore, siguro ang mami miss ko most of all ay ang mga super seksing babae na mahilig mag suot ng low waist na pantalon na halos kita nang buhok sa ibaba ng pusod at ang pagkain. last week pa akong nasa food trip mode. nung weekend kumain kami ng paborito kong “curry fish head” sa chinatown. sinabayan pa namin ito ng “shrimp paste chicken“. last tuesday naman, nag “chili crabs” kami sa no signboard at halos matae nga si bong pogi sa anghang pero tuloy pa rin ang kain. kagabi naman, nagpunta kami nina eder, tintin, ron, owen at jet sa geylang para kumain ng “beef hor fun” at “oyster omelette“. kain kami sa kalye, walang pakialam sa mundo. then this lunch, nag yaya ako sa old airport road para makatikim ng paborito kong lomi (“lor mee” ang spelling dito) – thick dark sauce over noodles, shredded pork and fish, garlic, kikiam at kung ano ano pang secret ingredients. muntik na akong tigasan ma arouse sa sarap.

habang kumakain ng lomi, pinagusapan namin ng mga kaopisina ko ang mga style ng panliligaw ng mga singaporean. dalawa kasi sa kanila ay mga binatang nasa mid 30’s. bading ba sila? hindi naman siguro. hindi lang marunong manligaw. pinayuhan nga sila ng isang kasama ko na magpunta na lang sa vietnam. kasi doon, sa halagang $10,000 (mga 300,000 pesoses) may mga agency na maghahanap sa iyo ng asawa. all in na ito – kasali na yung wedding proper, reception sa vietnam, plane tickets, yung professional fees at siempre yung bayad sa mga magulang ng babae. kabisadong kabisado nga ng kasama kong binata ang ins and outs tungkol rito. mukhang nag apply na siya dati.

18 thoughts on “One of the very nicest things about life is the way we must regularly stop whatever it is we are doing

  1. oo nga. di ko nga maintindihan sa mga ito. puro mga pilipit ang mga bibig. kailangan nila ng mr. suave “hoy hoy hoy hoy hoy hoy” na panliligaw epeks. sabi ko nga kanina, bigyan na lang ako ng $1000 dollars, tuturuan ko na lang silang manligaw. hehehe.

  2. kung pera lng nman pla ang katapat abah eh sau nlang ako lalapit kya batjay, kelangan ko ng lalake ngayon eh bwahahahaha!!!

  3. oh carol, ayambatapul.

    hehehehe… kailangan mo ng lalaki ngayon, bakit naman? bwisit lang yon sa buhay. pero kung talagang gusto mo, padala mo sa akin nag bio data mo at… ay huwag na lang.

    ikaw na lang kasi ang manligaw. hindi na uso ngayon ang babaing kimi.

  4. Eto pa ang isang magandang quote sa pagkain:
    Life expectancy would grow by leaps and bounds if green vegetables smelled as good as bacon.” –Doug Larson

    Masarap talagang kumain. Pero 2nd lang yan sa peborit kong pasttime: ang matulog. šŸ™‚

    Hindi marunong manligaw? Problema ba yun? Sabihin mo halikan at yakapin agad. Pag ayaw, siguradong sampal at tadyak ang katapat nyan. Pero pag gusto, siguradong kasalan ang katapusan nyan.

    Ingat! =)

  5. doc emer,

    dagdag mo pa yung “the only animal i know is steak”. hehehe. masarap kumain talaga, lalo na pag may variety.

    dito sa singapore, maraming layers ang fusion cooking ng intsik, bumbay at malay. kaya paraiso ito para sa mga taong walang kiyeme sa pagkain (tulad ko).

    pero di nga marunong manligaw ang mga taga rito. punta ka nga’t magbigay ng seminar sa courting, pinoy style.

  6. Very apt ang title kasi kelangan mo nang itigil ang pamomroblema tungkol sa lablayp ng mga kaopisina mo para isipin kung saan tayo magdi-dinner mamaya… hehe. Labyu! šŸ˜€

  7. salamat, salamat ulit sa treat ninyo sa amin kagabi. enjoy kami sa northern indian cuisine at lalo na sa company niyo ni jet.

    mamaya ulit! šŸ™‚

  8. dear miss lee,

    sabi ng kaibigan kong singaporean na lady, hopeless daw ang mga lalaki rito dahil mga 1. torpe, 2. boring, 3. puro trabaho lang ang iniintindi and 4. hindi mahilig sa sex.

    pero hindi naman siguro lahat. sige, i will start to interview again. i’ve done this with my friends in india dahil interested ako sa kanilang mga arranged marriages. this i will blog in the future kasi nakakatawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *