One kind word can warm three winter months

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE TOKYO. lumapag si spiderman sa tokyo ngayon upang imbestigahan ang isa sa pinaka importanteng invention ng mga hapon – ang electronic fully automated toilet seats. napag-alaman na muntik nang mahulog si spiderman sa loob ng inodoro pero sa pamamagitan ng kanyang special spidey sense ay naagapan niya ito. ang automated toilet sa japan ay tunay na kinagigiliwan ng mga tao sa tokyo dahil sa kanyang kakaibang epeks – umaandar itong mag-isa pag umupo ka sa trono.

ang balitang ito at ang exclusive video story clip ay hatid sa inyo ng birch tree holland powder milk – ang gatas ng dalagang ina.

4 thoughts on “One kind word can warm three winter months

  1. Natawa ako noong nabasa ko yung “Mahalagang balita … pagkaraan ng trak ng basura…”. Tandang-tanda ko pa kung paano mo sabihin eto noong magkaklase tayo sa Mapua.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.