One day your life will flash before your eyes. Make sure its worth watching

ANG MATA NI BATJAY nagpunta ako sa eye doctor nung friday para magpa check-up. siyempre pina check-up ko yung mata ko. alanganaman magpunta ako roon dahil mayroon akong ubo. routine lang naman dahil may diabetes nga ako. gusto lang masigurado ng doctor na walang damage dahil nakaka bulag pala ang diabetes. medyo natakot nga ako nung una, dahil baka nabubulag na nga ako. panay kasi ang jakol ko nung bata ako eh.

anyway yun nga, if left untreated, whether mahilig kang magjakol or not, malaki ang chance para sa mga diabetic ang magkaroon ng glaucoma, cataract or retinopathy. marami tuloy mga exams na ginawa sa akin: pinabasa ako ng mga iba-ibang size na mga letters. buti na lang marunong akong magbasa. nag test din ako ng peripheral vision at kinuhanan yung eye ball ko ng picture. itatanong ko sana sa doctor ko kung bakit hindi niya ako pina “say cheese” kaya lang baka batukan ako. pagkatapos ng lahat ng ito ay binigay sa akin ang verdict – 20/20 raw ang vision ko sa right eye, 20/25 sa left eye. wala raw akong complications sa diabetes pero mayroon daw kaunting cholesterol sa mata ko (sabi na nga ba, masama ang sobrang chicharon bulaklak). ay oo nga pala, matangos din daw ang ilong ko.

26 thoughts on “One day your life will flash before your eyes. Make sure its worth watching

  1. marami tuloy mga exams na ginawa sa akin: pinabasa ako ng mga iba-ibang size na mga letters. buti na lang marunong akong magbasa. marami tuloy mga exams na ginawa sa akin: pinabasa ako ng mga iba-ibang size na mga letters. buti na lang marunong akong magbasa. <---- tignan mo nga naman, buti nalang at marunong kang magbasa. ehehe hirap ng walang quote button.. yung chicarong bulaklak reminds me of the sustagen memory gap commercial sa pinas.. bawal ang beef... hipon... pork... baka magkame-meroy gap ka.. wala lang walang koneksyon.. share ko lang baka kailanganin nyo.. :p

  2. eheeh.. labo ba??? sabe ko po.. buti nalang talaga at marunong kayong magbasa..

    tsaka nishare ko lang yung bawal ang beef, pork.. hipon.. baka kasi ma-memory gap kayo..

    o ako yung mine-memory gap nyo?? bweh!! labo ko!! :p

  3. hindi lalabo mata mo, bosing. matangos kasi ilong mo e. Me asintahan ka parati tuwing titingin.
    wag ka lang titingin ng husto sa dulo ng ilong at baka maduling ka hane?

  4. ang ganda pala ng condition ng mata mo now. biruin mo sa batang edad mong yan hindi ka tumaas o bumaba ng 25 ang vision mo.

    medyo makapal narin ang glasses ko bunga ito ng kapapanood ng porno sa computer ko.

  5. my mom got diagnosed w/ type 2 diabetes about a year ago, but that hasn’t stopped her from eating foods she should be avoiding! no willpower kasi…

  6. hay naku… pasalamat ka talaga, fafa, at marunong kang magbasa! kundi hindi malalaman ng doctor na 20/20 ang vision mo (kasi nga hindi mo mababasa yung chart)

    ayyyy.. gising na ba kayo???? si ateng ba may pasok ngayon? tatawag ako sa kanya eh.. wait lang nga, subukan kong tumawag now na..

  7. yan nga rin kinatatakot ko para sa bunso ko. ba’t kung anu-ano pa yung sinasabi nya na nakikita nya na iba-ibang kulay na nagpo-float daw sa air…

    Patuloy ang pag-iingat sa sarili tsong, mahirap may sakit…

    P.S.
    nabanggit mo minsan na nagtrabaho pala si Jet sa Heart Center. Yung mother ko matagal na-confine dun,halos 7 months, year 1988.

  8. nagpunta na ba kayo sa optometrist? mahirap din kasi pag hindi treated ang mata sa mayroong diabetes. it does affect the eyes in a major way.

    early 90’s na nagtrabaho si jet sa heart center. sa children’s ward siya naka assign.

  9. hi kat.

    i’m almost becoming an expert on type 2 diabetes because jet and i have it. it’s a good thing for me, i caught it early on and so i’m able to treat it through diet and exercise. i’ve lost over 30 pounds since i started changing my lifestyle and eating habits last february.

    your mom should really seriously consider making a change. otherwise it will get worse – the complications from diabetes are life threatening.

    now i can greet you happy mother’s day.

    cheers!

  10. good thing about you Jay is that you are taking the precaution of going to the doctor. Some men are babies and you have to drag their butts in there.

    And I believe your nose is beautiful 🙂

  11. good thing about you Jay is that you are taking the precaution of going to the doctor. Some men are babies and you have to drag their butts in there.

    And I believe your nose is beautiful 🙂

  12. hi g.

    i too used to be scared of going to the doctor. i was too afraid that they’d find something wrong with me. and you know where you and i trace our roots (well part of your roots) – we belong to a culture that believes you go to a hospital to die.

    it’s different know as far as i’m concerned. i want to be healthier as i age.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *