Ever Wanted

nakasulat sa packet ng pansit bihon na binili namin kagabi: “once tasted, ever wanted”. parang ang gusto yatang sabihin ng mga gumawa ng bihon na ito eh “pag natikman mo ito, gugustuhin mo siyang talaga” or words to that effect.

nakasulat naman sa packet ng kalaban na pansit bihon na binili rin namin kagabi: “great tasted, ever wanted”. based sa explanation ng kaibigan kong si gerry na isa ring linguist, ang ibig sabihin daw nito ay “masarap ang lasa ng bihon na ito na hinahanap-hanap ng mga pulis.

yung unang picture, hipon ang naka drawing, yung pangalawa naman ay lobster. heto ngayon ang mga tanong ko: una, magkapatid kaya yung mga may-ari ng pabrika ng pancit bihon? pangalawa, ano ang kuneksyon ng hipon at lobster sa pancit bihon?

12 thoughts on “Ever Wanted

    • yung lobster at hipon? dapat mayron ding packet na may repolyo. dapat mayroon ding manok. dapat mayroon ding fishball at dapat mayroon ding pusit.

      pusit to the limit.

    • hipon ay palamuti.

      nakita ata ng kalaban ito kaya in a fit of oneupmanship ay nag decide na piliin ang mas malaking crustacean for his pancit bihon label. in this case, a big red lobster.

  1. Parehong Pinoy companies pero malamang Chinese may-ari kaya kakaiba yung English hehehe

    Ano koneksyon ng hipon at lobster? Gupitin daw yung drawing at isahog para malasa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *