OH MY GULAY

RibWeekend-09

sabi ni doctor mary (yun ang pangalan ng doctor ko), ang pinaka healthy raw na diet sa buong mundo ay yung diet para sa mga diabetic. bakit kamo? eh kasi, ito ang type ng pagkain na hindi mo ikamamatay. bagkus (i love that word), bukod sa pag provide ng nourishment ay makakatulong pa ito sa iyong kalusugan. ano-ano ba ang requirements sa diet ng mga diabetic na tulad ko?

  1. dapat ito ay low sugar
  2. dapat ito ay low carb
  3. dapat ito ay low salt
  4. hindi ka lalamon 3x a day kundi lima o anim na small meals
  5. iwasang kumain ang red meat
  6. damihan ang pagkain ng isda
  7. bawasan ang kanin (kung kakain man, gumamit ng brown rice)
  8. mag food trip ng gulay
  9. tulungan ang population ng mga daga sa mundo, kumain ng pussy

ang gusto ko talagang puntiryahin ay ang number 8: “mag food trip ng gulay”. ang pagkain kasi ng gulay ang ginagawa kong paraan para makaiwas kumain ng kanin. mataas kasi ang carb content nito (lalo na yung puting kanin) kaya pag dinamihan mo ang kain ay tataas ang blood sugar mo.

kung mataas parati ang blood sugar mo at diabetic ka eh magpatahi ka na agad ng barong tagalog at magpasukat ka na ng kabaong dahil siguradong hindi ka tatagal.

kontra sa kaalaman ng karamihan sa mga taong puro karne lang ang kinakain, maraming masarap na gulay na simple lang lutuin. kung ako ang tatanungin, ito ang pinakamasarap na mga gulay sa buong mundo at ang mga pwedeng luto sa kanila:

  1. spinach, na either ginisa sa bawang or eaten raw with blue cheese
  2. asparagus – hugasan lang at ibato na agad sa grill.
  3. toge – ginisa sa bawang at kaunting tubig (hindi pwedeng i-grill kasi lulusot)
  4. mushroom – grilled agad pagkahugas o igisa sa bawang

napansin nyo ba na puro grill at gisa sa bawang lang ang recommendation ko? ito lang kasi ang alam kung lutuin eh. nung bata kasi ako, taga tikim lang ako parati.

in any case, subukan ninyong i-substitute ang gulay in place of rice. you’ll find out after a while na magiging mas masigla ang inyong pakiramdam, bababa ang inyong timbang at halos araw-araw ay puro kalibugan lang ang nasa isip ninyo.

inader words, eating vegetables will make you horny as hell (my idea of heaven). sino ba namang tao ang ayaw na pagka gising pa lang sa umaga eh puro pro-creation na agad ang nasa isip.

30 thoughts on “OH MY GULAY

  1. Kaya nga idol kita, Jay! You came back from the old life and decided that being healthy can also be happy. Yung iba kasi, tingin malungkot pag puro gulay, prutas, at isda lang ang kinakain.

  2. batjay, alam mo ba na ang “katarungan” ay vegetarian song? Di ba, pag maraming maisan, “kamaisan’, pag maraming niyog, “niyogan”, sa mga ilocanos ang katarungan, maraming talong (tarong). :-D

  3. korek! masarap nga ang gulay. Di naman ako vegetarian pero there was a time na panay gulay & isda ang niluluto ng inang ko pag andito sha kse high blood sha. So shempre, kain na lang ako kung ano inihahain ni inang – sarap naman kasi. Anyhoo, nung ako na lang ulit ang nagluto – i tried going back to pork & beef (yung usual the big chunks) – di na kaya ng tiyan ko – mabigat ang pakiramdam altho kaya ko ang chiken (walang balat). Kahit baon ko sa opis or kung kakain sa labas with friends/opismeyts- usually tuna, wholegrain bread, veggies (madalas mesculin), yogurt or fruits – minsan nagpapalaman ng manipis na ham. Akala tuloy nila vegetarian ako dahil di raw nila ako nakikitang kumain ng meat ;-) In the end, sanayan lang.

  4. batjay ano ba ang poor man’s version ng spinach? punta kasi ako sa talipapa, tanong kung tinda sila ng spinach eh tinuro sa kin yung tumpok ng mani! hehheheh

    sabi ko pa nga dun sa ale (define spinach)- yun pong malaking dahon, kulay green tapos medyu kulot ang texture at (importante to) masarap igisa sa bawang or eaten raw with blue cheese…hehehehe

    binigyan ako ng pechay…pede na rin tutal gulay pa rin…ang spinach naman feeling ko kung naextreme makeover ay pehay na ang itsura!

  5. two things:

    1. Natigil ako ng mga 2 secs sa point #9. I tried translating the entire sentence in English, wala bastos pa din. So tinuloy ko pagbasa & voila! Enlightenment on the first sentence I read next hehe

    2. Veg makes you horny… Aahh so kaya pala ko… Ummm masigla katawan.

  6. lol @ raul and auee…

    another informatively entertaining post, batjay *thumbs up (but not inside the nostrils ha)*

    #s 1-8 — educational
    9 — like the previous “reactioner”, this too rendered me speechless. and not just for 2 secs (lol). ahm… no further comment ;)

  7. yan na siguro ang pinakanami-miss ko pag andito ako sa manila. yung gulay at isda.

    sa ‘min kasi may ugali pa kaming namumulutan ng carrots habang nanonood ng tv. or organic na lettuce galing narda’s. tapos yung manang namin winner magluto ng dinengdeng.

    tapos mura din ang fish dun kasi malapit lang naman kami sa mga beach. hay. ayan gutom na ko.

    salamat pala sa impormasyon jay! mabuhay ang mga daga. hehehe.

  8. tip: speaking of mushrooms, pwede mo rin igisa yan with olive oil. pero tustahin mo muna first ung tinadtad na sibuyas. or, pair the asparagus with nilagang patatas. guten apetit!

  9. hehe. nice post. para po kay manong raul, ‘kulitis’ ang version natin ng spinach. magkapamilya sila although hindi common sa atin sa pilipinas yung variety na popular dito sa mundo ni popeye. Amaranthus sp. ang closest variety jan sa atin, at pareho lang ang lasa. In fact, pwede mo lang pulutin sa tabi-tabi lalo na sa probinsiya dahil considered din sya na weeds… kwidaw lang sa pagpulot kasi may variety na matinik (A. spinosus)….

  10. TINAAAAAH – MABUHAY! bwahahaha… lalo na ang mga daga sa bahay namin.

    i do love mushrooms na gisado. in fact, jet cooks it a lot.

    medyo mahirap ngang maghanap ng spinach sa pilipinas. in fact, wala akong nakikita sa mga palengke na kaparehas dito.

  11. Pingback: Wifely Steps » Blog Archive » LP 18: Oh My Gulay! Vegetable Parade (The Round-Up)

  12. sabi ko na nga ba wacky tong round na itoh! esp. with your entry! great great post! don’t worry, i love them all grilled too esp. asparagus! yumm!

  13. hi ces.

    thank you sa pagdalaw. i love wacky. grilled asparagus and grilled mushroom, dalawang gulay na napakasarap kainin pero napakasimpleng gawin.

    ingat,
    jay

  14. Pwede i-grill ang toge! Gamit ka ng screen na fine. Yung parang screen ng anti-lamok. Ewan ko lang kung masarap, i imagine magiging dry s’ya.

    And about using veggies sa substitute sa carb, may mga kakilala ako na ginagawang rice substitute ang cauliflower. Hindi substitute as in yun ang kinakain n’ya, substitute as in dinudurog n’ya at nilulutong parang kanin talaga.

  15. talaga namang natawa ako sa pagbasa nitong entry na ito… tulad ni tina… magulay na magulay ang buhay ko :-D (but sad to say hindi ako makakatulong sa populasyon ng mga daga wahahahaha!)

  16. Thanks for sharing your healthy and simple-to-do veggie cooking tips. Mahilig din ako sa garlic mushroom. Very interesting and concepts mo lalo na yung panghuli. :)

  17. Love the vegetables!!! I’ll have to find the brown rice that Jet suggested though. I bought some, and I’ve barely touched it. haha!! Matigas at may amoy yung nabili ko. ……….I know…….don’t go there :)

    Sabi na sayong mag start ka ng food blog eh!

  18. hey jmom. si doc emer is the one that should start a food blog. he has the chops so to speak. i’ve been eating brown rice for close to 2 years and i’m really really used to the texture and the consistency.

    oo nga, somehow cauliflower rice doesn’t really appeal to me as well.

    garlic mushroom. yummy! i can probably eat it forever at hindi ako magsasawa. it’s that kind of food that you never get tired of.

    hi dhey with an “h”. try gulay! it’ll really make a big difference to your sex life.

    magulay na magulay din ang buhay ko. lalo na ngayon at tumatanda na ako. kailangan na kasi ng booster. BWAHAHA.

  19. haha! Ayus to ah!
    Salamat batjay! Recipe ang ipinunta ko dito eh, pero natawa ako sa entry mo, pati yung mga nagko-comment sayo!
    Tama, brown rice na rin ako simula sa Sabado!!

  20. o hala… gulay gisado buffet tayo sa weekend… hehehe

    pero for the record, actually mas masarap ang grilled mushroom mo kesa sa mga ginigisa kong gulay Pa. :D

  21. masarap naman ang adobo mo at salpicao mylab. terno ito sa grilled mushroom ko. parang ebony and ivory, we’re together in perfect harmony. side by side on my keyboard, oh no, why don’t we.

  22. Pingback: ISKAndals.com » Para sa Makulit na Pagsisiyasat ni Toni

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>