OF MOTHER’S DAY, PRIZE FIGHTERS AND THE ELECTIONS

tinawagan ko kahapon ang mommy ko para batiin siya ng “happy mother’s day”, kahit against ako sa paghold ng mother’s day, father’s day, valentine’s day at lahat ng mga occasion na may “day” sa huli. mga commercial gimmick lang kasi ito to sell more cards, flowers at short time motel room rental. naniniwala kasi ang mommy ko sa mother’s day, kaya kailangan tawagan ko siya. hehe.

akshuli, tinatawagan ko ang mommy ko every sunday. life is short, kaya we must make every opportunity count (hindi tuwing mother’s day lang). para sa akin kasi, mas maiging ngayon na magpakita ng pagmamahal while they’re still here. ano pang maibibigay mo pag wala na sila? well yes, you can honor their memory by telling funny stories about them when they were still alive, o kaya magpamisa ka para mapunta sila sa langit at salubungin ng mga anghel na may malalaking pekpek pakpak. but it’s not the same as holding their hand or giving them a kiss.

isa pang dahilan bakit ako tumawag ay gusto ko sanang tanungin ang mommy ko kung sino ang iboboto niya sa election ngayon. interesado kasi ako dahil katoliko sarado siya at number one fan ni cory aquino (pero galit siya kay kris). there was one time, ini-interview ng kuya ko si florante (yung kumanta ng “ako’y pinoy” at “handog” na kilalang marcos die hard, hindi yung boypren ni laura) sa pinoy rock and rhythm. biglang nabwisit ang mommy ko at di nakatiis. tumawag sa radio station at nakipag away kay florante. kawawa naman yung tao, di siya nakapalag sa mommy ko. anyway, di ko rin nalaman kung sino ang iboboto niya. nawala na sa ulo kong tanungin. paano ba naman, una niyang banat sa akin ay kung manonood daw ba ako ng laban ni manny pacquiao. boksing, isip-isip ko.. mas importante sa nanay ko ang boksing.

16 thoughts on “OF MOTHER’S DAY, PRIZE FIGHTERS AND THE ELECTIONS

  1. honga, masyado ng commercialised ngayon ang mga special occasions kaya kami rin ni hubs ko eh hindi masyado nagpapa-apekto dyan although syemps i-celebrate pa rin kahit papano tsaka like you, every sunday tumatawag rin kami sa pinas (wawa tuloy phone bill namin hehe) para mangamusta sa mommy at daddy ko 🙂

  2. inggit ako sa mga katulad mong me nanay pa, pareng Batjay. I agree na commercialized ng masyado mga okasyon ngayon. And like what the Ca t says, everyday should be mother’s day.

    Nga pala, kung andito ka ba sa atin, sino bang iboboto mo? Wala kasi akong mapili…30 minutes na lang, magsasara na ang presinto ko. 🙂

  3. hi CG. kaya sa next valentines day, oorder ako ng heart shaped pizza para kay jet. hehe.

    hi Doc Emer. long time no hear. kung ako siguro, baka si eddie villanueva. suprising nga para sa akin na walang diyos. hehe. mas may substance kasi ang mga sinasabi niya. dating ekonomista, aktibista. marunong magpalakad ng malaking corporation (yung simbahan niya) at hugit sa lahat: walang utang na loob kahit kanino.

  4. e bakit naman inaway ni mother si florante? kwento naman.

    naku, tutok din ang kabahayan namin kay pacman. dinedma nila ang mga protesta ko na napaka-violent ng sport na ito at sadista ang mga nanonood nito. ay naku, kiber nila! mega-cheer pa ang nanay ko!

    uy, nakaboto na ako. sana may saysay ang pagpila ko.

  5. hi ruthie. hehe… mahabang storya. inaway ng mommy ko si florante dahil tinalikuran niya ang kanyang bayan nang naging marcos loyalist. eh mommy ko, die hard sister stella “L” – LABAN. maka cory at sobrang makadilaw.

    hi duke. sa tingin ko may katwiran naman ang nanay ko.

  6. ninaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaang! kamusta ka na rin! ang ganda ng bago mong layout. bilib na talaga ako sa iyo.

    ok lang si jet. kaya lang busy sa ginagawa niya. tingnan mo, pati sa site ko di na nag co-comment. naawa na nga ako sa kanya. parating puyat. hintay ka lang ng kaunti at lilitaw rin siya after a few days.

  7. fafa, pakisabi naman kay ateng, pinagpe-pray ko sya. malapit na ba? kelan na ba? whenever that is, tell her I’m praying for her.

    Sabi na nga ba, eh.. hindi kasi ako mapakali. I know something’s brewing on her side of the world. basta, all my wishes for her success…

  8. Tapos na po ang eleksyon. Maraming hindi nakaboto, marami pa ring violence. Maraming nagsasabi na si GMA pa rin ang mananalo dahil suportado siya ng Iglesia ni Kristo. Stay tuned na lang tayo…

    At bakit draw raw ang laban ni Pacqiao? Haaaah?

    Happy mother’s day po kay Aling Jet at sa inyong mother dear!

  9. Kasi si Manny Pacquiao nabiktima ng dagdag-bawas ng isang judge na di marunong magbilang. Reflection of things to come? Sana hindi.

    OT: I just realized…Mukhang nakilala ko isa sa pamangkin mo. Six Degrees of Konsumisyon este Separation…. ahahahahahaha Liit ng mundo.

  10. uhm… kahit masyado nang commercialized, oks lang sakin yang mga ganyang celebrations… tho masyadong stressful sa mga nanay… yung ofcmate ko, tinatanong pa yung kapwa nanay nya kung sa tingin nya, maaalala sya ng anak nya…

    kasi, kahit naman anong sabihin natin na dapat araw-araw Mother’s day… or valentine’s day… or christmas day… sadyang nakakalimot tayo eh…

    tao lang, pano…

    lalo pa yung busy ka na sa kung saan-saan at kung anu-ano…

    pero say, with mother’s day… at least sigurado lahat ng nanay na merong isang araw sa isang taon na ibabandera yung pagsasakripisyo nila… at me mga asawa’t anak (lalo na yung bata pa) na makakaalalang magbalik-tanaw sa mga pinaggagawa nila para mapabuti sila…

    magandang bagay yun diba? tulad ng birthday mo, isang siguradong araw na may mga taong magte-thank you at pinanganak ka sa mundo 🙂

  11. Ikaw naman jan batjay oo!sinusumpa mo pala lahat ng may Day!!!! kun kailan dasal ako ng dasal na ‘sana lagi special day !para lagi may Gifts,hehehe uy,ingats kayo jan ha!!at regards kay misis;D

  12. i lab ur mom, has her priorities straight. boksing nga naman mas importante sa eleksyon, lalu na kung mas pumusta ka sa boksing kesa sa mga presidentiables.

    bad trip lang draw..bad twiiip! as in. nag-teyk out kami ng dinner para mapanood at di ako maistorbo ng pagluto tapos DRAW? pucha naman..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *