NOW HERE I GO AGAIN, I SEE THE CRYSTAL VISIONS

mayron akong recurring dream lately tungkol sa paninigarillo. sa panaginip ko, nakaupo ako sa isang tabi, kakatapos lang kumain at enjoy na enjoy sa kakahitit. siguro, it’s my subconscious working overtime on my craving. i haven’t had a smoke since may 30. ako’y proud diyan sa record ko at pakiramdam ko, napaka healthy ko nang talaga. but i really do miss it. all things considered though, ok na rin ngayon. at least, mayron pa rin akong paraan para makapanigarillo – kahit sa panaginip lang.

eto pang isang panaginip ko (disisatrustori-ayswertugad). tungkol naman ito sa pagsakay sakay ko sa train. hindi ito tungkol sa pangungulangot this time. sa panaginip ko: nakatayo ako sa isang punong puno na train. sa isang stop, biglang may sumakay na buntis. eh, ever the gentleman, bigla raw akong napasigaw ng (tatagalugin ko na lang para mas maintindihan):

batjay: “hoy, magpaupo naman kayo. may buntis na sumakay sa train

buntis: “taratado ka talaga. hindi ako buntis”

batjay: “naku sorry po. FALSE ALARM ladies and gentlemen, stay in your seats and don’t panic. hindi raw po siya buntis“.

after that brief scene – i laugh out loud and then fade to black na parang sine. tapos bigla akong nagising nang nakangiti. THE END. di ko alam kung saan galing yung eksena sa panaginip ko. perhaps sa lumang mga comedy skit from some long ago sitcom. or perhaps kwento ng barkada nung time na masarap makipag bidahan after dinner doon sa paboritong tambayan sa novaliches.

15 thoughts on “NOW HERE I GO AGAIN, I SEE THE CRYSTAL VISIONS

  1. Pingback: A Sassy Diary

  2. Tama ka bosing. I do think it’s your subconscious mind working overtime. Even with the second story. Talagang inate sa yo ang ganong ugali. At hanggang panaginip pareho pa rin kung pano ka magsulat, ha.

    Buti na lang nag-didyeta ka rin. Kasi karamihan sa tumitigil manigarilyo, alam ko lumolobong bigla kasi lalo yatang napapasarap ang pagkain. Ewan ko lang pero, sakin la epek yan. Iba na talaga ang may sariling vetsin ang bibig. hehe

  3. hi tito rolly.

    si jet talaga ang in charge sa pagkain ko. she makes sure na controlled ito. di na rin ako bumibili ng lunch sa labas para sigurado ako sa mga kinakain ko at siya rin ang nagluluto. sana nga, di ako bumalik sa pag yosi. buti na lang parating nasa tabi ko si jet. kung wala siya, baka pwede na akong mag audition sa pelikulang “darna and the giants”. ako yung higanteng aapak doon sa character ni hilda koronel sa pelikulang “crying ladies”.

    nabasa mo ba yung track back story ni ate sassy sa site niya? sundan mo yung trackback link dito sa entry ko na ito. nakakatawa.

  4. Naalala ko nung preggy ako, ang madalas magpaupo sa akin mga puting babae. Ang mga lalake laging nakayuko. Ang mga itim na babae naman kulang na lang itulak ako para unahan ako sa upuan.

    About your smoking, congratulations! Keep going. Fingers crossed din kay Jet, sana “makahulagpos” sya sa habit na yan…
    🙂

  5. saludo ako sa tindi ng disiplina mo. ako i only stopped when i was pregnant, pagkalabas na pagkalabas ko sa hospital yosi agad ang hinanap ko. wala pa namang sari sari store dito di uso ang tingi na yosi. Pagkabili ko ng isang kaha, i am back to my old habit! buti ka pa 🙂

  6. nightmare na yan pag napanaginipan mo ay hinahabol
    ka ng sigarilyo.

    yong mader ko noon ay nahintong magsmoke sa Pinas
    pero pagdating sa Virginia, dahil sa lamig, bumalik yong bisyo niya.

  7. yung barkada ko namang si momon ay nahinto dahil sa lamig. lumipat diyan sa estet. eh no smoking sa loob ng bahay nila. option niya na lang ay outside mag smoke. ayun di natagalan ang lamig. huminto.

    hanggang ngayon smoke free pa rin siya.

  8. congrats on quitting smoking! ako nga eh, naninigarilyo during college, pero hindo ko gustong gawing bad habit for life, so i quit before i graduated. good thing too, dahil dito sa NYC, isang pack nang cigarettes ay $8.50 (average)!!! super-mahal!

  9. hi kat.

    yup i finally had the guts to quit after smoking for over 20 years. i hope i quit in time otherwise it’s going to be a short life.

    exact date: may 30. that’s the last day i lighted up. the evening of that day, i would be admitted into a hospital and the next day, an operation. naks, drama ano? romanticizing again.

    seriously, there’s nothing like being admitted in a hospital to get you thinking how fragile your life is. you get a perspective. well, i did. i was turning 39 and approaching middle age, was over weight and a smoker. now that all adds up, either to cancer or a heart attack. early death – that’s what made me decide to quit. i don’t want to live longer than i should but i certainly don’t want to die young. it would be unfair to my wife and to myself.

  10. bosing, bilib talaga ako sa yo. may 30 nang walang yosi? pagagawan kita ng rebulto, pramis.
    wow, sa panaginip na lang pala ang yosihan mo. di na bale, mahirap naman talaga yan eh, at least na-a-address mo ang subconscious na yan.
    keep it up!

  11. hi jop.

    alam mo miss ko na talagang mag sigarillo. that was my one last poison that for the longest time i couldn’t give up because it was so damned good. after i quit, naawa nga ako sa sarili ko – self pity epeks. dahil pakiramdam ko, wala na akong enjoyment. hehe. the mind works in mysterious wicked ways. in any case, today, september 6 is the 100th day i have not had a puff. sana tuloy tuloy na ito.

    buti nagkausap kayo ni jet. matutuwa siya ulit niyan.

    ingat.
    jay

    PS – hindi mo ba napansin na ang title ng blog na ito ay galing sa “DREAMS” ng fleetwood mac. i was hoping mapapansin mo. hehehehe. but it was too hidden and too out of context probably. ngyehehehe. pero not entirely out of context because the subject matter of the blog IS about dreams.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *