NOTHING LAST FOREVER BUT THE EARTH AND SKY

dear unkyel batjay,

kamusta naman po ang all saints day ninyo diyan sa america? mayron din po ba diyan dumadalaw sa sementeryo tulad dito sa pilipinas?

ingat na lang,
gentle reader


dear gentle reader,

para ka namang sira ulo eh. wala namang all saints day rito sa america. although pag pumunta ka sa ibang parte ng los angeles na maraming mga mexicano eh makakita ka ng mga iba’t ibang mga litrato at estatwa ng mga bungo at ni kamatayan kasi mayroong “dia de los muertos” or “day of the dead” sa kanilang tradition. similar ito sa all saint’s day natin kasi nagpupunta rin sila sa mga sementeryo. pero may mga kaunting kaibahan din sa celebration natin. paano ko ba ito mai describe? isipin mo na lang na pinaghalong halloween at araw ng mga patay. pero come to think of it – bihira nga ang mga sementeryo dito sa titirahan namin. ang nakita ko lang na libingan simula ng dumating kami ay yung mausoleum sa ilalim ng cathedral of our lady of the angels. maraming mga mayaman na pinoy ang nakalibing doon kasama ng artistang si gregory peck.

kung hindi man sikat dito ang all saints day dito eh siya namang todo bongga ng halloween. in fact, hit na hit nga yung haunted house sa opinsina namin. hindi ako nakapunta dahil busy ako sa trabaho pero ang balita ko eh apat na babae at isang bading ang naihi sa salawal dahil sa sobrang takot.

yon lang muna at reporting from orange county, ang inyong
unkyel batjay

18 thoughts on “NOTHING LAST FOREVER BUT THE EARTH AND SKY

  1. Sayang nga mylab, sana nakapunta tayo dun sa haunted house sa opis nyo. Mukhang maganda dun sa pagkakakwento ng kaopisina mo e. Di bale, maybe next year. All in all naman, ok na din ang first halloween natin.

    Sunod… thanksgiving naman. 🙂

  2. bago yun a, dito lan pala sa atin (i mean sa pinas) meron “All Saints Day”? Hmmm, ang meron pala jan ay yung mga singer na “All Saints”. Acheche!

  3. ang pagkakaalam ko (na malamang e gaya ng ibang alam ko na puro pala mali), ang pinaka undas sa amerika e memorial day, which is the last monday of may – and popularly considered (though technically incorrect) as the 1st day of summer. awooooo.

  4. kami dito sa callcenter, wala ring holiday gawa nang sinasabayan nga namin ang holidays ng amerika. sabi nga nung isa kong caller na onaks “why are you still at work on holloween night???” medyo na disorient ako ng bahagya at tirik na ang araw dito sa atin noon dahil mag aalas-7 na ng umaga nung tumawag siya. kako “i’m just taking your call and will be going home in a while…” hehehe nakaka miss lang ang tradisyon

  5. Hi Batjay and Jet

    I visited your “Tahanan” webpage, its very nice. Well done…Babalik ulit ako.

    Regular reader mo na rin ako Batjay dito sa kuwentong tambay,

    hindi ko pa na-explore and site ni Jet….soon…

  6. haay dito sa singapore naman. boring. bitin and holiday (tapos na ramadan).

    heto konting pahinga at konting inom.

    dati yang c jet at jay tambay sa singapore.

    idol ko yan 2 kaluluwa na yan. (hehehe holloween e!)

    teka kwento mo naman jay yung tungkol sa takutan sa opis nyo…please!

  7. yes, people go to cemeteries to visit their dead on memorial day, and i mean the dead in general, not just the dead general. if we talk about the “war dead”, i believe that’s what will be celebrated on friday, nov. 11, as veteran’s day.

  8. Kung naihi sila sa takot, ano kaya ang gagawin mo? Wait, alam ko – pareho tayong mag-isip e. Pihado, yayakapin mo yung babaeng nagpapanggap na multo no? hehe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *