NOTHING HAPPENED IN SHANGHAI TODAY

nothing special happened today in shanghai. busy kaming lahat sa preparation ng conference namin at buong araw akong nasa loob ng conference room. medyo pagod at masakit ang paa dahil halos buong araw nakatayo. enjoy lang ako dahil nakasama ko ang mga officemates kong chinese at tuwang tuwa silang nagtuturo sa akin ng mga bastos na salitang intsik. hehehe… kung bakit mga curse words ang parati mung unang natutunan na foreign words. universal ata ito eh – kung may aliens siguro na taga ibang planeta ang mag landing sa ating mundo, mga mura siguro ang una nilang matutunan.

bukas nang main event namin at maraming tao ang pupunta. oo mga tao – hindi langgam, ipis at mga paru-paro. all in all 300 people ang expected naming dumating. ito na siguro ang pinakamalaki naming audience. todo bongga ang conference namin at ngayon pa lang, parang masasabi ko na sulit itong trip na ito.

tangnenek, di ko pa rin ma-access ang kahit anong blogspot na site. mukhang hinaharang nga mga censors dine sa china. suspetsa ko lang. hmmm… kung tutuo ito, sayang. miss ko na tuloy ang blog ng mylab ko. ingat ka na lang diyan sa singapore mylab. ilang araw na lang at uuwi na ako.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *