Nothin’ but blues and elvis

TITO ROLLY AND SPIDEY UNDER THE TALAMPUNAY TREE ngayon araw na ‘to, gusto kong bigyan ng parangal ang aking kaibigan na si tito rolly. mahigit isang taon ko nang kilala si tito rolly. alam ko, isa siyang guro (magaling according to some of his students) at isang mahusay na artist (mayron akong mga paintings na ginawa niya sa bahay namin na hindi ko ibibenta kahit sa anong halaga). magaling din siyang mag gitara at may ilang beses na kaming nag jamming sa ilalim ng mga puno ng talampunay sa aming house on a hill. alam ko rin na uliran siyang ama at magaling na asawa (lahat ng sinasabi ng asawa niya ay may sagot siyang AMEN). napatunayan ko rin na isa siyang tunay na kaibigan. last year kasi, nung na hospital ako (nagpatuli kasi ako – CLICK HERE FOR MORE INFO), sa lahat ng mga kaibigan ko sa online world, siya lang kasama ng kanyang misis ang dumalaw sa akin. and for that i am eternally grateful. sige na nga, sasabihin ko na ang tutuo: hindi po ako nagpatuli, naoperahan ako dahil pumutok ang appendix ko. kaya yan, supot pa rin ako hanggang ngayon.

back to the topic: na feature si tito rolly ngayon sa Blog-O-Rama ni Annalyn Jusay (ang tunay na mahusay) sa Manila Bulletin. manghalungkat na kayo ng mga kopya ninyo nung lunes, kung di pa ninyo ito nababasa. kung wala kayong makitang dyaryo dahil ginawa na itong pambalot ng tinapa eh available naman ito online – CLICK HERE.

20 thoughts on “Nothin’ but blues and elvis

  1. tama ka dyan! sa konti ng time that I spent with him, napakita nya talaga kung gaano sya kabait at sincere. hinatid pa ako nyan sa kabilang dulo ng megamall kasi gabi na!

  2. nakakatuwa naman how blogging paved the way for you to gain a real good friend. bihira yan.

    baka next time pwede na kayong gumawa ng duet ni tito rolly.

  3. batjay, sorry off-topic, magpapasalamat lang ako! πŸ™‚ libre ka namin next time, promise!!! hehehe mahirap nang magka-scar ka πŸ˜‰
    pa-link pwede?

  4. hi favel.

    sige libre pa link basta sa waray. waray problema. aray! hehe. it was nice to have finally met you and yasmin. sige – hintayin ko ang libre ninyo na chili crabs sa no sign board. samahan na nating ng shrimp paste chicken, stir fried vegetables at saka white rice para terno.

    ingat sa byahe.

  5. I don’t get it. I posted a comment here yesterday only to find it gone. Hindi siguro pumasok. Paalis na ko non e.

    Anyway, I appreciate the free plugging and of course, the very kind words. Yung pagdalaw namin ni misis non was our pleasure. I was a blogging fan, remember?

    Correction, kahit na po matanda na ko, nakakapag-tennis pa rin. Kaya yung hatid ko kay AnP sa Megamall, sisiw yun. (Hiningal lang ng konti pero hindi nya nahalata hahaha)

    Thank you rin sa mga nagcomment at kung may mag-cocomment pa.

  6. tito rolly dapat mag-thank you ka sa akin kasi nag-cocomment ako dito ngayon. tapos dapat mag-sorry ka sa akin kasi ang tagal nang thank you mo!

    pero batjay, bagay kay tito rolly yung caption mo talaga πŸ™‚

  7. hi ate luchie.

    kamusta na po diyan sa new york? oo nga, maswerte ang mga kaibigan ni tito rolly. kasi mabait siyang tao. tapos marami pang talents – magaling mag paint at napakahusay mag gitara. ang lakas pang magpatawa.

    sa sobra ngang talents, dapat nasa perya siya nagtatrabaho. hehehe.

  8. hehehehehe… misisP,

    anong caption ang bagay kay tito rolly? yung matanda na pero matulis pa rin? ngyehehe. oo nga dapat mag thank you sa iyo si tito rolly kasi bihira ka mag comment dito at yung entry pa tungkol sa kanya ang natiyempuhan mo.

  9. tito rolly,

    baka hindi nakapasok in time at napatay mo na ang PC mo ng hindi pa tapos mag download ng comment. hehehe… ayan, nabigyan na kita ng testimonial. alam kong binibigyan ng mga testimonial eh mga gurang na. di ka pa naman gurang eh. hehehe. pero maigi na yung napangaralan habang malakas ka pa at hindi pa ulyanin.

  10. ahay, late na naman ang pagdalaw ko dito. sabi nga nila, “the one, the only…tito rolly!” super-bait nyan at katulad mo, ang kuwela rin ng banat nyan sa mga jokes…”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *