NOT GONNA LET ‘EM CATCH THE MIDNIGHT RIDER

the aisle seat boys and girls of singapore isang bad habit ng ibang singaporeans sa bus ay ang hilig nilang umupo sa aisle seats. kahit siksikan na at marami nang nakatayo, di sila uurong sa window seat. iiwan lang nila itong bakante with a “dedma to the world” attitude. pag nagpilit ka namang umupo, iiwas lang sila na may kasamang masamang tingin pero papaupuin ka rin eventually sa tabi ng bintana. siyempre lulukso ka pa at malaking hassle. kaya, karamihan ng mga pasehero ay tatayo na lang imbis na makipagsiksikan sa pag upo. kanina ay puno ang bus pero may isang row na may bakanteng window seat. nagpilit akong umupo roon pero di umurong ang pasahero. eventually, pinagbigyan naman akong maupo sa window seat, kaya lang nag give way lang siya na may kasamang major na pagtataray. nagmadali tuloy akong umupo, kaya yon: tinamaan ng backpack ko yung ulo niya. naroon pa naman ang lunch box kong matigas. nag sorry naman ako pero parang gusto kong ulitin. hehe.

38 thoughts on “NOT GONNA LET ‘EM CATCH THE MIDNIGHT RIDER

  1. hi a8. good karma? perhaps. maybe even poetic justice.

    dinah. oo nga ano. malaking chance na natamaan ulit siya ng bag. pero huwag na lang kawawa naman.

    hi b&b. hindi ko alam kung bakit gusto nila ng aisle seats dahil most pinoys prefer window seats. ang tingin ko ay gusto nila na malaki ang space sa mga silya at ayaw nilang masiksik. karamihan kasi ng mga taga rito, hindi nila ipipilit ang sarili na makipagsiksikan papunta sa window seat. so, in theory – ang mentality nila ay: sit in the aisle and dare the other people to sit by the window.

  2. laki ngang hassle nun. Mas gusto ko rin window seat. Baka kaya kasi, maliit lang naman ang Singapore kaya ang byahe, maiigsi at nagmamadaling bumaba ng bus ang mga tao. At bakit magmamadali kamo? E bakit nga ba hindi kung ang makakatabi mo naman e puro may anghit sa kilikili at puro nangungulangot. O di ba magmamadali ka ring bumaba nun?

  3. Baka naman sinadya mo syang i-untog!
    😉

    Actually prevalent din yang attitude na yan dito sa London… Madalas akong biktima nyan!

  4. hello mylabopmayn!

    kamusta ka na siyan sa bahay? luto na ba ang masarap na ulam natin na ginisang monggo? nagutom tuloy ako rine sa opis.

    yung niluto mo kaninang umaga na meatballls ang tumama sa ulo ng pasahero sa bus.

    lab U!

  5. sa mga viaje ko, may mga bus na walang upuan at lahat nakatayo. may kutson lang na sasandalan sa tagiliran ng dingding ng bus at handle bars at hahawakan.

    tignan natin kung masanay ang mga singaporeans na walang aisle seat dahil lahat puro AISLES!

  6. Ate Sassy!

    Baliktad nga. Kaya ako naiinis. Hehehe.

    Naalala ko tuloy yung “Gorio and His Jeepney” yung pelikula ni Chiquito. Lahat ng pasahero niya ay gusto sa harap umupo, kaya nagpagawa siya ng extended na silya sa harap na parang pakpak ng eroplano ang hitsura dahil extended on both sides. ayun – nakakaupo na silang lahat sa harapan. hehe.

  7. hi auee. very interesting. bakit naman ginagawa ng mga egoy yon? any particular reason?

    viajero! ang ganda ng site mo, daming mga magandang fektyurs. ava, ang mga pasahero sa vas talaga rito ay ganyan. pero di naman lahat kundi patay tayo nyan. talagang dafat nang magfagawa ng mga vas na furo aisles lang.

  8. Ewan ko nga din. Basta napansin ko lang marami sa kanila may attitude problem, aggressive and most of the time bastos. I’ve been to other countries with itim’s pero dito ko na-shock sa London. Most are haughty.

  9. Hehehehe… i went to your blog via tito rolly. i have to say, all of your entries sent the ends of my mouth upwards. nakakatuwa mga stories mo. just like a stand-up comedy, no offence. heheheh. tawa ko nung binump mo yung ulo ng pasahero sa bus. you’re entries are fresh, spontaneous, unpretentious, and way damn funny.

    i must link you to my blog too!! cheers! more entries soon!

  10. kakatuwa na kakainis naman. buti wlang mga ganyan dito. people like to be seen as polite. thank you for that description of chiquito’s movie. laugh out loud-worthy talaga! 🙂

  11. alam ko d mo kilala-bago lng me d2 web mo,pero enjoy ako dun sa mga kwento mo.sa 3 yrs nyo dyan ng jdowa mo 2 days ko lng binisa ung stories nyo kandaduling nga ko eh.ganda ng mga entries mo tsong naaliw ako d kc ako nagtra2baho kaya ito inaatupag ko ngayon:)d2 OZ d msyado ganyan scenario sa bus pasalamat na lng me at kahirap pa man ding mag ingles pag napaaway:)

  12. hi auee.

    mahirap sigurong makipag away sa kanila ano? dito sa singapore, masarap makipag way kasi alam mo, at the worst, puro taasan lang ng boses. alam mo, walang silang baril at mga kutsilyo sa katawan. hehe.

    ano ba yung “haughty” – sobrang naughty in kapampangan?

  13. hey julsitos.

    maraming salamat sa pag dalaw. nadalawa ka pala kay tito rolly, ang idol kong guro. i’ve met him personally and he is a great guy. parang potato chips pala ang pangalan mo, ang galing. thank you sa pagpuri, sana di ka nautot sa kakatawa. ingat sa iyo.

    cheers!

  14. hi gail.

    i love your name. ang lakas ng dating, parang bagyo. naabutan mo ba si chiquito? during the height of his popularity, he had a cult following among the kids who grew up during the 1970s, me included. we all laughed at his corny jokes. hehe. he was “gorio and his jeepney”, “asiong aksaya” at pati ata sa “sarhento fofongay” – na title pa lang natataw na ako. hehe. thanks for dropping by.

    take care.

  15. g’day apading.

    ok lang, karamihan naman ng mga naglalagay ng comments sa site ko ay di ko rin kilala. well, kakilala pero most of them i have not met in person. and sometimes that’s whats good about the internet. you are accepted for what you really are as a person. nobody is distracted by appearance, body odor or body fat. hehe. ika nga eh mind to mind conversation, ang this really appeals to me dahil kutis betlog ako at di kagandahang lalaki. hehehehe.

    ingat na lang diyan sa iyo. nahirapan akong basahin ang comment mo kasi parang text message. hehe. pero, maraming salamat nonetheless.

    cheers mate,

  16. thank’s……………KAIN KAYO…………..nananghalian ako,nilagang talong at sitaw at sawsawang kaning buro SARAP mayroon kayo nun:)

  17. dito naman sa bangkok, di uso yung tatluhan sa isang seat sa bus na gaya sa atin. (para sa size ko, mukhang pwede pa nga ang apat sana.) hehe. pag magkasama kami ng friend ko na maliit din at me nakaupo na na tao, nakakahiyang umupo kaming dalawa kasi yung mga thai tumatayo na lang sila pag dalawa na ang nakaupo. kaya nananalangin na lang ako na me bumaba sa malapit sa tinatayuan ko:)

    tapos recently, nalaman ko pa na pag me monk pala na umakyat, at nandun ka sa seat na pinakamalapit sa door (door nga ba tawag dun:)), kailangan mong igive up ang seat mo. AT! pag babae ka, di ka dapat tumabi.

    hmmm. mukhang ok ang entries dito ah. keep blogging.

  18. hey salamat sa bisita at comment sa blog ko!

    anyway i’m an old visitor to your blog, lurker nga lang. tuwa ako sa mga posts mo. nakakaalis ng galit sa mundo hehe. do you mind if i link you? hi pala kay ate jet. 🙂

  19. hi ann.

    nasa bangkok ka pala. its a nice place, i love coming to thailand. napansin ko, mabait sa akin ang mga thai. i hope ganyan din sila in general sa mga pinoy diyan. bakit ano ba ang nangyayari pag tinabihan ang mga monk ng mga babae? titigas ba ang mga buhok nila? ay mga kalbo pala sila. hehehe.

  20. hi batjay,
    lurker din ako sa blog mo. nakakaaliw basahin ang mga entries mo, laging nakakatawa at nakakatuwa. minsan guilty ako dyan sa pag-upo sa aisle seats, lalo na pag sa trans-island buses na super lamig ang aircon at nakatutok sa window seat. otherwise, i love window seats, feeling ko lagi akong turista na nagsa-sight seeing. hehe! pero pag nasa aisle seat ako, i make it a point to stand up and give way to the boarding passenger. ayoko din kasi gawin sa akin na pasisiksikin hanggang makarating sa window seat. now i have another reason to do so, para di mapukpok ng bag sa ulo. hehehe!

  21. hi vannie.

    maraming salamat sa pag comment mo. ayan masaya ako dahil may taga singapore ulit na nag comment. so sumasakay ka pala sa trans-island. malayo nga ang byahe ng mga lekat na bus na iyan. naliliitan ako sa mga upuan nila.

    nahawa ka na pala sa kanila na mahilig umupo sa aisle. sige, kung sakaling makasakay mo ako sa bus, siguraduhin mong tumayo kasi matigas talaga ang bag ko. hehehe.

    ingat!

  22. ahehe…. me buhok pa po naman sila sa kilay:) baka yun ang tumatayo:) ay, ano ba to. hmmm. pero napaisip ako dun ah. ano nga kaya ang reason nila no?

    about the thais, mababait nga sila. hospitable din like us. medyo mahirap lang kausapin ang mga matatanda na cause hindi sila english literate.

    anyway, so, you’re sharing this blog with your wife? hi there ate, mrs. batjay!

  23. usually pag-nangyari sa akin yun, eh inuupuan ko na lang sila. kaya laking gulat nila na may 100KG na mama na biglang nakakandung sa kanila. hehe

    siyanga pala, i was told that a filipino employee of shangrila met an accident a couple of weeks ago. met the accident while cycling, kaya ingat lang pare koy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *