Niagara Falls, Dusk

pakiramdam mo ay parang may isang milyong hinulugang taktak sa tabi mo pag nakasilip ka sa gilid ng niagara falls. dumalaw kami rito last week nung nasa canada ako dahil kasali ito sa trabaho ko.  oo virginia, walang personalan. trabaho lang talaga. late afternoon na kami nakarating at tamang tama sa paglubog ng araw at pagsikat ng buwan. buti nga nakahabol kami. balita ko kasi eh pinapatay na raw ang niagara falls sa gabi kasi nagtitipid na sa tubig ang gobyerno.

22 thoughts on “Niagara Falls, Dusk

  1. Sumakay ka ba sa Lady of Mist? Sarap no? Pagdating sa gitna ng horseshoe, hihinto at parang magba-bow? Natalo ko ng malaki sa casino dyan. Yun lang ang nakakainis, hehe

  2. 1969 ata nung may ginawa silang project and they had to stop the falls – weird tingnan ano, pag walang tubig.

    at oo, nagpunta rin sa niagara si spiderman.

    walang oras bossing dahil trabaho yung pinunta namin sa niagara falls. pakita ko sa iyo ang video pag natapos na. gusto ko sanang sumakay sa barrel at mag plunge sa falls.

    bwakanginang mga casino sa tabi ng falls – nakakasira ng ambiance. mahal pa naman yon.

  3. yu mr batjay.nice job u got hre s blog mo. maraming salamat napapatawa mo ako.

    nways sana pahintulutan mo akong magamit ang iba mong mga images sa blog ko. tulad n lamang nung super titi 33. siguro kng meron nyan dito s pinas patok yan.

  4. hello, napakagandang tignan talaga ang Niagara Falls. Baka yung ilaw lang pinapatay nila. Di ba sa gabi, iba ibang ilaw nasa paligid ng falls. Nanjan din ako nung 2002, tumira ako sa Marriott Hotel, sa harap ng nakuha kong kwarto ang view ng falls.

  5. di ko na inabot yung light show. malaki nga yung marriott sa kabilang kalye na malapit sa mga casino.

    malaki matitipid nila sa tubig pag pinatay nila ang niagara falls sa gabi.

  6. hindi ko masyadong nagets yung joke about pagpatay ng tubig sa gabi hindi kasi taga canada hehehe(or slow lang talaga ako)

    akshuli nireregulate nga nila ang daloy ng falls well,hindi naman totally pinapatay… pinahihina lang, ayon sa wikipedia….
    “During the summer months, 100,000 cubic feet per second (2,832 m³/s) of water actually traverses the Falls, some 90% of which goes over the Horseshoe Falls, while the balance is diverted to hydroelectric facilities. This is accomplished by employing a weir with movable gates upstream from the Horseshoe Falls. The Falls flow is further halved at night, and during the low tourist season in the winter”…..
    simpleng trivia pero nakakamangha.. ang galing..

  7. How about Wish You Were Here by Fleetwood Mac.
    Paborito kong kanta ni Christine McVie
    From the Mirage album, kung saan kinuha ang pangalan ng pinakamagaling na banda sa musical extravaganza. Pangatlong pinakamagaling lang pala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *