NEWTON GOT BEANED BY THE APPLE GOOD

pumasok na yung technical support engineer namin ngayon after three weeks. may mini salbabida ngang dala-dala. inoperahan kasi sa pwet at hindi makaupo ng diretso kung wala yung kanyang “lifesaver”. ang sabi niya sa akin, may cyst daw na tinanggal kaya kinailangan ng surgery. bull shit! sabi ko, in my country, we call that “PIGSA“.

packingsheet. three weeks para makarecover sa pigsa? PIGSA! pwet niyang blue. unfair yan kabayan. samantalang ako, two weeks lang pumasok na after a ruptured appendix. bwakanginangyan talaga. umiinit ang ulo ko. sana pala, nag 4 week vacation na lang kami ni jet sa pilipinas imbes na nagpilit bumalik agad sa singapore at pumasok. ayan kasi gustong magpaka bayani, pwede naman palang long term medical leave. gago. gago, ga..”furry happy monsters feeling glad “.

dagdag ko pa doon sa kasama kong engineer nung pinag usapan na namin yung surgery ng pigsa niya:

you should have approached me instead of paying that doctor $1500 for the operation. in the philippines, we use a heated bottle to take away the pus. you will feel terrible pain like you haven’t felt in your whole lfe, but it is free of charge. you only have to treat me to a chicken rice lunch“.

30 thoughts on “NEWTON GOT BEANED BY THE APPLE GOOD

  1. parekoy,
    talagang ganyan ang pinoy. maski todits sa tate, inaako maski na hindu nila job discription. kaya madaling ma burn out. easy ka lang.

  2. sabi sayo mylab e…

    lika, bakasyon tayo uli… hehe

    Pero at least naman mylab, di ka na kinailangang pumasok na may dalang salbabida di ba? Remember, thank God for small graces. 🙂

    Ah ah ah… wag kang uuwi na mainit ang ulo. Friday na ngayon, weekend na bukas. Mwah!

  3. hello mylabopmayn. ok na ako ngayon. naiinis lang ako. sana pala nag extend na lang tayo para na enjoy pa natin ng matagal ang bahay sa antipolo.

    sabagay, nakabitin din ang mga bills na dapat bayaran dito sa singapore.

    pero tama ka, maraming kailangang ipagpasalamat. unang una na doon ay the fact na wala tayong anghit. hehe.

  4. boss Jay, ok talaga tong blog mo… nakakawala ng antok. boring kasi d2 sa ofc…
    taga Pasir-Ris din ako.. nabanggit mo sa ilang entries mo na mahilig ka din sa basketball. naglalaro kami every Saturday afternoon 6PM onwards sa may block 230 malapit lang sa inyo yun, karamihan Pinoy naglalaro pag sabado. Punta ka minsan….

  5. hey aaron.

    kamusta? isa pang singapore based pinoy. ang galing. gusto ko talaga pag pinoy OFW na taga singapore ang sumulat. salamat.

    oo nga ano… paano mo nalamang malapit lang sa amin ang block 230? hindi ko naman ibinabalita ang address namin. (kaba…kaba) kinabahan tuloy ako. hehehe. uy. salamat sa basketball invitation. sige punta ako kaya lang di ako pwedeng maglaro kasi bagong opera lang ako. isa pa, wala ako sa condition. hanggang jolens lang siguro ang kaya kong laruin.

    salamat sa papuri. ok lang na antokin sa opisina. huwag ka lang matulog at tulo laway. bad yon.

  6. actually medyo naidlip talaga ako kanina pero di naman tulo-laway.. hehehe
    yung sa address… nabanggit mo kasi naglalakad lang kayo papunta sa loyang pt. kaya naimagine ko around the area ka lang. around loyang din kasi ako nakatira.

  7. ahhhh…. kaya naman pala. parati kasi akong naglalakad around the area natin. baka kako namataan mo ako.

    kung may nakikita kang lalaking naglalakad ng between 6-7 am na mukhang tatanga tangang pinoy, ako yon.

    o kaya pag may nakita kang naka bike ng mga 9-10 pm ng gabi na mukhang pinoy na nagtitinda ng balitog, ako rin yon.

    hehe. malapit ka rin sa pasir ris nagtatrabaho?

  8. Naalala ko mala-pigsang zit ng dyowa ko sa kwento mo… Pero di yun ang kwento ko…

    Dito sa opis (London), one officemate took a week off kasi namatay yung pusa nya. Yung GP (physician) ko last year, took a week off kasi namatayan yung bestfriend nya.

    Lahat yun compassionate leave, meaning di bawas sa personal leave nila. Okay ‘no?

    Samantalang karamihan ng Pinoy OFW around the world di makuhang mag-off kahit naka-chemo parents nila, namatay kuya nila… They can but they won’t because they’re better off sending financial assistance back home.

    Culture difference ba ito?
    🙁

  9. … on the lighter side, your title “NEWTON GOT BEANED BY THE APPLE GOOD” reminded me of Dan Brown’s Da Vinci Code…

    I highly recommend it. Page-turner talaga if you like conspiracy theories. There are some interesting facts about Da Vinci’s paintings as well.

  10. Malapit lang work ko, dito lang ako sa Changi North, malapit sa notorious ‘Changi Prison’. pwede ngang lakarin kung trip mong mag-exercise ng naka office-attire. Sa IT linya ko.
    Syanga pala sir jay.. do u mean “Binatog” ba yung “Balitog”?

  11. Pigsa inoerahan???? Pasubali lang sa mga kumakain. Adult language coming. Dito kamo sa Pilipinas, bote lang ng coke ang katapat nyan. Intayin lang mahinog, itapat sa butas ng coke, humanap ng kaibigang tapat at pukpukin voila, putok ang pigsa. Take note, kailangan kaibigang tapat, kasi makikita niya di lang ang kuyakot kundi buong behind mo.

  12. hi auee. ang pangalang walang consonant.

    wow, compassionate leave for a dead pet. ok yun ah. marami namang mga special incentives diyan sa europe, sama mo na yung long weekends. but i read yesterday, things may change soon in europe and the perks may be stopped.

    i’ve read and blogged about the da vinci code last year. please go to “what i’m currently reading” for more information.

    the title of the this blog: “NEWTON GOT BEANED BY THE APPLE GOOD” is taken from the REM song “man on the moon”. the song is a tribute to the late andy kaufman whom jim carrey portrayed in the movie of the same title.

  13. haha, eto talaga ang trademark ng blog na `to…tiyak na matatawa ka. Sana nga nagsabi na lang sya sa’yo na may pigsa sya para natulungan mo na lang at tiyak di yun nagastusan. Ang tanong, kaibigan tapat ka ba nya?:)

  14. tito rolly, sabi ko nga doon sa kasama ko eh ako na lang sana ang nagpukpok ng bote doon sa pigsa niya para nakalibre pa siya, instead na mag fork out ng 1,500 dollars (45,000+ pesos) para sa operasyon.

    sabi ko: “you will feel terrible pain like you haven’t felt in your whole lfe, but it is free of charge. you only have to treat me to a chicken rice lunch”

  15. Sana nga nag extend na lang kayo ng bakasyon. Nagkita kita pa siguro tayo ulet. Hehe. Pero alam ko, nabo-bore ka na pag tagal ng bakasyon. Ganun din ako eh. Mga workaholic. 😛

  16. e di bakasyon ka na lng ulit.. 🙂

    lam mo sabi ng lolo ko pag nagka-pigsa ka ibig sabihin di daw malinis yung katawan mo… (sabi lang ng matatanda) pero naniniwala ako dun… 🙂

  17. oo nga sana nag extend kayo ng isa pang linggo. nagkadaupang palad pa sana tayo, kumain at nagtatalon. kumain pa ng marami at magsasayaw.

    di naman nauulit ang appendisitis di ba?

  18. bubuka ang sugat pag nagtatalon at nagsasayaw…

    o kaya magkaka-dyabetes sa sobrang kain…

    o kaya magkaka-dyarrhea sa halo-halong kinain…

    iinom na lang ng dyatabs

  19. Nuong nasa pinas ako naoperahan rin ako ng cyst sa pisngi ng pwet ko. Out patient procedure lang kaya tapos nun pahinga lang ako ng 1 araw ata at balik pasok na ulit ako.

    3 weeks para maka recover? Mukang over nga yata yan. Pero sa totoo lang kung alam ko na ganyan ang company policy nyo at pepede e bakit naman di ko kakagatin, aba e pantay pantay lang dapat diba? Whats good for the bibe is also good for the pato.

  20. ayan junnie. sinagot ka na ni jet. hehe. thank you mylab sa pagreply mo kay junnie.

    hi andres. oo nga. alam ko pigsa lang yung case ng office mate ko. actually, di ko inisip na mag extend ng sick leave that time dahil ang daming mga pressing na work. di naman sinabi sa office na take it easy. i should have. thanks for your comment. ingat sa iyo.

  21. kaines naman talaga pag nalalamangan e. 😀 pero tama si jet, thank God for all the blessings! 🙂 bawi na lang kayo sa next vacation nyo. have a good week ahead! 🙂

  22. dahil sa mainit na ulo kinaylangan n mgpatingin sa doktor dahil sa kahinaan ng loob nya n makita ito knyang itingo sa lahat n ngbakasakali ito ay isang simpleng butlig hindi pla tangna pigsang kupal pla yun hahahah!!
    kya kung makita mo yun yaks eweweweewewe!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *