Nemesis Hypothesis

ano kaya kung bigla na lang nag decide na umuwi sa pilipinas ng sabay-sabay ang lahat ng labingisang milyon na OFW na nakakalat ngayon sa kung saan saang singit ng mundo. babagsak siguro ang world economy, no? sa hong kong at singapore lang siguro, libo-libong mga manager ang hindi makakapasok sa opisina dahil walang mag-aalaga sa mga anak nila. 

speaking of singapore, naisip ko rin – kung mayroon lang sana sa pilipinas na matinong gobyerno na tulad ng sa singapore, tapos sabayan pa ito ng pag-uwi ng lahat ng mga OFW, siguro mas maunlad pa tayo kaysa sa japan in a few years time.

kaya lang, malabo ata itong mangyari. kaya nga minsan, gusto kong hilingin sa diyos na sana may bumagsak na malaking comet sa pilipinas. delubyo lang ata kasi ang kailangan para mabago natin ang takbo ng bansa. kailangan mamatay muna lahat ng mga pinoy para yung papalit sa atin ay makapagsimula ng walang bad habits. sa madaling salita: walang corrupt, walang tamad at walang mahilig manood ng mga korean telenovela.

54 thoughts on “Nemesis Hypothesis

  1. Duon sa post mong nakaraan tungkol sa sulpicio nag-post ako nito:
    Ewan ko kung anong kinalaman ng Sulpicio sa sinabi ko. Dapat pala ni-save ko na lang para dito. Mas appropriate ata.. Anyway, heto ulit, medyo edited.

    —————————————

    Nung natuklasan na corrupt is Marcos, Ibagsak daw. Ibinagsak nga.
    Nung napansin na mahina si Cory, Ibagsak daw. Munting nang maibagsak ng mangilan ngilan din na pagtatanka.
    FVR’s time was quiet….
    Pero nung si Erap na, nung nahuling nagnanakaw, ibinagsak.
    Ngayon, si Gloria… ibagsak nanaman ang naririnig rinig ko…

    Pero ala din… nakakadismaya na. Kasi, anong mangyayari? Wala.

    …. bawat isa sa Pilipino ay may kasalanan sa pagkalubog ng bansa.
    Mula sa bawat estudyanteng nangongopya gamit ang text, hanggang sa BIR agent na nanghihingi ng lagay, hanggang sa mga shipping lines gaya ng Sulpico na hindi man lang maisip na wag nang mag layag pag grabe ang bagyo, sa pulis na nangongotong, sa taong naglalagay, sa may aso na hindi nililinis yung tae ng aso nila, sa may ari ng sasakyang smoke belching, sa estudyante ulit na naglagay sa ROTC kasi tamad at ayaw magtraining ng simpleng army drill, sa opiser na nagpapalagay…

    wala nang katapusan..

    Pagka kaya napalitan ang pamumuno, mababago na kaya?

    Magbabago na kaya yung mga mayor at kapitan na nangungupit sa kabang bayan? Mababago na kaya yung mga botanteng ibinoto si mayor o kapitan dahil sa impluwensya at pamilya imbes na dahil sa galing na leader? Titigil na kaya ang pag e-elect ng tao ng sikat na artista na naiboto dahil sa kasikatan? Mababago na kaya yung laman ng television at entertainment industry na puro intriga na lang at walang katuturan? Mababago na kaya yung mga magulang na imbes na i-babysit na matino ang anak, ginagawang babysitter yung videogames? Titigil na kaya tayo sa mga outdated na paniniwala at pamahiin? Matututo na rin kaya tayong wag makinig sa corrupt na leaders ng simbahan at sa wakas mag birth control na?

    Nakakaiyak na…

    Neutron bomb na nga lang ata ang sagot…

  2. hindi kelangan ng bansang ito ang mga trapong politiko na 18 taon na sa senado na sobrang katandaan di na makapagsalita ng maayos..o mga batang politiko na puro papogi at kala mo artista kapag humingi ng tawad sa mga nakalaban nun huling eleksyon. di rin natin kelangan ng mga rallyista na walang ginawa kundi sumigaw, manisi at magreklamo pero di marunong magbanat ng buto. di rin makakatulong ang mga empleyado ng gobyerno na walang ginawa kundi magtsismis at tumanganga habang oras ng trabaho. lalo na ang mga taong puro pansariling interes ang iniisip na walang ginawa kundi ang magnakaw at mandugas sa kaban ng bayan

    pero wala ng sisihan..umpisahan ang pagbabago sa sarili mo.bumoto ng tama, magtrabaho ng maayos at wag manlamang ng kapwa.sa huli lahat din naman tayo makikinabang.

  3. hindi kaya lumubog ang Pilipinas dahil sobrang madidikdik yung lupa at magdidikit-dikit, mawawala yung hangin sa gitna ng lupa, mamamatay ang mga bulate, bababa ang level ng lupa, tataas ang level ng tubig at babahain lahat ng wala sa bundok?

Comments are closed.