Neither give cherries to pigs nor advice to a fool

MAHALAGANG BALITA… “di-dit-ditdididit” (sound epeks na morse code na ginagamit sa radio news). TIME CHECK…ang oras sa buong kapuluan: limang minuto, makaraan ang truck ng basura. Ang oras ay hatid sa inyo ng “Ruby Blade Pomade, Ang Pomada ng mga Nag-aahit!”… ding-dong (doorbell sound epeks ng time check)

DATELINE TAIPEI. isang grupo ng mga sira ulong scientist sa taiwan ang naka-imbento ng glow in the dark na mga baboy. opo, bayan – i shit you not, baboy na kumikislap na kulay berde sa dilim.

ang mga naimbentong baboy ay sinasabing mga “transgenic” – ibig sabihin nito ay ginawa sila sa pamamagitan ng pag dagdag ng mga genetic material galing sa mga jellyfish (o dikya) sa mga embryo ng mga baboy.

wala naman daw kaibahan ang mga glow in the dark na baboy sa mga regular na baboy maliban sa sila ay neon green na mga baboy pag madilim.

pinagtanong na namin pero walang nakakaalam kung bakit ginawa ng mga siraulong scientist ang mga baboy na maging “glow in the dark“. ang suspetsa ng reporter na ito ay ginawa ang mga baboy na ito na kumislap sa dilim upang makita ng mga nag ba-barbeque ang mga niluluto nilang mga inihaw na liempo kahit walang ilaw sa gabi.

ang tanong bayan ay ito: dahil ang mga baboy ay naimbento gamit ang pinaghalong genetic material galing sa mga jellyfish, kakati ba ang bibig mo pag kinain mo ang karne nito? gagaling ba ang pangangati pag uminom ka ng suka? ang mga kasagutan sa mga tanong na ito sa mga susunod na mahalagang balita.

ANG BALITANG ITO AT ANG PODCAST PARA SA MGA SUMOBRA SA PAG MARIANG PALAD AY INIHATID SA INYO NG “BIRCHTREE HOLLAND POWDER MILK, ANG GATAS NA MAY GATA.”

8 thoughts on “Neither give cherries to pigs nor advice to a fool

  1. pag ba pinakuluan yung baboy magiging para ding gulaman? at bakit baboy? hanep! yan talaga ang pwede mong ibilang sa mga party animals……

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *