nabuhusan ng kape

nabanggit ko na ba na nasira yung office laptop ko last month? nagtatrabaho kasi ako rito sa bahay, medyo inaantok at nabangga ko yung mug ng kape at natapon ang laman sa keyboard. to make the short story longer eh hindi ko na-save yung computer kaya kahit nakakahiya ay nag request ako sa boss ko na palitan ng bago. ang good news lang ay hindi na-damage ang hard disk kaya na retrieve ko lahat ng mga dokyumento ko.

fast forward a month later…

dumating na yung bago kong laptop. it’s a much bigger and more powerful machine. great graphics and lots of goodies. ang isa sa mga goodies na kinuha sa akin ng aming IT department ay hardened ang case kasi ginagamit ko ito sa mga business trip at ang pinaka importante sa lahat: splash proof ang bwakanginang keyboard.

2 thoughts on “nabuhusan ng kape

  1. Sir! Medyo baguhan lang ako sa readers mo, gusto ko lang tanong ano ba trabaho mo at mukhang parang energizer ang laptop mo, heavy duty. Tsaka napansin ko sa mga nauna mong posts, paiba-iba ka kasi ng lugar.

  2. jay, it’s good that the hard disk was not damaged.. enjoy your new laptop.. baka dell latitude xfr630 na yung bagong laptop mo.. just q
    guessing… ingatz dre.. neil

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *