My Twice Daily Temperature Readings

wala namang extra special na nangyari sa akin papasok sa office ngayong umaga. ah except na may umutot sa aircon bus. tanginangbahutalaga pre! ang bantot bantot! pag pinatagal pa niya yon ng hanggang hapon, baka mag-invade nang mga amerikanong cowboy dito sa singapore, due to chemical weapons of mass destruction.

ganoon kabahu ang utot niya! (kung sino man siyang impakto or impakta). siyempre, walang umamin. pero linawin natin ah, hindi ako yung umutot.

kung sa pilipinas yon nangyari, sisigaw na ako ng: “o, yung umutot diyan, umamin na”. problema nandito ako sa singapore, kaya tumayo na lang ako sa silya ko at pumwesto malapit sa pinto para umiwas sa amoy.

nirecord ko na rin nga pala ang temperature ko sa My Twice Daily Temperature Readings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *