My philosophy of dating is to just fart right away

habang papasok sa opis kanina, may narinig akong bagong term sa radio – “ON FARTING TERMS“. ang ibig sabihin daw nito ay you are at a point in your relationship where you are comfortable enough with each other na pwede ka nang umutot while your partner is in the same room with you.

na discuss ko na rin dati yung next step dito – “ON FARTING TERMS WHILE UNDER THE SHEETS“. ang ibig sabihin naman nito ay talagang comfortable na kayo sa isa’t isa na kahit umutot ang partner mo habang nakatalukbong kayo ng kumot eh ok lang ito sa iyo. yung iba nga, ang tawag dito ay true love. para sa akin, isa itong form ng sadomasochism.

kung ako ang tatanungin, ang pinaka extreme expression ng true love ay kapag kayo ay – “ON BURIS TERMS“. parang hindi ata magandang pakinggan pero ang ibig sabihin nito ay talagang comfortable na kayo sa isa’t isa na handa na ang partner mo na labahan ang underwear mong may stain ng nicotene. ang tawag ata sa english nito eh “shit stain“. ang slang term ay “skid mark”.

17 thoughts on “My philosophy of dating is to just fart right away

  1. Katuwa! weird no?, pero true, minsan nga sagutan pa kami ng loveski ko eh… pero Sir Batjay ano tawag naman sa “habang ikaw ay nag sisipilyo sa toilet yung loveski mo naman ay ume-ebs?…”
    hmm….

    p.s. Kakatuwa talaga mga post mo..

  2. bosing, parang kinabahan yata ako dito sa post mo. Kasi tanda ko pa noong bagu-bago pa lang kaming mag-asawa, sinubukan kong mag-fart e. Sabi ko sa kanya, may ibubulong lang ako sa loob ng sheets. Noong ipasok nya yung ulo nya, I let go. Sinapok ba naman ako. Ibig bang sabihin non, hindi nya ko mahal?

  3. para walang shit stain, gumamit ng itim na underwear. parang advise ng tatay ko, anuman ang kelangang gawin outdoors e gawin sa gabi parang walang alikabok. hapi gobble gobble pow.

  4. Ay naku KB, I still remember it well. Wala pang one month kami ni Arnel (mag-“on” lang), umutot na siya ng malakas — at kilig na kilig pa ako! Sabi ko kay besfren, siguro feeling comfortable na kasi siya sa akin. Pero tama nga ang saying “be careful for what you wish for; you might just get it.” Ngayon kasi hataw nang hataw siya ng utot, kung saan saan. Under the sheets, inside the car or elevator, sa kusina pag nagluluto. Walang tigil talaga ‘to. And yes, I do the laundry so I have to be very careful doing the whites kasi baka ano pa ang hawakan ko. I guess true labs ko talaga si mister, ‘no? (Buntong hininga).

  5. ngyehehehe… hi kapitbahay st, gig.

    yan ang maganda kay arnel. tutuong tao at walang kyeme. did you guys have a great thanksgiving? i hope you had a great time. kailangan na nating i-arrange ang ating next dinner na hind na matuloy-tuloy. ngyehehe. ingat!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *