TURNING JAPANESE, PART 4

my love… kamusta ka na?

di naman luma ang hotel dito sa tokyo. iba lang ang tunog ng dial tone nila. parang busy signal kaya di makapasok ang internet connection ng pc ko. dito sa hotel sa tokyo ay may separate na port para sa internet kaya nakakapasok ako dito.

anyway, 2 days na lang andiyan na ako. bukas – sunday ay freeday ko. di ko pa alam ang gagawin ko. lilibot siguro ako sa mga tindahan para maghanap ng mga brick-brack.

kanina sinamahan ako ni ikegami sa isang department store. nakabili tuloy ako ng valentines gift ko sa iyo. nakabili rin ako ng 2 print reproductions ng 2 japanese masterpiece. magaganda ito ay pwede nating ipa frame at isabit sa bahay sa antipolo. pag sinama natin ang mga paintings ko at ang painting na galing sa wonderware, marami rami na rin itong pweden nating isabit sa bahay.

ngayon pahinga na lang ako dito sa hotel – napagod ako sa pasyal dahil sa haba ng lakaran. dahil bago ang sapatos ko eh medyo masakit pag matagal maglakad. ang masarap lang sa malamig na lugar eh kahit isang buong araw lang akong maglakad ay di ako napapagod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *