My life has been a tapestry of rich and royal hue

home alone ako ngayon hanggang april (or possibly even may – araguy). mga two months din na wala si jet sa tabi ko. ang laki laki pa naman ng flat namin dito sa singapore. four rooms, one big hall at spacious kitchen… at isang kupal na kakalog kalog (ako yon). may pupunta naman once a week para gawin ang housework. pero ako pa rin sa pagluto (which i really enjoy) at paglabada (na hindi ko kabisado). spoiled kasi ako. all my life, mayrong mga nag aayos ng mga pangangailangan ko sa bahay habang ako’y naghahanap buhay. nung bata ako, ang mommy ko. nung nag-asawa naman ako ay si jet ang siyang naging house manager. bagay na gusto niyang gawin at siyempre ok na ok para sa akin. ang problema lang niyan ay pag dumarating ang mga pagkakataon tulad ngayon – dalawang buwan kaming hindi magkikita. oo, siguradong kakapal ang kalyo ko sa kamay kaya nagbaon na nga ako ng maraming lotion eh. pero actually hindi naman yon ang problema ko… ang major problem ko ay ito (sana ay matulungan ninyo ako rito): pag ang t-shirt mo ay puti tapos ang kwelyo niya ang dark blue, saan siya babagsak – sa puti o sa decolor?

26 thoughts on “My life has been a tapestry of rich and royal hue

  1. Wala kang t-shirt na puti na naghahawa ang kwelyo mylab, unless bumili ka ng bago sa airport. So basta puting t-shirt mo, puwede mong isama sa ibang puti.

    Yan na nga ba sinasabi ko e. Uwi na kaya ako?

    Miss na kita, sobra sobra.

    Labyu mylab. 🙂

  2. yung binigay na t-shirt ni simon mylab. colored ang kwelyo eh. nalilito tuloy ako. hehehehe. miss na miss na rin kita lalo na’t may labada problem ako. hehehe. pero di bale, i will overcome this. o kaya uwi ka muna para tulungan ako sa labada tapos alis ka ulit. balik balik hanggang matapos ang 2 months.

    lab U!

  3. if new- wash separately or soak in water overnight then if you are sure the collar isn’t bleeding you may put it with the whites just remember not to bleach your whites if they are mixed with a colored collar 🙂 if it bleeds – wash alone 🙂

    you will miss Jet more each passing day … as much as she is missing you…

  4. yehey! pwede na kong mag-comment..

    uhurm… well, since nasabi na sayo ang tamang paraan ni ate g at ate jet, meron nang solution

    or kaya taking the advice of kuya kups (uy parang chupa chups) pagkatanggal mo ng kwelyo, i-bleach mo ng white, tapos tahiin mo pabalik kasama ng puti. Eh di white na lahat at di ka na magkakaproblema ever…

    sigurado babalik ako dito kasi maraming tips na makukuha… laba dami, laba-ngo, sa mister clean, puti na rin! hehehe

  5. If I were you, di ko sya lalabhan. 2 months lang naman,di ba? Or kung maselan ka at ayaw mo syang itambak na hindi labada, wag mo na lang kayang isuot?! Joke,hahaha!

    Really,you and your wife Jet, and Renee and her Lorenzo are the sweetest couples on earth.
    Care to share some tips? (not on the laundry,ha!):)

  6. Naku, napapaiyak na ako sa inyo! Ako na rin tuloy, nami-miss ko si Jet (ikaw rin siguro, Batjay)! Sige na nga, tutulungan ko kayo during these challenging times — ipadala mo sa akin ang t-shirt mo at ako nalang ang maglalaba.

  7. hahahaha….hahahaha….hahaha!!

    hayyy…gayahin mo si eder, kahit madumi pinapasok sa washing machine. feeling kasi niya, intelligent enough yung washing machine to know the difference between colors and textures. basta may understanding kami na huwag na huwag niyang isama yung mga damit ko when i’m away…otherwise, ayun, WWIII na.

    la bang instruction label yung underside ng shirt? it would usually say naman whether to wash it with other whites or not. if not, good luck! hehe…

  8. BatJay, kumuha ka ng dalawang batya. Magkatabi ang dalawa. Yung kwelyo, nakababad dun sa isa, tapos yung rest ng damit, dun sa kabilang batya nakababad. Labhan ang dalawang bahagi ng hiwalay.

  9. SaintGigi – huwag ka nang umiyak, baka pati ako ay maiyak. oo miss ko na si jet, pero makakaraos din pag tagal. TALAGA? ikaw maglalaba ng shirt ko? matagal yon eh. may naiisip ako… bakit hindi mo na lang ako padalhan ng pera tapos kukuha na lang ako rito ng labanderang singaporean.

  10. kamusta karampot? maraming salamat sa pag comment. buti naman at nagpursige ka, minsan nga kasi ay may problema ang mga ibang servers sa pag access dito. anyway – pipilitin kong masundan ang mga iba’t ibang payo na natanggap ko rito. ingat na lang diyan.

  11. …An everlasting vision of the ever changing view … Uy favs ko yang Tapestry by Carole King. Actually nasa-ulo ko iyong buong album kasi may lyrics siya sa likod di ba?

    Ang paglaba ng shirt mo? Hiwalay sa puti, puedeng isama sa light colored ones – as in pastel. Wala ka bang mga light pink na damit. 😉 Hehehe! Joke lang!

  12. CELIA K!

    siempre, “tapestry” ranks among my personal favorites as well. that goes with a lot of other people who have appreciated carol king’s understated masterpiece.

    mayron ako dating light pink shirt. galing sa company namin. di ko alam kung sino ang wise guy na gumawa non. hehe.

  13. galing-galing naman, hindi lang katatawanan at may tips pa. this is great, i never knew what to do with those white/colored shirts, i always mix them with the colored para kung masira man, isang shirt lang ang sira at hindi isang load ng white.

    nalabhan mo na ba? ano’ng ginawa mo at ano’ng result?

  14. hi vangie.

    well, i found out the next day that the “white shirt” was in fact not white. it’s a new shirt that was given as a gift by my cousin and was looking at it for the first time in subdued yellow light. the actual color is almost light peach with a dark blue collar. i put it in with the colors. hehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *