MR. SISON, MAPUA’s LEGENDARY INSTRUCTOR

Humahaba nang listahan ng mga antics ng Beloved Professor Natin sa MIT na si Mr. Sison…para siyang si John Nash, ang bida ng “A Beautiful Mind”. Baka may alam pa kayo, dag-dag lang…


1. naglalakad sa corridor na may hila-hilang chalk box na parang laruang kotse

2. paatras maglakad pag pababa sa hagdan dahil baka raw may tululak sa kanya

3. tagilid parati ang parking ng volkswagen beetle nya

4. nagatatago sa ilalim ng lamesa para kunyari walang teacher…pag-tagal siyempre aalis na yung mga studyante, bigla syang lalabas at sisigaw ng: “hahaha nandito ako!”

5. iba ang tinuturo nyang style ng math at kapag subject niya ay pre-requisite ng isang subject, lagot ka.

6. puro sulat ng chalk ang polo barong

7. parating nagsasalitang mag-isa

8. Naninigarillo na nakalabas ang ulo sa bintana dahil no smoking sa loob ng classroom.

9. Nag susulat sa black board pero lumalagpas hangang sa pader.

10.Naging substitute teacher namin siya sa isang subject (physics ata..): at yung unang araw ay inihagis yung bote nang coke na nakalapag sa table sa harap nang klase kasi napakaingay namin nuong pumasok siya. Siempre tahimik lahat.. Tapos iniwan pa yung mga basag na bote pagkatapos nang klase, hindi man lang nilinis. Ginawa ba ni john Nash iyon?

11.nagdi-discuss yung mga babae sa front row biglang sinampal yung isa sabay sigaw ” Hindi ako putatero! kung gusto nyong mag-puta dun kayo sa Ermita!”.. hagulgol yung babae (matalino pa naman)… ang sama

12.yung grading system nya: kung ilan ang ekis mo, yun ang tama mo.
6 ekis = overpass
5 ekis = pass
4 ekis = underpass
3 ekis = salonpass(sabay tawa na ala Romy Diaz)

13.siya daw si Mel Mathay, head ng MMDA. yung pinakamatalino sa klase, head ng metro aide.

14.sa kanya namin binibigay yung test papers namin na sagot lang ang dapat nakalagay – pag me solution, male. kasi unique yung test ng bawat isa, me row #, seat # & even/odd # na variables. sa umaga yung test, sa gabi mo pa ipapasa – sa hirap…

15. nag-init ng panis na ulam sa Social Science Faculty, takbuhan palabas yung mga profs, hehe

82 thoughts on “MR. SISON, MAPUA’s LEGENDARY INSTRUCTOR

  1. Nakikita ko cya nag-iinit ng baong lunchbox sa bubong ng VW Nya. One time naman, may naka-tahing tahong (mussels) shells sa barong Nya. Malas ko naman, di ako na-under sa kanya! Ang saya siguro. Makwento sya at minsan kinwento nya (sa faculty outing namin) yung mga nagma-masters sa UP na mga faculty, sa kanya nagpapatulong gumawa ng homework – sabay hagalpak ng tawa! Pero Kay Paulino, tatang at remy magtira, na-under ako – pati Kay mr kho, mrs sy, at mrs yuen ng math. MIT = Mapua Inst of Terrors noon!

  2. siya ba yun?
    yun botones ng polo salisi.
    pagkaparada ng kotseng kuba nya, ilalabas ang baon at ipapatong sa ibabaw ng kotse.at kapag may nagtanong kung baket ganun, ang sagot nya para daw mainin yun baon nya.
    siya ba yun?
    901074xx po.
    pero indi pinalad makatapos.
    thankful pa rin kasi nakatulong sa kin kapag nakikita sa resume ko na galing ako mapua kahit undergad.
    taiwan, kuwait at qatar mga work places ko dati.
    “viva mapua three times”

  3. Nilalagay nya lunch nya sa ibabaw ng beetle nya para uminit daw. Pero minsan kinain ng pusa, he he he. dismiss class namin

  4. Minsan tinanong namin sya kung bakit pabaligtad sya umaakyat ng stair, binigyan kami ng computation ( less energy daw) which is true naman

  5. Maingay yung isang estudyante sa back row. Binato niya ng eraser, kinuha ng estudyante yung eraser at ibinato sa kanya. Kumuha siya ng nilamukos na bond paper at binato nya ulit yung estudyante, naglamukos yung estudyante ng papel nya at nagbatuhan sila ni Mr. Sison…. hahaha… mayamaya ang buong klase na bumabato kay Mr Sison… si Sir naman enjoy sa kapupulot ng mga papel na ibinato sa kanya at tuloy ang batuhan ng klase na may kasamang sigawan at tawanan. Sa kwarto naman namin, galit na galit si Mr Pieng Ang (Terror din ng EE Dept) patakbong pumunta sa katabing kwarto para sigawan at pagalitan ang maingay na klase. Napangiti na lang si Mr Ang at napakamot ng ulo nang makitang si Mr Sison ay kasama sa maingay. Naging Prof din kasi ni Mr Ang si Mr Sison. hehehe

  6. Naging prof. ko yang si Mr. Sison sa Calculus. Sinuntok ako niyan sa sikmura kasi napansin ko na mali yung solution niya sa kanyang lecture. Yun bagsak ako sa prelims at lahat ng kaklase ko pasa, pero pagdating ng finals, nakapasa ako but yung mga kaklase ko bumagsak, weird talaga.

    take home finals niya but hindi kayo makakapagkopyahan kasi iba iba solution dahil sa data na base sa seat # mo,etc.

    Isa pa yung chalk niyan nakalagay sa kaha ng Marlboro.

    Nagpriprito yan ng itlog sa bubong ng volkwagen beetle niya pag-tanghali.

  7. First day ng 2nd semester at naghihintay kami sa labas ng isang classroom sa 3rd floor West building. Naghihintay kami at curious kung sino maging instructor namin sa strength of materials. Pinagkukwentohan namin ang experience namin kay Mr. Sison sa mechanics noong nakalipas na semester. Habang nagkukwentohan kami, nakita namin si Mr. Sison na paparating sya. Para kaming nabagsakan ng langit. Ngunit dumaan lang pala sya at papunta sya sa North Building na direksyon. Kaya tawanan kami at palakpakan kasi mukhang di sya ang aming instructor sa strength of materials. Tumingin sya sa amin at ngumiti lang. Tuloy ang lakad nya malapit sa corner ng North Building. Ngunit bigla sya nag about face at lumakad papunta sa direction ng tinatambayan namin. Nang nakarating na, tumingin sya sa Room No. at tiningnan ang card na hawak nya. Pumasok at para kaming nabagsakan ng langit. Hinintay kami lahat makapasok at makaupo at sinabi “akala nyo makalusot kayo sa akin? malas nyo hahaha’.

    Well, that was one of the most memorable moments of my life in mapua
    Proud of myself for being able to survive 10 units with him. 🙂

  8. Nakakatuwa basahin ang mga comments ninyo dito tungkol kay Doc Sison. I had the honor and privilege to be his co-faculty member at mathematics Depatment sa Mapua for 6 years and aside from my knowledge from all the stories I heard about him, I had a great experience to know him outside of classroom. Doc Sison has a beautiful mind, no doubt about that. He has his own greatness that requires an open mind to be admired but aside from that he also has a kind heart. I have seen his sweet and caring side, to all his co-faculty members. The greatest experience I had about him is when he included me to had a peek at his family life. He rarely invited people over to his house but he chose a few of us to have dinner there one time. There, I saw a totally different Mr. Sison who is formal, sweet, prim and proper when he is around his wife and son. I guess everyone can visualize how fascinated I was at that moment, just watching them. A very wholesome decent family man with his very ladylike wife and respectable young professional son. Nosebleed nga ako noon kasi they conversed in English most of the time since his son grew up in USA. – Share ko lang, I’m sure most of you will be surprised to read this the same way I was when I was at that dinner.–Ma’am Beth

  9. For addtional info lang. There were 2 Mr. Sison instructors in Mapua before. Arsacio, in Math and Dominador, in ME. Yung may anak na Met Eng si Dominador. Engr. Dominador Sison was a favorite instructor in ME. Mr. Arsacio Sison, you were right, was a legend.

  10. He was my mech instructor. He smokes kahit nasa loob ng classroom pero one thing sticks to my mind whenever i remember him – his wet hankie na gamit nya pambura ng blackboard! Basa daw un para pag nagsulat sya sa blackboard eh mahirap ma erase hahaha! Genius!

  11. nung freshman ako na witness ko yung naakyat siya sa hagdan facing the other way, nung may magtanong sabi nya exit daw kasi yun kaya dapat sa kabila siya nakaharap. another time naman yung hila hila nya sa corridor yung chalk box malapit sa physics lab, nakita siya ni mr. calderon (head ng physics during my time may anak siya bubbles calderon prof din ng physics) nung makita ni mr. calderon si mr. sison tinanong nya bakit hinihila chalk box ayun pinaliwanangan siya about friction and gravity na mas madali hilahin kesa buhatin hehehe. may anak din si mr. sison na teacher naman sa chem. pero thats another story. at nakikiuso nga pala si mr. sison noon kasi noong uso ang boyband na menudo may tali sya sa ulo pag nag tuturo.( ingat ka lang kasi nambabato ng eraser kahit babae wala patawad) at sabi nga pala ng utol ko nung time nila pinapahiran ni mr. sison ng tae ng pusa yung volkswagen nya ( manipis ang pahid kaya maaamoy mo lang pero hindi mo malaman kung saan nanggagaling para daw pag inupuan ng mga estudyante lagot ang damit nila. at bantay daw sa exam nya eh pusa ( nauna pa pala siya dun sa harry potter na prof hehe)

  12. Di ko naging prof si mr sison pero bago kami pumasok sa klase ay talagang iniintay namin syang dumating sa klase niya para makiamot ng konting kasayahan. Lagi nya hila yong chalkbox niya at minsang nasa night class ako ay nawalan ng kuryente at hinila nya yong chalkbox na yon na may nakatirik na may naka sinding kandila kaya laking gulo at takot ng mga nakakita. Dahil akala nila ay multo. Dumarating din syang may nakasabit na anahaw na abaniko sa likod na mistulang kapa niya at kapag sya nainitan ay syempre pamaypay na rin niya. Ang parking area ng blue vw niya ay sa may chapel sa north bldg o harap ng supply store. Pagdating niya ay agad bubuksan ang baunan niya at ilalagay sa bubong ng vw para daw mainit pagkain niya. Ang alam ko ay tatlo silang prof sa MIT, bale dalawang lalaki at isang babae. Iyong kapatid niyang lalaki ay anak yong naging classmate ko sa general engineering. Lahat sila ay full of brain pati yong classmate ko. Si mr sison lang ang weird pero mabait naman.

  13. Mr Sison… how can I forget… nagyoyosi sa loob ng class then asks if meron sa aming mga estudyante na may dalang ashtray… aba pala… then, he drew an ashtray sa blackboard at dun nagtaktak ng upos ng sigarilyo… problem solved… #collegedays

  14. Hindi ko sya naging instructor pero muntik na! Yung room nya hinaharangan nya ng silya para walang makalabas. Tapos minsan, nakita ko syang nakakwintas ng shells ng tahong! Hahaha

  15. Nagdala siya ng pusa sa klase namin during our exam at nilagay niya sa lamesa para hulihin mga nagkokopyahan.

    Then one time may dala si sir na espada tapos pagpasok niya sa classroom tinutok niya sa amin dahil maingay kami nung dumating siya.

  16. Di ko siya naging prof. Bali balita ay naglelecture daw yan sa klase at puno na ng sulat ang black board tapos biglang sasabihin na di daw pala iyon sa klase na yon. Pumunta sa ibang room at doon nakasulat lecture nya para sa kanila.

  17. Pakidagdag ‘to…….prof ko sya sa strength of materials. Minsan yung mga loko sa amin nilock sya sa CR na halos katapat ng classroom namin. Nung makalabas may hawak na isang plastic cup…….sinaboy sa amin sa classroom…..ihi nya! Yaiks!!!! – ME ngapala ako…..batch ’90 grad.

  18. Kudos Sir Jay for initiating this. Laughter is the best medicine sabi nga and I have many right now dahil sa mga nababasa ko from the comments. Anyways, I would like to share also my experience with Mr. Bonus. He was the one that signs our CM na magkadikit na bundok at may tuldok on each (go figure ). He always says during trigonometry class, lahat ng babae MAKIKINIG and lahat ng lalake ay TITINGIN. Required magkaron ng notebook yan and kpag may nakataleng ruler or protractor may plus points sa exam or seat work. Sya rin ang haharap sa iyo at kunwaring duduraan ka pero pag spit nya papasok pla ang motion, hahahaha…Lastly, sya lang ang nagbigay ng option na kung ayaw mong mag jogging for PE, maghanap at magbigay ka sa kanya ng 100 buhay na Langgam na pula, hahaha…

    BTW, hinahanap hanap ko pa rin yung lasa ng pizza dun sa North bldg. tapat ng Chem lab dati at malapit sa cathedral….and syempre Manang’s Chicken….

  19. By the way remember why his students didnt sit infront or first and second row usually open, its because he always spits at students infront of him while doing lecturing.
    He will get problems from singers book but solution will be copied from besavillas reviewer based on singers solution. Based on the singers solution one problem will be solved on a very long computation. According to him that was foolishness. By using Sison Method. It was precise and short but the formulas were weird. In comparison using his formula is better than Singers

  20. Summer class, naglalagay ng aso sa pinto para ang mga late Hindi na makapasok.

    Ang kwintas nya buong pag mamalaki nyang made of talukap ng tahong.

    Ang thermos nya nilalagay sa may makina ng beetle, para daw laging mainit ang tubing!

  21. unang araw ng class nalaman namin kaagad na si mr. sison ang magiging prof, kinandado namin ang pinto at hinarangan ng mesa. lahat kami tahimik nung narinig namin na may pumipilit mag bukas ng pinto tapos tumahimik, may nag sabing “wala na yata” at masaya na kaming nagkukwentuhan. laking gulat namin ng may sumigaw mula sa bintana at sabay tumawang kontrabida, dumaan pala si prof sison sa fire escape, hahaha.

    kung naalala niyo si mr bagadiong, spanish teacher na may berdeng benz na kumakalembang pag umaatras, medyo marami na ang puti mong buhok gaya ko hahaha.

    kwela talaga sa mapua kaya mga produkto kwela din!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *