More on “shit happens” and “the shit has hit the fan”

dito ngayon sa singapore, mas malaking issue ang tungkol sa SARS kaysa sa Iraq War. marami nang nagkasakit na tao. ang total ata as of yesterday ay mahigit 80 nang may SARS, mahigit 700 ang naka-quarrantne dahil may possibilidad na pwede silang magkasakit. ang quarrantine na ito ay nasa kanilang batas. kailangan ay nasa bahay ka lang ng 10 days. pag lumabas ka eh, pwede kang multahan ng hanggang 15,000 dollars.

ang lahat din ng mga school ay sarado for 10 days starting last monday. lahat ng mga estudyante ay binigyan ng mga protective mask at sinabihang mag pa check-up pag may signs ng flu.

ang mga negosyo rin ay nagsisimula nang maapektuhan. ang singapore kasi ay isang regional center ng finance, engineering at services. karamihan sa mga negosyo rito ay konektado sa mga operations sa asia-pacific region. maraming mga taga rito ang pasok-labas from here to the rest of the region. ito ang dahilan kung bakit maraming in-contact with people with possible SARS. mabagal ngayon ang negosyong pumapasok at lumalabas sa singapore.

pati ako apektado, ang mga relatives ko na bibisita dapat dito for the holy week ay nag-cancel. di na tuloy makakapunta rito ang mommy ko for the meantime. di rin kami makapag-trip outside of singapore ng basta-basta. bad trip talaga. sa bus at train, pag may humatsing ngayon eh medyo mapapalukso ng konti ang puso mo.

hehehe… life goes on man, shit happens. konting ingat na lang at huwag masyadong mangungulangot, huwag magtanggal ng muta sa mata at huwag magtanggal ng tinga gamit ang daliri.

2 thoughts on “More on “shit happens” and “the shit has hit the fan”

  1. hehehe… naalala ko tuloy kwento ng tatay ko nang uso yung SARS… sa HK kasi siya nung time na yun, medyo sikat HK dahil sa SARS nun di ba? newei, as you well know (from experience, hehe nabasa ko sa nakaraang posts mo) maraming maaanghit sa tren (lalo na sa lugar na maraming porenjer na di sanay maligo araw araw), ayun sa halip na oqygen-rich air ang nalalanghap ng tatay ko anghit-rich na ung pumapasok sa lungs niya… hehehe to solb d problem… hehehe xempre UMUBO siya.. hahaha biglang lumuwang sa may pwesto niya! …stig!!!

  2. hi naomi. i love your name. alam ko ang sinasabi mo, i was in hong kong many years ago ay natapat na dumating ng sunday. sumakay ako sa train at muntik nang magdugo ang ilong sa amoy ng train. marami kasing di naliligo pag weekend dahil walang pasok. pag pinagsama mo pala sila sa train, hindi maganda ang resulta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *