Moon appears to shine

hello mylab,

happy birthday. hindi na ako mag papaligoy ligoy pa, heto ang isang regalo para sa iyo:: awit galing sa puso. sana magustuhan mo itong cover ng isang classic ni frampton. naghahanap ako ng angkop na kanta na magsasabi kung gaano kita kamahal – naisip ko nga para talagang senti, bakit hindi na lang isang 70’s song na mayroong lyrics na bagay nga sa gusto kong sabihin sa iyo: “baby, i love your way. i wanna be with you night and day“. sige na magkabaduyan na tayo sa special na araw na ito, ok lang sa akin. paraan ko lang naman para masabi na – maraming salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. maraming salamat sa mga tawa at ngiti. maraming salamat for being by my side kahit nakakalbo na ako’t malaki ang tiyan. happy birthday mylab.

lab U.

jay

PS oo nga pala, gumawa ako ng “haikung hindi” para sa iyo. sana magustuhan mo rin. heto…

ako’y iyong minahal,
kahit minsan ako’y kupal.
you are a wonderful.

10 thoughts on “Moon appears to shine

  1. Ang sweet naman ni Batjay….

    Have a very very Happy Birthday Jet !!!!

    Also to let you know that I am an avid reader of your blogs…. thank you for sharing your thoughts, your life and love stories with us…

    well done guys….

  2. Hello mga KB ko – Ano? Birthday ni Jet??? Buti nalang nabasa ko ‘to. Naku, saan makahanap ng sugar-free birthday cake (na masarap, siyempre)? Hmmm…

    Happy Birthday Jet!!!

    PS: Hindi ko alam kung sinabi ko na ito sa inyo pero back in the day, naging customer ko si Frampton (NOT dat kind! bastos! hehe). Kalbo siya at pandak, pero napakabait at simple lang. Sayang, my one regret is I never asked him to sing that song for me (harana epek) — especially since I got to see him in his shorts sa fitting room. Parang close na rin kami, di ba?

  3. and know that everything you do makes me love you more and more each day, and to think that that is even possible is a beautiful thing…

    I love you.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *