Mommy in America


first day ng mommy ko sa amerika. hindi ko nga ma imagine kung ano ang nararamdaman niya ngayong nasa bayan na siya ni mickey mouse for the first time in her 85 year old life. siya na pinanganak nung panahon na ang mga amerikano pa ang may-ari ng pilipinas. does it match the america that’s been on her mind for so long? i wonder.


ang isa sa mga unang napansin niya ay kung bakit daw napakalaki ng paper napkin dito sa amerika. hehehe. manang mana sa pinagmanahan. maganda pa rin ang mommy ko at her age, at sabi ko nga sa kanya, she looks great for someone who just came out of a 16 hour flight.


nasa bahay namin siya ngayon at nanonood ng TV. mamayang kaunti ay bababa siguro ako para makipag tsismisan. may jet lag pa siya at siguradong hindi masyadong makakatulog ngayong gabi.

26 thoughts on “Mommy in America

  1. Wow! At least kasama mo si Mommy mo for Christmas this year. Is she staying there for good? Sana nga para naman di sya nangungulila sa inyo. I’m sure she has so much in mind about the US na pinuntahan nya ngayon. And I’m sure nakakatuwa rin ang magiging mga komento nya aside sa table napkin. hehehehe!

    I can’t wait to see more pictures of her adventures in the US πŸ™‚

  2. hindi. dinala siya rito ng apo at apo sa tuhod niyang si donna at TJ, respectively, who are now somewhere in canada, probably shivering and quivering.

    she’ll be here for a while pero hindi for good. ayaw ata niyang iwan ang bayang magiliw. pero who knows, if she likes it here, baka sakaling pumayag.

  3. I saw your Mom during the book launch. Mukhang grooving groovy pa. Hehe. = D

    Si Mama naman sa January naka-schedule pumunta dito sa Singapore, in time for her birthday. Baka dalhin ko din siya sa Malaysia.

  4. andyan n pala si Mommy,sana mag enjoy sya dyan,pasyal n!nakita ko uli yong tulugan namin ni Leah,sana dumating si Mommy nong andyan kami para s gitna namin sya ni Leah s pagtulog,nka k mis n naman,slamat nga pala uli pre ko sa inyo ni Jet.Meri X`mas s inyo pati kay Madir,,hapi b-day din nga pala kung di ako nag k kamali(mag 2 bote muna tyo),God Bless!

  5. wow unkyel, siguradong masayang masaya ang Christmas mo dahil nandyan ang iyong pinaka-ma-mahal na Mommy.

    I have the same feeling when Nanay was here in NJ last year. First time nya rin, 61 years old naman siya. Nag-enjoy sya kahit malamig gusto na nga ulit bumalik.

    Sigurado Mommy will have a wonderful time with her very loving son.

  6. Your mom still does look great. Masarap palagi ang kuwentuhan tuwing bumibisita ang mga mahal natin sa buhay. Not only is it great to see them again after a long time but it is also fun to once again enjoy nice long talks and moments with them. πŸ™‚

  7. Hope your mommy will not find it cold there in the US. sabagay, di naman yata masyadong malamig sa Kalipornya. Merry Christmas to you, Jet at ang mommy na dahilan ng lahat, hehehe.

  8. hi AJ. parang baguio lang naman dito ngayon altough malamig kahapon dahil may bagyo.

    thank you linnor. si jet ang dahilan kung bakit maganda ang bahay. oo nga, iniwan daw ng mommy ko ang “troubles” niya sa pilipinas.

    excuse me pero “mommy”. ayaw niyang nagpapatawag ng lola, ok.

    GG: oo nga, nasa book launch siya nung nagkita tayo early this year. i’m sure mag e-enjoy ang mama mo sa sg at malaysia.

    hi mye. mukhang enjoy naman ang mommy ko. one day pa lang siya and she’s having a great time.

    hi allan. nagpag usapan ka nga namin ng mommy ko kahapon. nagpa regards ka nga raw. regards din sa inyo. kailan ka ba dadalaw rito?

    dinala mo pala ang mommy mo sa NJ. dinala mo siguro siya up and down the east coast. saan ba kayo roon?

    c baker: thank you. sige sasabihin ko yan sa mommy ko.

  9. tol.

    i am very happy you have your mom with you inspite of her age. just keep her warm always para di mabigla sa sudden change ng climate. may the blessed season brings you happiness and contenment. merry christmas!

    to all fellow bloggers: merry christmas to all and may peace and prosperity reign in our hearts.

    warm regards……bong

  10. Bossing Jay,

    My Mom is so excited to see Tita Lita. She called me today para bisitahin siya dyan sa inyo (he he he! layo nun). Hopefully soon before kayo umakyat ng Frisco… Perhaps kina kuya Tad maybe.

    Btw, please send Tita Lita my warmest regards.

  11. She looked well rested after her long trip….for an 85 year old lady that is amazing! Magaling siguro ang genes ninyo. Sabihin mo kay Mommy mo, “Welcome to sunny Southern California” maski na inuulan tayo ngayon.

  12. Makikidawdaw na lang ako sa kaligayahan nyo ni Jet, Ka-BJ.

    Nakaka-bawas nang homesickness knowing that my virtual friends get to spend the hols with their love ones.

    Ang sarap ng feeling ‘no? It’s been 2-years since I last spent xmas with my parents. This year we’re spending it with my sisters, one of whom I’ve not seen for 7 years. So kahit paano di ako naiinggit πŸ˜‰

  13. siya na pinanganak nung panahon na ang mga amerikano pa ang may-ari ng pilipinas. does it match the america that’s been on her mind for so long? i wonder.

    so, ano po bang impression ng mommy ninyo sa US?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *