MOMMY AND HER PRODIGAL DAUGHTER

kuha naming dalawa ng mommy ko sa sentosa last friday. mukhang di nga napagod ang mommy ko. isang linggo na naming nilalakad ang mga attractions sa singapore eh parang ako pa nga ang nanlata in the end. at least, naipasyal namin siya rito at nag enjoy ng husto. kuha naming dalawa ng mommy ko sa sentosa last friday. mukhang di nga napagod ang mommy ko. isang linggo na naming nilalakad ang mga attractions sa singapore eh parang ako pa nga ang nanlata in the end. kahit pagod ako ngayon ay OK lang. at least, naipasyal namin siya rito at nag enjoy ng husto. sa almost 80 years ng kanyang existence, eto ang first time ng mommy ko na mag travel abroad. ang pinaka bukang bibig niya ay ang total absence ng pag intindi niya sa family home namin sa novaliches. sa isang linggong bakasyon niya rito, wala siyang ginawa kundi kumain, mamasyal at matulog.

as icing to the already tasty cake, tumawag pa ang sister kong si ester from florida. she and her husband randy have my other niece donna as their guest for easter at tumawag sila ng madaling araw kanina (next time aga-agahan niyo ha! napuyat ako hehehe.) for one reason or another, ang ate kong si ester ay matagal na naming di nakakausap. gaano katagal? taon ang binilang. almost 8 years to be exact. and it brought great joy to my mom na makausap niya ang kanyang prodigal daughter whom she hasn’t seen in ages. nagkaiyakan pa nga sila. thank you dear big sister for calling us up.

TO VIEW THE WEB ALBUM OF MOM’s SINGAPORE VACATION – click here

9 thoughts on “MOMMY AND HER PRODIGAL DAUGHTER

  1. HAPPY EASTER!

    Ang ganda ng mga pictures πŸ™‚ feeling ko kasama din ako. hehehe, pasensha na, nag-feeling na naman ako :p

    masaya talaga pag may reunion of sorts πŸ˜€

  2. Ang suwerte ng Mommy mylab, for having a son like you.

    Ang hindi mo ikinuwento, kaya wala talagang inintindi ang mommy ay dahil…

    ikaw ang nagluluto ng almusal…

    at gumigising ka ng maaga para lang magawa yon…

    kahit maghapon mo silang sinasamahan sa pamamasyal at gabing-gabi na kayong umuuwi kaya konti lang lagi ang tulog mo…

    pag nga nagising pa ang Mommy, iginagawa mo pa siya ng kape, binubuksan ang TV para makapanood siya ng news, nilalabas ang mga prutas for pre-breakfast fare…

    Kaya ang suwerte ng Mommy, for having you as a son, whose love for her is all-pervading without being overwhelming and intrusive…

    Yun bang tamang-tama lang ang timpla.

    Suwerte mo din kasi sa Mommy. Kaya ka nakarating sa kinaroroonan mo ngayon ay dahil sa pagsisikap niyang mapagtapos ka ng pag-aaral.

    Pero alam ko na kung ano ang gusto ng Mommy mylab. Kahit walang pasyal, dito lang sa bahay, manood ng movies maghapon… mapahinga lang ng hustong-husto, masaya na siya. Siguro ulitin natin, pag-ipunan natin ang pamasahe niya, pagkatapos ng KR. Ipahinga lang natin siya dito sa bahay. This time, di ka na mapapagod, ako na ang bahala sa Mommy. At ako naman ang magluluto, o kaya 2 kami para matutunan ko naman ang mga masasarap na luto niya.

  3. yan lang naman talaga din ang gusto ng mga magulang talaga, hindi sa mga materyal na bagay, hindi sa malalayong lugar, marahil, oras lang na igugol para sa kanila, bigyan sila ng panahon at maiparamdam sa kanila kahit sa maigsing panahon ang kapalit ng lahat ng kanilang pinagpaguran mula sa ating pagkabata.

    ang sarap ng feeling noh, kahit papano, makapagpasaya man lamang ng galing sa pawis natin?

  4. koyang, pag laki ko, gagayahin kita! ipapasyal ko rin nanay ko. kaso lang, mas bata nanay ko sa nanay mo pero hirap na syang maglakad. na-stroke na kasi sya dati. pero di nagkakalayo ang mga pinagdaanan nila ng nanay mo. kaso lang, di nya magagawa mga nilakad ng nanay mo. pero di bale, basta ang importante, makapasyal kahit paano nanay ko sa labas ng pinas. dadalhin ko sya sa mcdo…..

    mcdo new zealand. pwede na kaya yun? =))

  5. bosing, masaya ako para sa iyo at nakasama mo nang matagal-talaga muli si mommy batjay.ang sarap ng feeling ng mapasaya kahit konti ang mga nanay natin ano? si boss jet din, napakabait. biyayayaan pa kayo ng maraming masasaya at malulusog na taon para magbahagi pa ng saya sa inyong pamilya at mga kaibigan.
    nakamfotah napazeriooz tuloy ako. pakisaludo na lang si mommy batjay para sa akin!

  6. hi jennie and junnie. magpakapatid ba kayo? hehehe. maraming salamat sa comment. enjoy nga ang mommy ko rito.

    hi ate kiwi-P and Ka Jop. musta na sa inyong mga pinoy overseas. dalhin nyo ang mga mommy nyo rito sa singapore – mura lang ngayon. ang weekend special ata eh nasa $200++ lang per person. sama na rito ang airfare at hotel with breakfast.

    hello mylab. maraming salamat sa comment mo. na touch ako – thank you sa paglista mo sa mga ginawa ko. hehe. LAB U!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *