Kinda bent, but we ain’t breakin’

100MilesMileStone

para talagang makita ko ang progress sa pagtakbo ay bumili ako last month ng nike+ sport kit. basically, add-on ito para sa iPod para ma monitor mo ang iyong pagtakbo habang nakikinig ka ng music. ang maganda rito ay pwede mong i-upload ang progress mo sa website ng nike at makikita mo ang graphical report online.

mayroon ding mga motivational sound epeks pag may na reach kang bagong record. halimbawa, last week na achieve ko ang pinaka mabilis kong mile. pagtapos kong tumakbo ay biglang may sumigaw sa speaker ng iPod ko – “hi, this is lance armstrong, CONGRATULATIONS, you have just acheived your fastest mile!” ang galing nga, lalo tuloy akong ginanahan.

sana in the future, pwede mo ring i-record ang gusto mong motivational sound epek messages para mas personal ang dating niya. iniisip ko na nga ang mga gagawin kong recording:

  1. Packingsheet, mabilis ka pa sa alas kuatro!
  2. Hoy gago, mas matulin pa sa iyo ang alaga kong pagong!
  3. Use your third leg to gain more speed!

mayroon akong na achieve ngayon na milestone at nagpadala ang nike sa akin ng certificate of sorts – my 100 mile record. in 27 days over a total of 58 runs, i was able to hit 100 miles with an average of 9 minutes and 39 seconds per mile.

not bad for a 42 year old ex-virgin ex-smoker ex-drinker ex-gigolo.

24 thoughts on “Kinda bent, but we ain’t breakin’

  1. sometimes, i give myself a pat in the butt.

    hindi naman serious pero tama ka, hindi na nga ako hinihingal kahit anong bilis ng takbo ng utak ko, kahit uphill pa siya.

    malapit na nga pala ang october. summer na naman at marami ulit mga fun run.

  2. ex-gigolo???? hehehehhe.. fafa talaga, patawa… itatanong ko ba kung saan ka tambay at ano specialty mo? hehehehehe

    congrats sa record! not bad… not bad… 🙂

  3. Patugtog ka ng theme ng Chariots of Fire, para dramatic. Kaso baka maging slo-mo pagtakbo mo, hehe. Pero congratulations—galing yang ginagawa mo!

    Ako naman nag start mag Bikram Yoga. Yung instructor namin young hunky dude wearing nothing but speedos. I mentioned it to Unlawyer, and he says he now intends to go with me to my next yoga session wearing something skimpier than speedos mwahahahaha.

  4. i hate speedos. nababakat ang mga shortcomings ko. hehehe. mayroon dito sa office na kasabay kong mag work out. he wears hot pink speedos. naiinis ako.

    bagay nga pang slow-mo run ang music ni vangelis. BTW, he also did the music for blade runner.

  5. kuya batjay,

    im interested dyan sa nike+ sports kit na yan… may ip0d din ako video… gusto ko rin kasing tumakbo… 😀 can you give me some insights kuya about dyan sa nike+ sports kit?

    thanks

  6. kuya jay and Ate Jet!!!

    im in san Fran since the friday! I emailed ate jet sa gmail niya but i still havent got a reply i can be contacted through this email and my cell # which i wrote sa email ko.

    I want to see you guys while im here waaaaaaaaaaaa

  7. hi ayeza. galing kasi sa duty si jet at hindi pa nagbubukas ng email. may problemang kaunti – hindi kami naka base sa bay area. dito kami sa south ng los angeles. pag pwede kang bumaba ng southern california, tawag ka sa amin, kita tayo.

    naku franzcinne, hindi yata pwede ang nike + sa iPod na malaki. kailangan niya ng nano para gumana. punta ka rito for more information. good luck.

  8. takbo ka naman paakyat ng Manhattan Beach. libre kita ng inom sa Marina del Rey…kelan kayo ako magiging Sub-9 minute per mile….? hmmmm, congratulations Pare…ang magandang tanong, “so what’s next?” – Marathon? Triathlon?

    i love the plug in…gamitin ko kung ilang beses ako umihi sa isang araw…”Congratulations! this is Lance Armstrong, you’ve just went to the john 6x today!”

  9. wow! may ganyan pala… dagdag motivation sa pagtakbo!! mukhang kailangan ko rin ng ganyan ah! dito kasi sa work namin mandatory talaga ang pag-eexercise 3 times a week dahil every year may physical test kami, isama pa ang push up at sit up!! pag hindi pumasa, wala na… tanggal na sa AF! yaaaaaay!!

    congrats sa’yo!! magiging machong-macho ka na talaga nyan!

  10. WOW! Great job, keep going mi amigo…pretty soon you’ll be on the 200+ miles marker! And that is fast avg pace of 9.30 sec/mile? Way to go!

    Next goal: Iron Man Triathlon! (I know you can do this.)

  11. hey PJ2. thank you. i hope to pass 200 miles by the end of summer. 9:30 per mile is ok i guess. i am pushing for 9:00 per mile for my regular 2 mile run but i don’t think i could do an iron man.

    hi rho. nasa air force ka na pala. great place to work. buti yan ang pinili mo, medyo malayo sa front line. good luck sa workout plan mo. pupunta ka ba ng san antonio or arizona?

    thank you junnie. may sinalihan akong 5k fun run last year. sasali siguro ako ulit this summer. then my next goal is to do a 10k run. marami akong inspiration sa opis dahil marami sa amin ang tumatakbo ng full marathon. one just run the LA marathon. yung isa namang boss ay tumakbo sa boston marathon.

  12. opo kuya… 1 1/2 year na akong nagtatrabaho dito at sa NC ako naka-assign kaya di na ako makakapunta ng san antonio or arizona. who knows, baka bigyan ulit ako ng order db sa mga place na yan db?! hehehe! but then, galing na po ng san antonio dahil doon kami unang-unang nag-training.

    salamat for this info, idadagdag ko tlaga yan kay ipod nano! kahit tapos na kasi training na ginawa namin sa texas noon, which is araw-araw talaga kaming tumatakbo, kailangan pa rin ang mag-workout hanggat nasa AF ka. it’s a great help na rin personally dahil gusto ko pang humaba ang buhay ko! hehehehe…

  13. it is enjoyable. not better than sex but close.

    wow kyul. i love san antonio. nung naroon ako, ang daming mga trainee na namamasyal sa river walk. batang bata sila.

  14. hello po. congratulations!!! wish i could do that. medyo may kabigatan po ako eh. kaya gusto ko din maging fit. naglalakad lang po ako ng 45mins sa tabing dagat habang tulog ang alaga ko, pero hindi everyday. minsan po kasi di ako nagigising ng maaga kasi late na kami natutulog ng alagako. di ko po alam kung tanda nyo pa ako. dito po ako sa israel nagtatrabaho. tagal ko po di visit sa site nyo, nagkaron kasi ng katakot takot na virus ang laptop ko.

    anyway, meron na po akong kwentong tambay, pinadalan na ako ng tita ko. ang ganda po. congratulations kahit late na. ipapahiram ko sa mga kaibigan at kamag anak ko dito pagkatapos ko basahin, kasi di naman lahat dito nakaka afford ng internet at kung ano anong luho, at syempre po di din sila aware sa kagalingan at katalinuhan nyo,pero sa mga friends ko jan sa states nagbibisita na rin sila sa site nyo…kaya kahit share ko na lang sa kanila, kaya lang di na sila bibili,medyo di kayo kikita sa gagawin ko, pero just sharing your thoughts to everyone who can be able to read ur book means a lot….mabuhay po kayo, ang inyong asawa at mga mahal sa buhay…God bless…

  15. maraming salamat mylab. proud na proud din ako sa iyo. ang layo na ng narating mo simula ng dumating tayo rito sa california. di ko ma imagine na kaya mo nang mag drive mag-isa. galing.

  16. thank you. naalala kita siyempre. pinagusapan ata natin dati ang OFW sa israel. buti naman at mayroon ka na ng libro. sana ay matuwa silang lahat sa mga kwento rito.

    ingat at hanggang sa muli!

  17. Iba pang suggestion ko na pwede ring i-record:

    1. “Hi, this Forrest Gump. Run Batjay! Run!
    2. “Ang bilis at ang galing mo! Konti na lang at matatalo mo na yung record ng mga snatcher sa Quiapo! Gago!”
    3. “Hoy ungas, ‘wag ka mag-ilusyon kala mo mabilis ka na? Wala ka pa sa kalingkingan ko. Beep! Beep!” -road runner

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *