MIDDLE AGE NINJA MUTANT TURTLE, BATJAY SANDWICH or BABY UNANONG KOMANG

teka muna, bago kayo tumawa, hulaan nyo muna kung ano itong nasa picture. sabi ng iba, para daw ito yung pinamimigay kasama ng mcdonalds value meal. yung iba naman, ang sabi eh ito raw si donatello doon sa ninja mutant turtles. mayron ding nagsabi na mukha raw baby unanong komang. ano sa tingin ninyo?

MIDDLE AGE NINJA MUTANT TURTLES

49 thoughts on “MIDDLE AGE NINJA MUTANT TURTLE, BATJAY SANDWICH or BABY UNANONG KOMANG

  1. Di ko na talaga matiis… tama na… sobra na… kelangan ko nang masabi baka mapano ako. Raise the roof ako sa galing ng humor mo. Matagal na rin akong bumibisita dito at talaga namang… lakas ng tawa ko. Lalo na pag wala si boss sa room. Pampawi talaga ng lungkot dito sa Cambodia. Mabuhay ka Batjay.

  2. WOW, Cambodia!!!

    maraming maraming salamat sa pag comment, ZJ. ayan naniniwala na talaga ako na kahit saang parte ng mundo ay may pinoy. marami ba kayo diyan? matagal ko nang binabalak na dumalaw diyan kasama si jet. balita ko kasi ay maganda ang mga tourist spots at masarap ang pagkain.

    matagal ko nang iniisip kung sino ang nagpupunta sa akin na mag extension na “KH”, ikaw pala yon. buti naman at nagparamdam ka kaibigan. natutuwa kasi ako pag mag kapwa OFW ang bumibisita. kahit kasi iba ibang bansa ang tinitirahan natin, maraming mga common tayong mga experiences.

    ingat at hanggang sa susunod na pagtawa ng malakas,
    jay

  3. Batjay,
    Sumakit ang tiyan ko sa katatawa dito. Akala tuloy ng mga opismeyts ko nababaliw na ako. bilib talaga ako sa humor mo. Meron lang akong na-obserb. Bakit baligtad yata ang isa mong paa (talampakan ang kita sa photo)? I think ikaw yung anak sa labas ni Pong Pagong (sa batibot). Saludo ako sa yo.

  4. correction po – King Kong Pagong. ngyehehe… salamat sa pagdalaw, isa ka pa palang bungisngis. naalala ko tuloy yung mga tanong doon sa game show na missing link ni edu manzano:

    Q: Anong uri ng hayop si King Kong?
    A: Pagong!
    Q: Sa’n mo nakuha yan?
    A: Sa Batibot po… si King Kong Pagong?!!

    kakagaling lang namin ni jet sa auckland last year. what a great place!

  5. I know the Ninja Turtles yeeyyy and you do look like one…i mean the picture you took of you..no! I mean that picture you posted..OK Ok I will just shut up!

    See you and Jet sooooonnn!!!

  6. uhm, a middle-aged Gene Simmons ng KISS na nadapa sa burger king? hanep bossing, meron ka bang gamot sa kabag? kasalanan mo tong kabag ko ngayon … ha ha ha haaakkkk…

  7. OMG! bwahahahahahahah! grabeh ka talaga fafah batjay. umiiyak na ako dito kakatawa, mukha na naman akong baliw. πŸ˜€

    sa tingin ko sha yung nawawalang member ng ninja turtles :p

  8. hi misisPi.

    ako rin. this is my favorite along with the unano picture with mahal and gma. oh, and the darnita picture as well. magpasalamat tayo kay super polo, the artist based in boston who is the artist in residence of my site.

    BTW – this is a junior champ with dog meat.

  9. Actually, nagutom ako nung nakita ko yung picture. Napag-isipan ko tuloy na bumili ng pandesal sa kanto at lagyan ng keso. Galing mo talaga Bat..Donita…este.. Jay.

    Humahagikgik sa tawa,
    Dyempot

  10. ano na naman ba ito anak ni janice o ang dwende sa ilalim ng puno mabuhay ka batjay! you make my day again hehehehe……

  11. ang vote ko: unanong komang at sakang!

    alam mo, hindi lang ako sa post tawa nang tawa kundi sa comments din… anne geddes? (na-imagine ko tuloy na si anne hirap na hirap i-pose yung arms and legs mo). anak ni janice? wow, blast from my glorious past!

    thanks to all of you for making my day!

  12. bwahahaha natatawa ako pero kalahati takot kasi naalala ko nung bata pa ako pag may sugat diba sabi lalabas daw ang pari.. parang ganyan, pagkain mo ng burger may dwendeng lalabas. whew. kakaiba. mabuhay ka batjay!

  13. hi bambit. middle aged gene simmons? hmmm.. hehehe. i still remember him when he was still with kiss. i loved his – “god of thunder and rock and roll” song. hehehe. pag kumain siya ng dugo, kamukha ko pa rin ba siya?

  14. Pwede…pwedeng gawing free na laruan sa happy meal! πŸ˜€ Sa tingin ko, yan ang mangyayari kapag ang isang ninja turtle (may babae ba sa kanila?) at si Hamburglar (ng Mcdo) eh nag-“do.” Hehehe!

  15. unkyel, great job. hehe… ninja turtle burger… cool… giniling na pagong? hmmm… more like gumugiling na pagong. hehe…

  16. Sa tingin ko eh mini hotdog sandwich yan eh (since na mukang unano yung palaman).
    Anyway, I really enjoy your site. Nakakabuang talaga. Thumbs up!Mabuhay ka BatJay!

  17. naku bigla nawala ang winter derpression ko
    tsaka kailangan ko yata ng super maxi pads, ihi ng ihi sa katatawa.
    sa sobrang lamig at sa nakakasawang panahon, ang picture mo ay parang sunshine πŸ˜‰
    been lurking yr site, sorry di ako tagalog speaking eh

  18. Isa kang bayani, Idol BatJay. Ang mga nalolongkot abroad dahil sa sobrang ginaw na wenter at maski kami dito sa Pilipinas ay natutuwa sa mga pinagagawa mo sa sarili mo para maaliw at aliwin kami. Sayang, sana isinama mo si Tito Rolly. Dynamic duo kayong dalawa sa pagpapatawa.

    Ako ang wish ko, maging totoo na action figures kayo ni Tito Rolly….hmmmm….good idea for the book launching? πŸ˜‰

  19. maayong gabii schatzli. maraming salamat sa pagsulat mo. mabuti naman at natutuw ka sa mga kalokohan ko. dahan dahan lang nga sa pagtawa kasi mahal ang super maxi pads. pinuntahan ko ang mga blog sites mo – magaling kang magsulat at maganda ang pag describe mo sa buhay mo sa europa. sana patuloy kang magsulat.

    ingat at hanggang sa susunod.

  20. Hmmmm, malalim ang ibig sabihin ng larawang ito, pero may bagong kasabihang umiikot sa sirkulo ng mga Pilipinong Pilosopo o Makata na nagmula rito. Mga paalalalang pampatibay ng loob ng mga naaapi:

    “Isang tinapay lang ang kapre.”

    OR

    “Umuurong rin ang kapre sa loob ng malambot na tinapay, dagdagan lang ng keso’t litsugas.

    Great humour manong! ah eh, yun eh kung mas matanda ka sa kin….:)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *