mickey mouse blues

yung unang bukas ng balikbayan box na pinadala ng ate niya nung maliit siya, ang amoy ng amerika para sa kanya. natawa nga siya kasi, nung naisip niya ito, nasa goldilocks siya’t kumakain ng tapsilog, di kalayuan sa bahay ni mickey mouse. amoy na amoy ang bagoong galing sa katabi niyang table.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *