MGA KICKING PINAY AT PAGKALUHA DAHIL SA MANOK

habang nanonood ng “american idol” ang misis ko kanina (kunwari di ako nanonood para pa macho epeks. hehe), biglang nagpalabas ng max fried chicken commercial during the break. ito yung tungkol doon sa mag childhood sweetheart na nagsumapaan over a wishbone. naluha ako. miss ko na talaga ang pilipinas. commercial lang ng manok, nasesenti na ako. kung bakit kasi walang TFC dito. makakatanggal sana ito ng pagka homesick. may suspetsa ako… siguro ayaw nilang lagyan dito sa singapore ng filipino channel para hindi magbabad ang mga kababayan nating mga DH sa harap ng TV.

TUNGKOL NAMAN SA MGA KICKING PINAY (mga pinay na may sipa):

nilabas namin si mari last monday ni jet. narito siya sa singapore para sa kanilang annual meeting. bilib nga kami sa kanya – marami siyang dinaramdam sa buhay ngayon pero punong puno pa rin ng poise. basahin nyo yung blog niya para malaman nyo. punta rin kayo sa web album namin, kung gusto ninyong makita ang mga pictures namin nina mari.

isa pang announcement: lumipat na si ibet sa bago niyang website na pinamagatang “inside somaliland“. basahin ninyo ang blog niya para malaman ninyo kung papaano nabubuhay ang isang matapang na pinay development worker sa africa.

isa na lang: congratulations to jennifer rosales for winning her first career LPGA title. magaling na golfer si jennie. this victory is even sweeter considering tinalo niya sina annika sorenstam, grace park, seri pak at kung sino sino pang magagaling na player.

isang isa na lang talaga: in a few weeks, anniversary na namin ng aking pinaka idol na kicking pinay. imbitado lahat ng mga taga pilipinas sa 13th wedding anniversary namin ni jet sa may 25! dito natin gagawin sa singapore ang celebrations. sagot ko ang pagkain, sa inyo ang pamasahe. basahin nyo nga pala ang latest post ng mylab ko para malaman ninyo kung gaano ako ka swerte.

20 thoughts on “MGA KICKING PINAY AT PAGKALUHA DAHIL SA MANOK

  1. sobrang maka-relate ako kay mari, pero hindi ako umabot sa point na pinakasalan ko at nagsama kami sa isang bahay. ang pagtatapos ng isang yugto ng buhay signals a new one and so on and so forth. hindi natin alam talaga paano matatapos ang kwento.

    kung mabasa man nya ito, wala akong masasabi na makakapag-lubag loob. may mga lalake talagang hindi mo maintindihan ang takbo ng utak, na they want to have their cake and eat it to. ang importante nagmahal tayo at yun mga bata patuloy na mahalin and just to continue to raise them as best as we can. hindi nila tayo bibiguin.

  2. Uyyy sa wakas nakapasok din ako sa site mo, ilang araw yatang di ako makapasok akala ko nabanned mo na ko,hehehe:)

    Ang galing ni Jennifer Rosales, natalo pa nya si Annika, sana she’ll stay consistent with her game, I’m sure she’ll go a long way pa.

  3. Dito rin , walang pinoy channel, walang kapitbahay na pinoy, walang makausap ng tagalog, walang mabilhan ng skyflakes…at tsaka ako lang pango dito 🙁

    Ang nagmamaktol,
    Thess na may ‘h’

  4. dito rin alang filipino channel pero dahil konti lang noy-pi dito, i’m surprised wala pang TFC dyan sa singaflor eh sandamakmak ang pinoy dyan!

  5. ahoy batjay! nakita ko din yong ad na yon while watching Am Idol. at in fairness, andun si rod stewart ha. sosyal. pati yung commercial, sosyal. asa star world ba naman e.

  6. gandang hapon gulaman girl. marami rin palang nangyaring drama sa buhay mo. mukhang ok ka rin naman at nalabanan mo lahat ng mga nangyari sa iyong masama.

    hi ka ingga. kung anuman yung pinapadelete mo ay ok na ata dahil wala naman akong nakitang masama sa website mo. aalis ka na pala. sayang di tayo magaabot nina jet. malapit na kaming umuwi.

    hi carmela. nagloko ang website ko ng 2 araw – about the time na hindi ka nakapasok. long story – nagpalit kasi ang server provider ko ng hardware at di nila sinabi sa akin. mga hunghang. hehe. ok na ulit kaya nakakapasok ka na.

    kamusta thess with an “h”. wala rin bang TFC diyan sa inyo. dito naman ay mag skyflakes na sa mga grocery. bigla kong nakita sa mga isle ng biscuit lately.

    hi christine. musta na diyan sa bayan ng mga kiwi. walang TFC dito pero sa indonesia na katabi namin ay mayron. di ko nga alam ang tunay na dahilan.

    hi ms. paperbackwritah. salamat sa comment mo. nanood ka rin pala sa star world nung isang araw. mwehehe. bihira kasi akong makapanood ng pinoy na kahit ano. kaya commercial lang, pinapatulan ko.

    boss UnLawyer. siyempre. notre dame of manila batch 83. matagal ko nang naririnig ang blog site mo bossing. dinalaw kita one time at nag comment doon sa beard papa post mo. gusto nga sana kitang i-link kaya lang medyo nahihiya pa ako.

  7. sabi nga ng Tita ng ofcmate ko… ang TFC, nakakasunog ng sinaing!!!

    kasi, simula ng magkaron sila sumwer in the US… lagi na lang daw sablay ang luto nya… hindi makatayo sa panonood…

    ganun talaga prends n neybors… kaya ipagdasal nyo ang Pinas… lapit na ang eleksyon eh…

  8. Pareng Batjay, wala namang binatbat yang si Piolo sa atin. Ni hindi man lang gumamit ng kutchara sa pagkain ng Max. Walang GMRC.

    Pare, ako nanood talaga ng American Idol, crush ko kasi si Jolina Magdangal. Sana matalo niya si Abby Viduya. Top 4 na sila kasama si Elizabeth Ramsey at Wilma Doesnt. Ay naku, yang si Simon na yan. Di nagpapalit ng t-shirt, kadire.

  9. advanced happy anniv sa inyo ni mama jet! tapos na akong maghibernate :p

    bilib ako sa friend nyong si mari. i wish her the best.

    happy weekend sa inyo!

  10. hi mec. hehehe. sabihin mo sa tita mo, maglagay ng tv sa kusina para di siya masunugan. either that o kaya, maglagay siya ng lutuan sa living room. sana ok lang ang election sa lunes.

    kuya jologs. este junnie. hehe, si piolo pala yung artista sa max. parati kong naririnig ang pangalan nun sa mga tsismis sa radio. hehe. ano ibig sabihin ng GMRC? parang chat program yon ah.

    hi jennie, maraming salamat sa iyong pagbalik. happy weekend din sa iyo, sa iyo at higit sa lahat… sa iyo.

  11. hi there!!!
    napadaan lang po ulit. d2 naman sa alemanyaland meron nang Filipino channel, kaso mo, maningil ba sila ng 300 euro per month??? ano hilo?!? di bale na lang, mag tiyaga na lang ako magopya ng films, hehehe, for personal use lang naman. di naman kc ako negosyante…hehehe.

    advance happy wedding anniversary sa inyo. i wish you all the best in the coming years together!

  12. Congrats sa maganda at entertaining na mga kwento mo at mga contributors mo. Matgal na rin akong naghahanap ng site na hindi puro bata na naglalaro lang sa comuputer. ’79 was great for OPM. Does anyone know a site that has OPM chords and lyrics posted? More power guys.

  13. hi miss p. ang mahal naman ng bayad sa TFC – 300 euro? packingsheet!!! parang bayad ko na yan sa cable at internet ko ng limang buwan.

    gandang hapon, ohgorioko. wala akong alam na posting ng mga lyrics at chords ng OPM online. the closest i can recommend is to get back issues of the “jingle chordbook” specials. they have reprinted a lot of their old issues and you can get them at any major bookstore in manila. i got mine at a seven-eleven in antipolo, believe it or not. i’ve brought them to singapore together with my guitar – which is the reason why i’ve gotten so many complaints from my neighbors. hehehe. if you read through my blog though, you’d read about a lot of pinoy rock stories. i also have one specifically on 1979. it was really a magic year for music.

  14. kamusta,di nga rin ako maka connect,may problema pala. Naka relate din ako kay miss Mari(bilib ako sa kanya!),medyo ganyan din kase ang nangyari sa buhay ko, pero ngayon ok na ko,tama sya you should’nt stop loving,para din sa sarili mo yun at kapakanan ng iba… on my case I learned it on the hard way,saklap nga e. Atleast I learn from my experiences,and that would make me even more stronger from now on.

  15. Wow! Advanced Happy 13th Anniversary sa inyo ni Jet! Kelan kaya namin kayo makikilala in person?

    Ganda ng entry mo. 🙂 Panay din ang senti namin lately dahil major milestone na sa amin ang mag 3 years away from our family. Kulang sigurado ang TFC. Pero bakit nga ba walang TFC dito? 😉

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *