“Men have forgotten this truth,” said the fox.

ang buhay ko nitong past three days ay parang prototype ng magiging buhay ko pag semi retired na ako. balak sana namin ni jet, 5-10 years pagkatapos naming mag abroad ay mag semi retire na pero mukhang nagbabago na ang plano namin dahil sa bwakanginang problema sa bayang magiliw natin pero that’s another story. para na nga akong domesticated animal husbandry itong mga nakaraang araw. dito lang ako sa bahay – nagtatrabaho every now and then. natutulog pag inaantok. sumisilip sa internet. inaasikaso ko rin ang mga halaman ko pag huminto ang ulan. nakikinig ng radio habang kumakain ng hot pandesal na may palamang reno liver spread. nanonood ng balita at nakikipag kulitan – ginagaya ko ang boses ni mike enriquez pag kinakusap ko ang mga kasama ko rito. subukan ninyong sabihin ang “anna banana, maghanda ka na ng hapunan” sa style ng pagbabalita sa GMA 7 kung di kayo matawa.

kaya all things considered, ok na rin. masaya ako at contento (i.e. always busog, sometimes tulog). i would trade my high speed internet in singapore for a chance to spend some time in my garden. altough sa sobrang bagal ng connection ko rito eh napipilitan tuloy akong mangulangot habang naghihintay na bumukas ang mga website.

22 thoughts on ““Men have forgotten this truth,” said the fox.

  1. ei musta na? maabutan mo rin pla si neil gaiman after all. sa pag kaka alam ko and2 n sya satin. medyo busy rin kming mg asawa sa work pero i wont miss the chance to meet the guy. he’ll be at “fully booked” sa me gateway cubao on july 10 & 11. pinapakamusta k nga pala ng wife ko. kc ur somehow related. cousin nya si donna na pamangkin mo. pero di kmi nktira sa elias umalis n ung family nila dun. cge kelangn n mg work. musta n lng din ke jet. god bless

  2. Enjoy your “semi-retirement” bat. Pag lipat mo rito sa states, after ten years, entitled ka na sa retirement when you reached the retirement age which you can bring home just in case you would like to go back.

    those migrating nowadays are damn lucky.we have the internet that breaks the barrier of distance.

    starting a new life in a new place is also exciting. you can also start a new garden.

  3. Ako dial-up lang sa bahay, walang may offer na DSL or faster connection sa lugar ko…

    Dito na lang ako sa work nag-iinternet, then save sa memory stick para iuwi. Everytime na nahihilo na ako sa drawing and design, internet ang pahinga.

    Haven’t thought about going abroad yet, this nation is my garden… marami lang lecheng politician, hehehe…

  4. bossing batjay! la pa bang smart WI-fi dyan sa antipolo? abah palitan niyo na po yung connection niyo.. 🙂

  5. gawain ko rin yan….hindi mangungalangot…

    ang mag semi retire paminsan minsan…

    its better to feel contented than to be happy…im glad you feel both!

  6. syempre, sinubukan ko ngang sabihin nyon ala Mike Enriquez pero ang sagwa! hehehe!

    oo nga kainis ang mga nangyayari sa atin. pero let’s just hope for the best!

    enjoy your stay there!

    nga pala! ang sarap mag-bike! hinihintay ko pa rin yung mga number na ibibigay mo sa akin.

  7. kami rin ni r, palaging nasa plano ang bumalik ng pinas. as to when, yan ang inaabangan namin.

    sarap nyo naman dyan. enjoy it to the fullest!

  8. kakainggit ka naman. teka, maitim ba kulangot dyan kesa dito hehehe?

    syanga pala idol kinukumusta ka nina Ali, Hillary, Beckham (kasama si Posh), at ng iba pang nakikigulo sa IOC Session dito.

  9. bosing,
    sarap aman niyan, pan de sal with reno liver spread… magaya nga. makabili nga din ng lily’s cocojam….yum

  10. maraming salamat melissa. oo nga, baka this is the only home leave we’ll have for quite a while. ano kayang mikrobyo meron ang reno to taste that good. lahat kasi ng mga equivalent niya na popular brands – purefoods, etc. eh no match for the great taste of reno liver spread.

    sarap sa hot pandesal. i’ve had it for three straight days na meryenda. di pa rin ako nagsasawa.

  11. i jop. the best ang liver spread sa hot pandesal. pero second lang ito sa prinitong kesong puti ng los banos na parati kong binibili nung may project kami sa makban.

  12. I wish I could write like you mylab. Ang kulit mong sumulat, kung ano-ano’ng kunek ang nangyayari at kung saan saan napupunta ang usapan pero gets pa rin ang gusto mong sabihin and what’s even more amazing is that one can feel the sentimentality of what you’re really saying.

    Alam mo, while you were feeling this way here in Antipolo, ganitung ganito din ang nararamdaman ko nung andun ako kila Mommy. Na ang sarap sana kung makapamuhay tayo ng ganito lang… no more wheel-dealing, no more bigtime haggling, no more rush.

    But I guess this is the field we have to sow before the harvest, the labor whose fruits we’d enjoy 5-10 years from now.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *