“Men are simple things. They can survive a whole weekend with only three things: beer, boxer shorts and batteries for the remote control” – Diana Jordan

bukod sa bago kong hilig sa pagsuot ng pajama, nag-iba na rin ang taste ko sa underwear. ewan ko ba – pag tumatanda ka yata, ang hinahanap mo sa buhay ay comfort instead of porma. nung bata pa ako, ang peborit kong suotin ay bikini briefs dahil akala ko ay mas maraming magkakagusto sa akin kung ito ang suot ko. on hindsight ay naiisip ko nga, ano ba talaga ang silbi ng bikini brief eh imposible naman itong makita ng mga babae dahil may suot akong pantalon over my underwear. hindi naman ako sira ulong superherong tulad nina batman na nasa labas ang brief. in any case, ayoko na ngayon ng bikini briefs dahil nasisikipan na ako rito. hindi naman dahil sa malaki ang titi ko. mas gusto ko lang yung pakiramdam ng boxer shorts. in particular cotton boxer shorts. ayoko ng silk dahil masakit sa betlog pag naka upo ng matagal. minsan dumudungaw pa nga yung betlog ko at hindi ito maganda lalo na kapag naka jeans.

18 thoughts on ““Men are simple things. They can survive a whole weekend with only three things: beer, boxer shorts and batteries for the remote control” – Diana Jordan

  1. kaya unique tong blog na to kasi masasabi mo yung “titi” and the likes, without offending other people… i dont know it is because of humor? how it is written o straightforwardness (meron bang ganitong word? hehehe)
    basta natatawa ako dito, pero may message na nakatago in the end. Mabuhay! šŸ˜‰

  2. sir, ako rin ganyan.. dati gusto ko bikini briefs (mas maganda kung YC!), pero ngayon mas gusto ko lagi boxers… boxer briefs, boxer shorts!
    comfort instead of style!

  3. boss junnie.

    tutuo yang sinabi mong tug-of-war. only a man can attest to that kind of pain.

    kailan ka ba nasa LA? di na tayo nagkita. nagsabi si melissa na pupunta raw siya rito sa pebrero – nag aaya kung pwede raw tayong mag get together.

  4. paulit-ulit na tumutunog sa utak ko yung jingle ng YC bikini brief (Yc bikini brief…Yc bikini brief…) Pro masaya ako, uuwi na asawa ko. maitatanong ko na sa knya kung ano yung kumot na buhay… šŸ™‚

  5. Sir Batjay,
    Happy New Year sa inyo dyan from SG!
    You are right, masarap magsuot ng boxers lalo na pag matutulog na o di kaya ay nasa bahay ka lang. Pangit nga lang sa pants (slacks, flat-front) kasi bumabakat ang kulubot ng shorts.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *