Memory is a complicated thing, a relative to truth, but not its twin

may nabasa akong article nung araw na nagsasabing ang earliest memories daw natin ay, more often than not, emotionally tragic events. ewan ko kung tutuo, sa sobrang tagal na kasi eh hindi ko na maalala ang detalye nung article. baka nga na twist ko ang information na ito with childhood amnesia. memory plays tricks on you sometimes. kanina ko pa nga iniisip kung ano ang pinaka earliest childhood memory ko at heto ang mga snapshots na lumalabas.

1. two years old ako, naka upo sa sahig sa bahay na bato sa pasay city at naglalaro ng isang battery operated toy bus na bumubusina habang pinapaligiran ng mga kapatid kong nag-aalaga sa akin. nasira ko ang laruan pero may gumawa naman nito. hindi ko nga lang maalala kung sino.

2. three years old ako sa apartment namin sa quezon city, naglalakad ako sa labas ng walang salawal (tingnan mo nga naman yan – bata pa lang pervert na). umiiyak, dahil pinalo ako ng mommy ko dahil sa kung anong atrasong hindi ko na rin maalala at hinahanap ang yaya kong si aling berta.

3. four years old sa novaliches (or maybe i was six years old, hindi ko na maalala). naka-inom ako ng kerosene dahil may gagong naglagay nito sa bote ng seven-up at ipinatong sa dining table. tinakbo ako sa bahay ni doctor paras at pinakain niya ako ng itlog na hilaw. nagpapasalamat ako sa kanya’t hindi posporo ang ibiinigay niya sa akin. ay oo nga pala, si doctor paras din ang tumuli sa akin.

4. five years old at birthday party ko sa bahay namin. dumating ang lola ko galing sa pasay, sinalubong ko siya. nag picture taking kami ng katakot takot. inabot ng gabi ang party at maraming mga bisita. masaya.

hindi naman tragic, di ba?

17 thoughts on “Memory is a complicated thing, a relative to truth, but not its twin

  1. yung number two, di kaya kasi labas ka ng labas ng nakalitaw ang pototoy mo?

    Ako, dalawang beses nabundol ng sasakyan. yung una, school bus ng La Consolacion school sa Caloocan. Yung pangalawa, ng jeep sa may Sangandaan.

    Tapos, nauto ako ng mga pinsan kong sindihan yung lobo. Ayun, sunog mukha ko.

  2. Uy, magandang topic ito para sa blogkadahan mylab ah.

    Ako isa sa mga earliest childhood memories ko:
    1. mahirap akong pakainin nung bata ako. minsan, siguro mga 4 yrs. old ako nun, napuno ang daddy ko, pinaakyat ako sa kwarto ng walang dinner, iyak ako ng iyak.
    2. 5 yrs. old ata ako, lilipat kami ng bahay mula Morong papuntang V.Luna., busy ang lahat, ako naglalaro ng lutu-lutuan sa garahe, amidst all the boxes.
    3. 8 yrs. old ata ako, may night out ang Daddy at Mommy ko. Ayoko silang umalis at humahabol ako sa kanila pero di nila ako napansin. Pagsara ng Daddy ko ng pinto, naipit ang daliri ko. Sa gulat ko hindi ako nakasigaw kaya nakaalis sila ng hindi nalalaman. After that point, wala na akong maalala. Di ko alam how I got through after that, or who took care of me.

  3. nakakahiya ang memory ko, bigla kong nakakalimutan ang pangalan ng tao (mostly mga babae, ewan kung bakit), right before i me mention ko pangalan nila. haha, nag ba blanko ako.

    bosing, im ‘alive, alive, alive’. yan ang aking kanta tuwing umaga, habang tumatakbo sa luob ng bahay na may hawak ng takip ng kaldero na pinopompyang ko.

    nandyan ako this weekend. wing it at play it by tenga na naman.

  4. true…you do have some snapshots of memories nung baby ka pa. One time tinananong ko nanay ko kung nung baby pa ako eh nirepair ang sahig na bahay namin kasi lagi kong naalala na nalula ako nung sumilip ako dun sa butas. Nagulat sha kasi sabi niya almost 1 yr old pa lang ako that time.

    Anyhoo – Tita Jet lumipat ka pala sa V.Luna sa QC? Anong street – dun ako lagi noon tumatambay 😉

  5. puro kasi mga sundalo ang mga relatives ni jet na nagtatrabaho sa hospital.

    malalim pala ang early childhood memories mo – 1 year old. wow. fascinated ako sa childhood memories ever since nabasa ko ang broca’s brain ni carl sagan. hanggang ngayon, interesadong interesado ako pag nakakabasa ako ng mga story tungkol rito.

  6. kamusta pareng ibalik.

    baka kaya nakakalimutan mo ang mga pangalan ng mga babae pag kaharap mo sila eh kasi iba na ang iniisip mo.

    alive ba na kanta ang kinakanta mo? yung pearl jam na paborito ko o yung alive na kanta ng mga charismatic?

    pare ko, pupunta kami sa golden gate bridge itong weekend. your old home town – baka may balak kang umakyat, tawag ka lang. kita kita tayo roon.

  7. uy tito batjay – interesado rin ako to read that book. Went online and reserved it na sa library 🙂 I know Carl Sagan through his book Contact.

  8. ah, “contact” is a great book. probably one of the best science fiction books of all time. gusto ko ang science fiction pag based ang storya sa fact. anyway, you might also want to try “the dragons of eden” besides “broca’s brain”.

    i love carl sagan – his “contact” series and book changed my life.

  9. ahahaha! Malibog kaya?!?

    Napansin ko puro naguumpisa sa “ma” ang pangalan ng Streets dun like: malakas, maganda. Speaking of which…isa yan sa childhood memories ko – isa-isa kong binabasa yung pangalan nung streets dun nung matuto akong magbasa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *