Memento

lamang lang si junnie sa akin ng dalawang paligo pero pareho kaming guwapo. pitong na taon na kaming magkakilala pero ngayon lang kami nagkita. yan ang magic ng pagkakaibigan sa pamamagitan ng internet. hindi mo na kailangan ngayon mag brush ng teeth para may makilala online at patuloy ka nilang kakaibiganin kahit hindi ka pa naligo.



lalo ngang tumaas ang pag hanga ko kay junnie nung nag uusap na kami ng harapan, kahit na halos lahat ng pinag dalahan niya sa akin ay sarado na. hehehe. hating gabi na kasi kaming nagkita. para nga kaming dalawang pinoy na aswang na biglang nag decide na mag party sa toronto. pero tulad ng sabi ko, ang pinaka importante sa isang pagkikita ay hindi ang pasyal kundi ang pakikipag ututang dila. mahigit apat na oras kaming nagkwentuhan at alas kuwatro na kami ng magka hiwalay.



buti naman at nangyari ito. at least, nakita ko si junnie at nahawakan ko ang pinto ng massey hall. maraming salamat pare ko, hindi ko makakalimutan ang maliliit na acts of kindness.

17 thoughts on “Memento

  1. may pagkakahawig kayo,particularly the smile naughty ang dating hehehe …para kayong long lost brothers..separated at birth?

  2. “buti naman at nangyari ito. at least, nakita ko si junnie at nahawakan ko ang pinto ng massey hall.”

    korek. at buti na lang at di baliktad, nakita mo ang massey hall at nahawakan ako…ayyyyyy…

    Batjay, hindi ko alam kung sinong dehado kapag may nagsabi na may pagkakahawig tayo…si Jet na lang at si Mitzi ang magsasabi…

  3. bwehehehe. nahawakan ko naman ang kamay mo kaya ok na yon.

    napansin ko nga, pwede tayong magkapatid.

    salamat ulit pareng junnie, sa susunod ay isasama ko na si jet para ma meet rin niya si mitzi

  4. sana pumunta kayo dun sa pinagdalhan sakin ng mga pinsan ni misis nung nasa Toronto ako. Big Night nuon at mga playboy beauties ang nagsasayaw, hehe

    pareho nga kayong pogi. Kung kasama nyo pa ko, baka napagkamalan na tayong mga artista dyan at nagkagulo.

  5. šŸ˜€ – it’s what i wear when it’s hot. i believe i have 12 different spiderman shirts that i got from universal studios and it’s so comfortable that i wear it all the time.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *