BULLSHIT

medyo malungkot ako ngayon. kahapon, nabalitaan ko na na-stroke ang panganay kong kapatid na si gigi. ang sabi ng doctor ay “mild stroke” lang daw. pero alalang-alala ako dahil, di raw siya makapagsalita at mayron siyang loss of memory. sana ay bumuti siya. sana naman. sana naman.

isa pa kaya kami nag-aalala ay mayron siyang sakit sa puso. tapos ngayon na-stroke naman.

mabait na tao naman ang kapatid ko. nasa bahay lang siya at iniaalagaan si tj, ang kanyang apo. wala malungkot lang, ang daming mas masamang tao sa mundong dapat na parusahan ang diyos eh…

nagsasawa na kasi akong sinasabihan na pagsubok ito ng diyos. na mas masahul pa ang sinapit ni job. na ginawa ng diyos ang pagsusubok para lumakas tayo.

bullshit. bullshit. bullshit.

sorry lord. nandyan ka ba? paginggan mo naman ako. pagalingin mo siya!

One thought on “BULLSHIT

  1. totoo nga ba yan?sakaling totoo nga yan wag mong pagsalitaan ang diyos ng ganyan may mga dahilan kung bakit nya ginagawa ito at isa pa tayo ang gumagawa at hindi sya….paumanhin po..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *