You’re gonna walk that endless highway

isang buwan na lang tapos na ang lease namin dito sa apartment. kailangang mag decide na kami ni jet in the next few weeks kung itutuloy namin ito for another year or lilipat na kami ng bagong tirahan. milestone din ang lease expiration dahil ito rin ang anniversary ng pag landing namin. ang bilis ng panahon ano? two years na pala kami dito sa america itong darating na august 1st.

ang dami na ring nagbago – nag lose ako ng 40 pounds at si jet ay marunong nang mag drive. dumami ang puting buhok ko pero natuto naman akong kumain ng cereal. nagkaron din kami ng kulay berdeng card last year at na promote ako sa trabaho itong june. dati assistant clerk, ngayon assistant vice clerk.

sana magpatuloy pa ang suwerte para matuloy na yung matagal na naming pinaplano na magkaroon ng sariling bahay sa amerika. sana rin ay may magregalo sa akin ng nail cutter sa paa.

29 thoughts on “You’re gonna walk that endless highway

  1. advance “happy landing” anniversary!! keep us updated if you move ha…so we know where to go when we visit, hopefully soon ulet!! πŸ˜‰

  2. congrats! napromote ka pala! Ang galing mo talaga….ngayon wala na akong maipagmamalaki sa iyo dahil pareho na tayo “Asst. Vice Clerk”… di ko akalaing pinangarap mo rin pala ang posisyon ko….missing you both!!!

  3. Ano kaya susunod mong promotion, sir? Deputy Assistant vice clerk naman? hahaha

    Wala pa ba kayong balak kumuha ng sarili nyong bahay dyan? Kuha kayo, yung may swimming pool para me mapapaliguan ako pag summer ha

  4. deputy assistant vice clerk. ayos yung idea mo sir, sasabihin ko sa boss ko. swimming pool – sige, tamang tama ay summer na ngayon. kailan ba kayo pupunta rito?

    hi lynne. oo pareho na tayo ngayong aliping saguiguilid. nabigyan nga ako ng increase kaya lang confidential. pati ako hindi ko pa alam kung magkano. sana ay humigit kumulang.

    LEAH! sige. sana may bago kayong dadalawin pag punta ninyo rito sa december. musta kay pareng eder.

  5. tsaka ka na pumalakpak, aleth with an “H”, pag nalaman ko kung may increase ako o wala. minsan kasi, walang salary increase ang assistant vice clerk.

  6. bago lang po ako dito, sana walang initiation.

    kuya… pwede ba kita ilink?? sige na… [pero ang totoo naka-link na] baka sakaling maregaluhan kita ng nail cutter. πŸ™‚

  7. siyespre, pwede ang link, basta may suhol na nail cutter sa paa. goodluck sa pag blog – sana ay kapulutan mo ito ng kasiyahan sa buhay at magandang aral.

    ingat at hanggang sa muli,

  8. congrats tito jay! sabi nga nila, pinagpapapala ang mga taong masisipag!

    sana nga bumili na kayo ng bahay dyan kasi sayang ang rent. mukhang for good na talaga kayo dyan e. plan namin dalhin si amelie sa states when she’s 2, kasabay kasi nito ang graduation ng utol ni ron sa east coast e. sana makatawid kami sa west coast by then at matuloy ang naudlot naming pasyal sa inyo.

    regards kay tita jet!

  9. congrats sa promotion… marami pa sanang blessings ang dumating sa inyong mag-asawa at sana ay bagong bahay na nga yon!! hehehe!

    happy anniversary sa paglanding nyo sa US!!

  10. huhu batjay tulungan mo po nmn ako d ko alam ggwin gus2 ko na mangibang bansa hirap na hirap na ako d2 sa pilipinas p*ta napakahirap ng buhay d2 :(:( paano ba kc mag apply para makapunta sa ibang bansa? wala ako kahit katiting na starting point :))

  11. anu ba yan nakakahiya nmn ang post ko.

    anyway..

    congrats!

    kahit diko alam ang gngwa ng mga asistant clerk vice.

    haha

    assistant vice clerk.
    clerk assistant vice.
    vice assistant clerk.

    whatever. ;p

  12. di ko rin alam kung paano magibang bansa. very untraditional kasi ang pag-alis namin ni jet. inimbita lang akong magtrabaho ng mga kakilala ko sa singapore at sila na ang nagprocess ng papers ko.

    sana nga matuloy na yung bahay. mahirap din ang nakatira sa apartment. sayang lang yung binabayad.

    hi Tin. sige, punta kayo rito after kayong mag east coast. for sure may bahay na kami by that time. may tutulugan na kayo na guest room. hirap nga ng nagre-rent. walang pinupuntahan yung binabayad namin.

    ingat!!!!
    jay

  13. WOW, congratulations sa mga milestones. I’m sure lahat ng wishlist mo ay matutupad. penge ng snail mail addy padalhan kita ng nail cutter sa paa.! ha ha ha. πŸ˜›

  14. Of all the places you’ve worked as an OFW, which place would you consider as your favorite?

    There are pros and cons to owning a house – #1 pro I know by experience is equity (can you say capital gain? LOL) and #1 con is headache of maintenance. Renting a place is pretty hassle free, you just call your sup/bldg mgr is the plumbing is acting up and they do landscape themselves.

    I know folks to used to own a house and when the time came (retirement or all the kids left the nest) they downsized & sold their house and rented an apt. Without taking equity into the equation one of my friends computed that it is cheaper to rent an apt than pay the maintenance/fixes/landscape/taxes etc…

    my 2 cents anyway.

  15. Hello Jay!

    Congrats sa lahat ng na-accomplish ninyo ni Jet, pati na rin sa promotion mo! Make the Philippines (and our alma mater) proud!

    At good luck din sa house hunting—last time I read, prices in Orange County (kung doon niyo binabalak na tumira) should remain stable. Kahit na mataas ang cost of living dito sa California, nag-decide kami ni mister na dito na kami pumirme, dahil bukod sa maganda ang weather, nandito ang karamihan ng kamag-anak ko. (Exception si Beth, yung sister kong valedictorian—mas type niya ang overcast weather ng Seattle, serious na tao kasi.)

    I will agree with the above post about the relative simplicity of renting vs. owning; if you’re looking to build wealth (and if you’re envisioning a 20- to 30-year investment horizon), homeowning is the way to go (as long as the market is in your favor), but if you’d rather not deal with outrageous property tax (among other headaches), renting might be an option.

    Gimme your address (kung okay sa ‘yo; I won’t take it personally if you didn’t) at reregaluhan kita ng Tweezerman toenail clippers—comes with free lifetime sharpening!

  16. you’re welcome.

    hi classmate daisy. thank you. medyo mataas nga ang cost of living dito sa so-cal, especially around the place where i work. it is lovely though and i am inclined as each day passes, to really seriously consider buying a home.

    thanks for the tips, PJ-2. i think buying a home is really where we’re going. i paid a huge amount of federal and state tax last year and it took my breath away. the equity, especially around my place of work, is almost a guarantee. hopefully enough that when we retire, we’ll be able to use the money to find a small shack in auckland or sydney.

  17. congrats pre ang husay mo talaga…..pag nakauwi ka ng pinas, tsaka na lang natin celebrate sa pepetons ang promotion mo…sana lang magkasabay tayo…he he he….mukhang matatagaln din ako sa bansa ng leon……

  18. mahusay nga sa mga magic tricks. hehehe. musta na pareng jun? medyo settled ka na siguro by this time. matatagalan ka ba diyan pre? baka oras na para mag apply ng PR?

  19. yup…..settled na ako dito pre…gusto ko na rin dito malapit lang sa Pinas….madaling umuwi at pag emergency may mga buget flight…..PR? tingnan ko next year….madami pang dapat i-consider…..balita pataas ng pataas ang renta ng flat dito….pati ata tuition fee…pag foreigner iba ang presyo…. nagtaas na rin sila ng GST from 5 to 7%….equivalent to ng VAT sa pinas…..kaya expected tataas lahat ang presyo ipapasa nila sa consumer……

  20. Hello KB – Ha? One year na kayo dito? Pero teka…six months+ na hindi tayo nagkakita!!! πŸ™ I think I’ll just show up at your door one day…with a toe clipper in hand, siyempre.

    Congrats on the promotion!

  21. oo nga. we should meet sometime within the next 4 weeks. kahit walang toe clipper. hehehe. 2nd year na namin – nakakahiya tuloty sa inyo, di man lang tayo nagkikita.

  22. Wow! AVC — assistant vice clerk! Astig naman ang title ha. Congrats!

    2 yrs na ba? Ang bilis naman. Parang kelan lang ano eh nage-empake kayo para sa California? Ang bilis talaga.

    Ibig sabihin, maraming magandang nangyari sa mga taong yon. Base sa mga kwento mo, marami ngang magagandang pangyayari ang… nangyari.

    Sana tuluy-tuloy ang pagiging mapalad mo. Tama ba Tagalog ko? Lucky = Mapalad? Nger. You know what I mean!

  23. Congratulations sa promotion mylab ha. Kahit naman sa ICI pa lang noon, mabilis ka ding umasenso sa trabaho. It’s like everything you do gets blessed by the gods, like you have the midas touch and everything you lay your hands on turns to gold.

    This is the norm, not the exception. And so I am not surprised. But I am proud, as always.

    Good luck on the new job Pa. Labyu!

  24. thank you mylab – it’s been great so far. buti na lang kasama kita, otherwise mahihirapan ako ng husto. ikaw rin, ang laki ng asenso mo. not only sa trabaho – pati na rin sa iyong paghandle ng buhay natin dito sa amerika. lab U2.

    ang bilis nga toni. it’s been a great ride so far and jet and i have really been lucky. this month will be challenging because we need to move again. hopefully in august, we’ll have a really good story to tell about it.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *