may sa demonyong touch pad

habang sinusulat ko ito ay nasa himpapawid ako. bagay na laki kong kinagugulat dahil hanggang ngayon, ako’y namamangha sa galing ng ating teknolohiya. sino bang makakahula na makakapag internet ang tao habang nakasakay sa eroplano. ang galing ano? kaya ngayon, imbis na mangulangot ako rito eh pwede akong magsulat, manood ng mga online porn at makibalita kung luto na yung naghihintay na sinigang na pork ribs sa bahay.

ang issue ko lang ngayon ay etong putang-inang touch pad ko na pakiwari ko ay umaandar mag-isa. para siyang nasaniban ng demonyong gustong mang-alaska. sino ba naman ang matutwa kung pinaglilipat-lipat ng touch pad ang mga folder sa computer mo ng walang paalam.

P.S. ngayon ko lang ata nagamit ang salitang “himpapawid” sa aking pagsusulat. bagay na lubha kong ikanisisiya.

13 thoughts on “may sa demonyong touch pad

  1. Natawa ako sa touch pad mo at tila sinasaniban nga ata hahahaha.

    Pero I am more amused sa technology to the highest level ha, nakakapag internet na while on flight, ang galing naman. That’s great!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *