HIGH-TECH

may nakakatawang nangyari sa akin kaninang umaga pag-pasok ko sa opisina…yung security door ng floor namin, pilit kong binuksan gamit ang electronic ticket sa MRT train ng singapore. nagtataka ako kung bakit ayaw bumukas ng pinto sa office – kaya pala. hehehe… tawa ng tawa sa akin yung cleaning lady ng floor namin dahil nakita niyang kabobohan ko. yan na nga bang sinasabi ko eh…puyat ng puyat.

tulog ng tulog, puyat.
kain ng kain, payat.

high tech kasi masyado rito eh (minsan too hightech para sa tumatanda nang tulad ko) – common electronic card nang ginagamit sa bus at train, may cash card na electronic, office id na electronic, atm, credit card – minsan pag tuliro ka, napapag-palit-palit mo yung mga card.

sa susunod na puyat ulit ako, baka yung office id naman ang ipang swipe ko sa bus. hehehe… bobo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *