MAY MGA SMEGMATIC DIN SA OPIS NAMIN

ang building namin ay parang microcosm ng singapore. may pecking order ang mga employee at kadalasan dictated ito kung saang floor ka nagtatrabaho. habang tumataas ang floor, tumataas ang estado ng mga empleyado sa opisina (at lumalalim naman ang pagkalubog mo sa bullshit. hehe):

first floor: warehouse men, security guard, janitors.
second floor: technicians
third floor: engineers.
fourth floor: sales and marketing managers
fifth floor: vice presidents

dahil sa pecking order na ito, maraming mga smegma (o mga smegs, ika nga ni pareng roland ko) sa opis namin. habang umaakyat ka nga sa building, mas dumarami sila. ang pinaka smegs ay yung naikwento ko dati na secretary sa 5th floor na mga blond ang buhok lang ang kinakausap. minsan ko siyang nginitian ay di ako pinansin. ang kinausap ng kupal na babae ay ang kasama kong puti. porke kutis betlog ako eh di na niya ako pinapansin. pag nainis ako, papahiran ko ng kupal ang mukha noon. hehe. pero kailangan, makahanap muna ako ng supot na hindi naliligo.

29 thoughts on “MAY MGA SMEGMATIC DIN SA OPIS NAMIN

  1. nung nagtratrabaho pa ako, may puting lalaki na nagre-report sa akin. kapag may meeting kami sa kliyente, palagi akala ng mga pinoy, siya ang boss ko. pag sinasabi kong ako ang boss, akala nagpapatawa ako.

    wala akong makukuhang kupal kaya sinasawsaw ko na lang ang fountain pen ko sa kape nila pag hindi sila nakatingin …

  2. hahahaha Mona. Wag kang kasigurong wala yon. karamihan sa puti supot. Ayan naging racist na rin ako. hehehe

    Batjay, kahit saan merong ganyan. Kahit dito sa pilipinas. One time nasa isang international convention ako sa subic, napa-grupo ko sa mga puti. 3 kaming pilipino. Yung isang kupalistic smegmatic, nagbigay ng callilng card sa lahat ng puti, lampasan ba naman ako. Sabagay itatapon ko lang naman yon pareho ng ginawa nung mga puti. As if naman tatawagan siya no?

  3. Supot na hindi naliligo? Discussion ko ito (Male Circumcision) at ni Sassy (Oriental…Occidental) sometime ago. We have the answer for you: yun din sigurong mga KANO dyan sa opisina mo.

  4. may gay boss ako dati, puti ang jowa nya. minsan nagshopping sila na parehong pambahay lang ang outfit. napansin nyang yung jowa nya lang ang ginu-good afternoon ng mga saleslady, tapos sya, deadma. nairita si gay boss. tinanong nya yung saleslady na nag-good afternoon kay jowa at hindi sa kanya, kung magkano yung isang item na gusto sana nyang bilhin. pagkasagot ni saleslady (medyo may kamahalan yung item), sinabi ni gay boss kay jowa, sa malakas na boses: “let’s go, honey. let’s find something expensive. this one’s too cheap.” laglag ang panga ni saleslady. una, dahil siguro na shock sya na magjowa yung dalawa (1980s pa to nangyari). pangalawa: siguro nainsulto sya (sana!) dahil cheap daw yung product nya. pangatlo, baka naangasan kay gay boss at di nakaretort agad, hehe.

    mas nakakairita kung kapawa mo kulay betlog ang tatrato sayong mas kulay betlog ka, diba?

  5. i’ve been reading several blog entries about discrimation and everytime i read one, naiinis din ako.

    sa office din namin ganyan, mga local secretaries na feeling boss kasi reporting to our american bosses. tarayan ko nga! haay, struggles of being a 2nd class citizen. 🙁

  6. Hi Ate Mona. nakakainis ano? parang mayrong special sa kulay ng balat at buhok. i also notice this when i travel with my colleagues. people, especially here in asia, have preferential treatment to white guys. it’s as if, the people here have been brainwashed into thinking that this place is still a white man’s colony. mental colony, pwede pa. naku. nangsasawsaw ka pala fountain pen ink. naalala ko tuloy, pag inaabot sa akin ng janitor yung kape ko sa office sa pilipinas, ang unang tanong ko: “oh, dinuraan mo ba ito?” sagot nila siyempre parating “yes sir!”

    Si Tito Rolly rin may experience ng “bigotry”. Sarap sapakin ng mga iyon ano?

  7. hi doc. na trackback ko na nga yung entry mo. maraming salamat. maraming mga supot dito sa singapore. hehehe.

    hi dinah. hehe. ang ganda ng kwento mo. pakiramdam ko tuloy ay parang naroon ako sa tabi nila at nanonood.

    ok lang yon tin. gumaganti rin naman tayong mga pinoy kahit papaano. kadalasan sa pang aasar at pang iinis sa kanila. yang local secretary na sinasabi mo ay typical dito. ganyan din yung kinukwento ko – ang accent ay brtish chinese na may rolling R, spike ang buhok at may attitude problem.

  8. Jay, can’t resist the temptation to smegmatise,hehehe! pwede ko ba’ng gamitin yong term na “smegs”? sa cartoon ko? actually “kupal” is more colorful as in how eulogio rodriguez (yes, the one we’ve honored with a street name) would utter it daw when dealing with fellow politicians–this was in the 50s, i think. but “smegs” has a nice kupalistic ring to it,di ba? ehehehe!

  9. it would be an honor sir dengcoy. pero mas gusto ko pa rin ang kupal sir! hehehehe…

    BTW, ang ganda na naman ng cartoons mo sir na tungkol kay inay. dapat sir, maging libro ng compilations ito after a while. pwedeng pwede na publish.

    weekend na – lumabas na ba sa star ang bagong comic strip?

  10. mylabopmayn!

    nakakatuwa naman. ang daming mga smegmatic smegmutations permutations ng salitang “SMEGMA”. sa dalawang araw lang na ito – maraming mga comments na may suggestions sa pag bastardize ng salitang ito.

    SMEGMagaling Talaga!

  11. kahit dito naman sa pinas eh, may mga smegs.
    may incident sa isang italian restaurant dito sa mkt, kasama ko yung regional manager namin na aussie. special treatment yung aussie boy as if i don’t exist! nainis talaga ako. twice na nangyari yun kaya di na ko kumakain sa retaurant na yun.

  12. Maraming klase ng discrimination, pero ang pinaka-nakaka-kups yung kapwa mo Pinoy ang gagawa sa ‘yo. Like in my former office in Ortigas, the building securities would insist on frisking every Pinoy who comes in, but would let the white men in with a bow! Di lang yan, komo wala kaming office attire, puro jeprox kami ng mga officemates ko, ayun lagi kaming hinihingan ng ID, pinabubuksan ang bag, kahit araw-araw nila kaming nakikita! Pero mind you, if a janitor comes in wearing a tie, the sekyu won’t even bother asking who the hell they are…

    Nasa subject na din tayo nyan… Pag umuuwi kami ng Pinas ng asawa ko (pinoy sya) at nagsa-shopping kami, bakit ba laging ina-assume nung mga salespeople na yung lalake ang magbabayad. Kaya lahat ng attention nila nandun sa asawa ko! Pag ganun sila, lalo sa mga resto, di ako nagbibigay ng tip.

    Dito naman sa London, sa awa ng Diyos, di pa ko nakakaranas ng racism from white men. What gets my goat is mga itim ang madalas mangdiscriminate! An attitude I don’t understand because they should know better…

  13. auee! ang pangalan na walang consonant.

    honga. maraming mga asians (hindi lang pinoy) dito sa asia ang ganon na lang ang pagsamba sa mga albino skin. ok lang sana kung pantay pantay, kaya lang talagang may preferential treatment ang mga kupal na yon.

    sa mga hotels at restaurants sa asia ay ganon din – di nila alam mas malaki akong mag tip. BWAHAHAHAHAHA! mga galanta ata ang mga pinoy. more than a lot of white guys i know.

  14. di na ako magko-comment abt racism. umay na ako dyan, hehe… pero ang question ko: applicable rin pala sa babae ang term na kups? akala ko pang-lalake lang yon?

  15. Nakow Ruth marami ding kups na babae… Pero in the literal sense e tiningnan ko meaning ng smegma, it applies to both sexes’ you-know-what.

  16. ay, hindi ba tagalog yung “umay”? ibig sabihin, maduwal-duwal ka na sa sawa. yung pakiramdam mo pag kumain ka ng sangkaterbang pagkain na masarap sana sa simula pero pag napasobra, parang nasusuka ka na. gets? napaka-educational nitong recent postings mo. makarating kaya ito sa list ng words na officially classified as philippine english? hehe…

  17. if i’m not mistaken, all the members of F4 are uncircumcised. diba maraming mga chiensse dyan sa singapre? o kaya yung mga puti dyan. mga supot naman yung mga yun. hahaha.

  18. I think tagalog word ang ‘umay’ Ruth. Di lang talaga alam ni Papa yun… kasi siya, walang sawa sa pagkain… bwahahahaha! Labyu mylab. 🙂

  19. Ay ayun pala ang ibig sabihin ng sinasabi nilang “SMEG!” sa Red Dwarf (old BBC comedy series). Malaking hiwaga sa akin ito. Tinanong ko pa nga sa kasamahan kong Brit (guy) at tinawanan lang ako. Kaya pala hindi niya masabi yun pala KUPAListic ang meaning !!! Bwahahaha!

    BTW, meron bang masama sa pagiging supot? Bakit laging parang niri-ridicule ng mga Pinoy ang mga supot?? Sino bang doctor dito – Doc Emer, mayroon bang medical benefit ang pagiging circumcised or being supot?

    cheerio!

  20. ano bang masama sa supot? wala naman. except smegmatic nga lang kung hindi naglilinis.

    cultural na lang siguro ngayon kung bakit nagpapatuli ang mga lalaking pinoy. tulad ng mga tubong south east asia – nung una para sa kalinisan siguro. ngayon parang rite of passage ng lang. a test of boldness and courage. proving that you are indeed a true man. kaya nga yung qnotation ng duwag eh supot.

    yung mga kababaihan din ng pilipinas ay preferred nila ang circumcised. siguro for the same reasons. at siguro ayaw nilang nakakakita ng supot dahil naaalala nila ang mga titi ng baby. hehehe. cradle snatching psychological ekek siguro ano?

    kung supot ang mga members ng F4 eh malas nila kung pinay ang titingin at hahawak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *