SUMMER FLING

march 1 na. sa pilipinas, umpisa na ng kalbaryo. malapit na namang uminit ng husto. malapit na rin ang summer vacation. alala ko tuloy ang kanta ni k.d. lang na “summer fling”. if you plan to go on a trip during the philippine summer vacation, make sure to play this song while you’re driving to your bakasyon place.

dito sa singapore, bakasyon na ako ngayong sabado-linggo. my first weekend in three weeks. kanina nga, sa bus ride going home, nakapikit ako habang tumatakbo ang sasakyan. bukas ang bintana dahil non-aircon ang nasakyan ko. malakas ang hangin at ang sarap ng feeling. nawala nga lang ang pagmumuni ko sa bus nang biglang nag ring ng bell ang pasahero sa tabi ko. bababa na kasi siya. di naman ako na bother ng bell ng bus eh… bigla lang nangamoy chicken curry sa loob nang itaas niya ang kanyang kili-kili. baho man… tangna talaga. anyway, on the way home, para akong nabunutan ng tinik. at least for the next two days, i won’t be thinking of work.

oo nga pala, kung ikaw ay pinoy na turista dito sa singapore at may mabaho kayong katabi, huwag nyong kausapin ang kasama ninyo at sabihin sa tagalog na mabaho ang katabi ninyo. baka umuwi kayo sa pilipinas na may black-eye pag nagkataon dahil naiintindihan nila ang salitang “bahu”. ito kasi ay malay word na pareho ang kahulugan sa tagalog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *