MAJULAH SINGAPURA!

hello mylabopmayn.

umuulan ngayon dito sa singapore. “press gad”, ika nga ni brader mike. nung nasa eroplano kasi ako kanina, dinadasal ko na sana ay umulan para naman ma experience ko ulit ang amoy, tunog at pakiramdam ng rainshower. ayun – umulan nga. ngayon dinadasal ko na huminto na sana kasi magkikita kami nina eder mamayang gabi para mag dinner. pupunta raw kami doon sa kinakainan natin na fish head curry sa kiong siak road. gusto ko kasing kunin yung paborito nating table doon sa may kalye kaya sana huminto na ang ulan na ito.

dumating kami ng mga 6:30 ng umaga kanina pagtapos ng 18 hours ang byahe non stop galing ng los angeles. nakakapanibago na ang matagal na travel. hindi na ata ako sanay kasi pag labas sa changi airport eh pakiramdam ko, para akong sinapak ni manny paquiao. buti na lang singapore airlines ang sinakyan namin – ang laki ng leg room at masarap ang pagkain. swerte rin ako sa flight na ito kasi for the first time ata ay wala akong nakatabi na malakas pa sa kanyon ang putok.

pagka check-in namin sa hotel, dinala ko sina steve at ceci sa suki nating roti prata at laksa restaurant sa ibaba ng suntec. tuwang-tuwa ang dalawa. ang sarap daw ng pagkain dito. naisip nga kita bigla. kung nandito ka lang na kasama ko, siguradong todo ngiti ka na may kasama pang malakas na halakhak dahil matitikman mo na naman ang paborito nating pagkain. di bale, next year daan tayo rito during our christmas vacation. gusto ko walang kasamang trabaho – para mabisita natin lahat ang mga paborito nating tambayan dito sa singapore.

ingat ka na lang diyan, mylab. huwag masyadong magmaneho ng mabilis at baka mahuli ka ng pulis.

lab U!
jay

18 thoughts on “MAJULAH SINGAPURA!

  1. uy sayang hindi mo nakasama si ate jet jan sa singapore, padalham mo nlang sya ng pasalubong hehehe..

    ang tagal nyo ring tumira jan ha, kya im sure ang sarap balikan ang mga memories =)

    enjoy the trip!!

  2. hi batjay!

    wow! ang sarap at back to singapore ka pala..kahit pa work related at short stay lang. nakakainggit! 🙂

    enjoy your stay lah!

  3. Hi. Saan kaya magandang mag-lakwatsa jan sa Singapore na hindi masyadong mahal ang gastos (short sa budget). Bago kasi ako bumalik sa Papua, Indonesia after ng bakasyon ko eh mag-spend ako ng 2 days jan sa Singapore. Hindi ko pa alam kung ano gagawin sa maikling panahon na yon jan. Salamat and mabuhay!

  4. uy tito batjay hanggang kailan ka dito? date tayu lol!! ng makaharbat naman seyu ng kahit ano galing LA 🙂
    yung fish curry head sa may Orchard Road sa may harap ng Lucky Plaza sa may nge-ann city yata yun limot ko na yung pangalan nung kainan … food republic yata masarap ha!

  5. Dear Batjay,

    May anak ka na ba?
    parang silent ka tungkol doon… nandito ka pala sa singapore…
    pahingi ng remembrance.. gusto ko baby

  6. Singapore will always be in my heart too, like it will be in yours. Whether next year or the year after, pag may pagkakataon, babalik at babalik tayo dyan, I’m sure. We found some of the greatest friends we have there.

    Ikamusta mo na lang ako sa kanila… sa mga kaibigan natin, sa Orchard Road, sa Pasir Ris, sa roti prata and laksa, sa Changi Airport.

    Ingat ka rin. Wag ka masyadong kumain baka maimpatso ka.

    Labyu!

  7. thank you mary. what did it say?

    hi emman. thank you again for the interview. i owe you one great dinner when i get back. i’ll be in town soon and i hope i can see you.

    happy thanksgiving din linnor. jet spent it with her relatives in california while i was out here in singapore.

    thank you sa pag comment ms manilenya. sandali lang ako sa singapore. salamat sa tip mo sa fish head curry. nasubukan mo na bang kumain nito?

    thank you, malupit kasi ako eh.

    maraming murang mga pwedeng puntahan sa singapore. punta ka lang sa visit singapore website. marami roon nga tip na pwede mong gawin – kung gusto mo ng murang hotel, punta ka sa mga bed and breakfast. pero kung may budget ka ng kaunti ($80-100 a day), you can stay in a 3-4 star hotel.

  8. dami masasarap na pagkain dito sa Singapore .. at isa ang curry fish head, actually nagluluto ako nyan, dati bili ako instant pero nung nalaman ko yung babas (indian yun diba?) nabasa ko dun yung recipe, yung may mg cumin at fennel pa mas masarap pala 🙂 at syempre masarap din akong mag curry fish head 😉

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.