BAGONG TAON SA PILIPINAS

MAHALAGANG PAYO: “mangulangot ka pagkatapos na pagkatapos ng putukan sa bagong taon” -payo mula kay kuya jay david

pasko at bagong taon sa pilipinas, bow…

isda best in da world! wala sigurong katumbas ang pag-diwang ng pasko sa sariling bayan – biro mo eh, september pa lang eh may mga pamaskong kanta na sa radyo… asahan mo, september 1 eh nag-uunahan nang mga radio station na magpatugtog ng “aysawmamikissing santaclaus” ni Michael Jackson kasama ang mga utol niyang Jackson Five.

sa bahay namin ay 2nd week ng november ay may christmas tree na. yung iba ngang bahay, tinatapos lang ang araw ng patay ng november 1 eh ilalabas nang mga parol at christmas lights…

ispokening about christmas decorations, ang galing ng ayala avenue pag christmas time ano? puro ilaw kahit may energy crisis. hehehe… nung bata ako, peborit ko yung mga display sa COD sa cubao. alala nyo pa yon? yung may mga puppets ng gumagalaw sa itaas ng department store ng COD. galing ano? pagtapos panoorin ito eh diretso na kami sa “araneta colesium” para manood ng “PBA” o kaya sa “fiesta carnival” para sumakay ng roller coaster at maglaro ng video games (nung time na yon, eh “night driver”, “PONG”, at very crude na “space invaders” pa lang ang uso). hehehe…

simbang gabi!!!! mga pinoy eh rehilyoso… pero nung binata kami, chicks ang habol namin pag simbang gabi. ang problema pag may chicks eh kailangan maligo ka para mabango. pag simbang gabi, kailangan gumising ng extra aga para makaligo, toothbrush at suklay. hehehe… masarap umuwi pagkatapos ng simbang gabi pag may kasabay kang girlspren. bili muna kayo ng puto bungbung o kaya bibingka. tapos kakainin ito ng may kasamang tsokolateng malagkit na ubod ng tamis. hehehe… saraphsody!

noche buena? siyempre kailangan may hamon, morcon, ispagheti at makabagbag damdaming “buko salad”. alala ko pang morcon ng mommy ko – bakang binalot, sa loob may itlog at kung ano-anong rekado, tapos may sauce na mainit. pag nguya mo ng morcon eh matutunaw ang karneng mainit sa bibig mo. haay naku… nagugutom tuloy ako. kumpleto ang pamilya (sama nang mga kapamilya mong ayaw mong makita…hehehe, pero oks lang yon, pasko naman eh!) lahat may regalong ibibigay at matatanggap.

bagong taon – pinakamasayang araw sa lahat. bisperas pa lang eh sandamukal nang paputok. siyempre, dapat gawang bulacan para malakas ang putok! parang kilikili ng arabianong di naligo ng isang taon!!! hehehe…sorry sa mga arabiano. ano ano bang dapat tandaan pag nagpapaputok sa bagong taon:

1. huwag iinom ng marami at baka yung katol ang ma-ihagis imbis na yung super lolo

2. huwag kakain ng ube, leche flan o ano mang malagkit na pagkain bago magpaputok at baka dumikit ang 5 star sa kamay

3. huwag kakainin ang watusi – maaring ito’y payong gago (sino ba naman ang kakain ng watusi) pero napakaraming bata ang nalalason dahil sa pagkain ng watusi

4. huwag itatapat ang mga kwitis sa kapitbahay (kahit anong sungit ng kapitbahay mo, mas maganda pa kung murahin mo na lang siya ng pabulong. wala pang disgrasya)

5. maghugas ng kamay pagtapos magpaputok – maraming paputok ay may ebak ng kalabaw. yung ebs kasi ay maraming nitrates na ginagamit sa explosions. ito ang pangunahing sanhi ng tetano sa mga naputukan (i kid you not!)

6. mangulangot pagkatapos ng putukan (halatang obvious ba?)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *