MAG-INGAT SA PUYAT NA FOOTBALL FAN

kung nakatira kayo sa mga bansa sa south east asia na addict sa football (tulad dito sa singapore) eh mag ingat kayo. maraming mga kawirduhang nangyayari ngayon dahil ang mga games ng EURO 2004 football championship ay pinapalabas ng live simula 2:30 ng madaling araw. obsessed ang mga tao rito sa football at faithful na nanonood ng live games. kaya the day after the games, maraming mga mukhang zombie na nagkakalad sa singapore na akala mo puyat na unggoy.

mag ingat kayo sa pagtawid sa kalye after the england-portugal game. maraming kasing mga puyat na mga driver. last week, isang pick-up sa thailand ang nag crash dahil nakatulog ang driver sa manibela. napuyat kasi kakanood ng football ng madaling araw. anim ang namatay, kasama na roon yung driver.

almost the same time naman, isang malaysian ang hinampas ng kanyang asawa ng remote control dahil binawalan na siyang manood ng football eh nanood pa rin. ayun bukol siya. eto ang mas nakakatawa kasi hindi na dapat siya mahuhuli ng asawa niya kung hindi siya napasigaw ng maka last minute goal si zidane the great para talunin ng france ang england. alam mo na yung kasabihan di ba… “lokohin mo na ang lasing, huwag lang ang bagong gising”. ang pagsigaw na iyon ng mamang intsik at naging dahilan ng pagkagising ng asawa niya. ayun, siyempre mainit ang ulo. nagdilim ang paningin at hinataw ang asawa niya ng remote control.

isa pang phenomenon dito ay ang betting sa mga games. before the start of the tournament, nag feature ang mga newspaper dito ng “betting special” at ginawan nila ng kwento ang mga singaporean na talagang nagtatapon ng libo libong pera sa pustahan ng mga laro. mag legal na betting dito sa at mayron ding bookies na illegal. milyon ang palitan ng pera dito during the big football tournaments tulad ng world cup at euro cup. yung landlord ko ang isang typical example. normal lang sa kanilang mag asawa ang tumaya ng $5000 sa isang football game. ako? barat ako eh. lotto nga lang, nanghihinayang akong tumaya.

20 thoughts on “MAG-INGAT SA PUYAT NA FOOTBALL FAN

  1. Talagang kailangan, live ang panonoorin ha. Ang hirap non. Kadalasan, para mapanood mo, iintayin mo talaga. Mapupuyat nga ang mga jaskeng yan. Ingat kayo ni Jet kung ganon. Wag basta basta tumawid ng kalsada.

  2. iba talaga ang hatak ng palakasan sa tao ano? inga kayo jan ni boss jet.
    dito naman sa amerika, baseball ang kinahuhumalingan. tanda ko noong unang taon ko as preschool teacher may 2 akong bubwit (3 years old pa lang ha?!) nagsuntukan ba naman gawa ng asaran sa yankees at mets. ay grabe, nakakatawang pagmasdan yung dalwang gremlin na nagpagulong gulong sa klasrum at ayaw paawat… nang dahil sa baseball.

  3. Kailangan ba talaga na live? Wala ba diyang Digital Video Recorder service sa mga cable/satellite providers? O dili kaya ay i-record na lang sa VHS?

  4. ano nga ba meron ang football? masyado talagang passionate ang mga tao dito sa game na yan. kung ako dati, galit na galit ako pag nanonood ang asawa ko ng football, naisip ko dati, ang tagal-tagal, takbuhan ng takbuhan, minsan natatapos na ang game, wala man lang score kahit isa! pero wag ka, pag mga ganitong international games, sobra ang emotions, talaga namang nakakadala. nakikisigaw na rin ako ngayon at nakiki-drama sa mga players na umiiyak pag natatalo sila. hay, ang sports talaga, dapat wala nang natatalo!!

  5. Eto, paos ako sa sobrang kasisigaw. The England-Portugal match was by far, the best pagdating sa suspense, extended time ba naman. But the Portuguese deserved the victory. They played well and the pressure on them is far greater being Euro 2004’s host country. Not to say that England did not play well. Owen showed he is still a good player. But Becks? You could almost hear the dismayed groans across England all the way to Portugal when he missed that spot kick. I can almost see tomorrow’s headlines — Becks misses the kick. I hope Portugal and France get to play the finals, that would be exciting. But I wouldn’t know whether to cheer for Figo or Zidane!

  6. 2 years ago, i was in sg. yung mga tao dun nanonood ng football sa mall kasi may widescreen. jampacked! as in! akala ko kung ano meron dun. watch pala sila ng football.

    i forgot the name of the mall. basta lapit sa grand plaza.

  7. hi rolly. ngayon ang araw na dapat mag ingat. kakatapos lang ng england – portugal match kaninang madaling araw. tapos talo pa ang england. eh since ex british colony rito sa singapore, likas silang mga english football fans. ibig sabihin niyan eh hindi lang puyat ang mga singaporean fans, maiinit pa ang mga ulo nila at malamang walang pera dahil natalo sa pustahan. hehehe.

    hi jop. oo nga, alam ko kung gaano ka addict ang mga kano sa baseball-football-basketball. dito sa parte ng mundong ginagalawan namin eh nothing but footbal (soccer sa mga taga riyan). nag aaway rin sila sa mga matches. at malalaki ang mga pustahan.

  8. hello andres. live siyempre para alam mo ang nangyayari while it happens. pag mahilig talaga sa mga sporting events, nagpupuyat sila. isa pa, malaki rin ang pusta nila kaya gusto nilang malaman kung panalo sila or ubos ang pera.

    hi jhing with an “h”. naintindihan ko ang comment mo. ganyan din kami ni jet na nag warm up sa larong ito. at first glance at talagang boring dahil mababa ang mga score at ang haba ng laro. pero once you understand how it is played and see the great players like ronaldo and zidane, ma a addict ka. nung world cup, nagsisigawan din kami ni jet sa bahay, kasama ang libo libong mga singaporeans dito.

  9. hehe… hi yasmin. sayang ano, natalo ang england. i was kinda hoping they would win. mas masaya kasi sa singapore dahil almost everyone is an english football fan. ex colony kasi eh. sayang talaga. sigurado ako na maraming natalo sa betting. most people were betting on an england win. i think france would ne in the finals. perhaps against portugal. that would be a great match.

    hi mari. baka that was the time of the world cup. napaos din kami nung time na yon sa kakasigaw ni jet. hehe.

    hi mik. there’s this good zidane article sa dito sa newspaper na ito. fan din ako ni zinedane the great. very elegant football player. cool na cool at hindi mayabang.

  10. marunong ka mag-golf fafa jay?

    tried it once. sa driving range lang. eh, kelangan kasi sa work. yun yung nilalaro ng big boys hehehe. kinalyo kamay ko sa pag-grip ng club. hirap! hirap tamaan ng bola!

  11. Mahirap palang mag-golf akala ko madali. Once pa lang ako nakahawak ng club, mahirap palang mag-control ng directions hehehe

    Balik football… I’m in London so as you can imagine e halos walang tao dito sa opis ngayon dahil puyat lahat ng tao! Pati ako pero ok lang di naman ako lasheng, sila lang. Too bad England lost, bad call on Sol’s header. But there you go you, history repeats itself for England. Penalty shoot-out always stop them from reaching the finals. Syoke.

    Ang lungkot ko when Becks missed – unbelievable! Pero isa lang ang sinisisi ko, si James hehehe Mahinang keeper, ang bagal.

    Anyway, bahala sila…

  12. hi auee. ang pangalan na puro vowel. hehe..

    mahirap talagang mag golf, kaya maraming naloloko rito eh. sayang nga yung england match, mas masaya sana rito sa singapore dahil puro english football fans sila. it was not meant to be. i’m sure mas masaya diyan sa london. i was there one time and there was a world cup. every night that england won games, the people would parade in the streets. i loved it.

  13. Thanks for the link, Jay!
    I became a Zidane fan nung World Cup 98. Even then, “grace under pressure” na siya. Sobrang disappointing nga last World Cup kasi talo sila kaagad…

  14. sa pagda-drive kasi, di na baleng medyo intoxicated ka, wag lang inaantok! i experienced falling into deep sleep, even for just a minute, in the middle of traffic! and this didn’t happen just once…so what i do is stop at a nearby gas station and take a short nap. i can drive even when i have vertigo attacks, but not when i’m sleepy! delikadong sobra!

  15. Pingback: A Sassy Lawyer in Philippine Suburbia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *