Lover, there will be another one

nung sabado, nag hatid-sundo ako kay jet sa kanyang driving school sa san juan capistrano. memorable ang lugar na ito sa akin kasi nung araw, napapanood ko ito parati sa TV. sikat kasi ang capistrano dahil sa mga ibon na bumabalik balik dito during spring time. nung bata ako, akala ko eh manok yung mga ibon na iyon – oo virginia, akala ko nung una eh “the chickens of capistrano”. na imagine ko nga ang libo libong mga manok na lumilipad taon taon galing sa kanilang winter home sa south america. nawala lang ang image na ito nang tumada ako kasi malaman ko na: una, hindi lumilipad ang mga manok, at ikalawa – mga swallows pala ang tawag sa mga ibon na nagpasikat sa san juan capistrano. bakit ba swallows ang tawag sa mga ibon na ito? mahilig ba silang lumulon? hindi ko alam. wala akong kakilala na nakaka alam. ayon sa aking pagbabasa, ang mga swallows pala ng capistrano ay galing pa ng argentina! siguro mahilig sila sa carne norte (ngyahaha, ang corny ko). ang total distance from argentina to san juan capistrano ay 7,500 miles one way (samakatwid – 15,000 miles ang travel nila back and forth kasi 7,500 taymis 2 equals 15,000). ang galing ko sa math ano? hehe. engineer kasi ako eh. pero bwakanginangyan, ang haba ng byahe nila at bilib ako sa lakas ng resistensya nila – para silang mga lance armstrong ng mga ibon.

sabi nga ng mga mahilig sa ibon (hindi sila bading, gago). sabi nga ng mga bird lovers eh – it takes a month for these birds to travel from argentina to capistrano. dumarating sila rito ng spring time. eksakto pa ang araw – march 19. in fact, mayroon ngang fiesta sa san juan capistrano from march 18 to 20. sino kayang kupal ang nakaisip na pagka kitaan ang mga ibon na ito? isa siyang henyo. by fall (which is around october), bumabalik na sila sa south america to spend the winter.

bakit ba ginagawa ng mga ibon ang pag migrate? sabi nila, dahil yung changing of the seasons daw bring changes to the their food supply. winter in california brings less food for the birds at nagiging dahilan ito para dumayo pa sila sa argentina. o sabi na nga ba dahil sa carne norte eh. pero personally, hindi ako naniniwala rito. i think they are just bored and need a change of scenery.

14 thoughts on “Lover, there will be another one

  1. totoo ba na after nilang umalis dyan sa san juan capistrano pabalik ng argentina ang tawag sa kanila ng mga taga dyan ay “swallowed”? wala lang po naisip ko lang.

  2. batjay dyan din ba ginawa yung “the birds” ni alfred hitchcock, hehehe, tanong ko lang po, tagal ako di nakakapagcomment busy kasi kaya puro basa lang. anyway di ba kayo lilibot dito sa east coast, sp. here in boston.

  3. hi kiko. musta na riyan sa boston?

    hitchcock’s “the birds” was made on location in the port town of bodega bay in northern california near san francisco. actually the movie setting is in san francisco.

  4. ngyahahhahhaahhhaaha! sa palagay ko din bored at, to borrow DarkBlack’s phrase–‘walang magawa’.

    napansin ko Mr. BatJay, you think distance in terms of ‘miles’ na. soon (if it hasn’t happened yet), you’ll think of temperature in degrees F, kilo ng bigas at isda in lbs., etc etc. (which made me think: i’ve always been metric– until now, that is– except when it came to height, which i could never imagine in meters, and body weight, which i could not imagine in kilos; although surprisingly pag bigas at isda pag uusapan, i used to think in kilos)

  5. hi sis. well, i describe distances in terms of miles but am still struggling with it because i still think in kilometers. my mindset is still metric except for my height and weight. like you, i am more familiar with pounds and feet. singaporeans though are quite confortable with statements like – “my height is 185 centimeters and i weigh 60 kilos”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *