LOOK! UP IN THE SKY!

it’s a bird, by steven seagle and teddy kristiansen

it's a bird, by steven t. seagle and teddy kristiansen nahilig ako sa comics dahil sa daddy ko. parati niya kasi akong pinapasyal sa avenida para bumili doon during the 70’s. di na nawala ang love affair ko with comic books to this day and i do have quite a lot in my collection already. i’ve been looking at it recently to see where my tastes for stories in this genre (dyen-re? ‘zhรขnru, gago! hehe) has led me. lately pala, my collection is being populated ng mga gawa nina neil gaiman, alan moore, grant morrisson, garth ennis, warren ellis, mike carey, john bolton at frank miller. batman? marami, kaya nga batjay ang pangalan ko eh. superman? in the last 10 years, isa lang ang binili ko. yung “death of superman” special edition. frankly, i hated it. nung bata naman ako, i did like him. pero, later on, i started to drift away from anything superman related. why? because he didn’t make sense at saka corny na yung mga “feel good” stories about “truth, justice and the american way”.

kung di ba naman mainsulto ang iyong intelligence: di ba kayo nagtataka kung bakit hindi nalalaman ng mga taga metropolis na si clark kent si superman. either malabo ang mga mata nila o kaya tanga silang lahat. nagtanggal lang ng salamin, nagsuot ng underwear over his pantalon at kinortehan niyang “S” ang kayang bangs – totally clueless na ang lahat sa kanyang identity. mas may sense pa nga si darna, sa tingin ko.

pero “it’s a bird” is different. para nga itong deconstruction ng superman myth. it’s a superman story but it’s really not about superman. in fact, ang storya revolves around steve. isang comic book writer who was given the privilage to write a superman story. there are two things daw, that a comic book writer loves to hear: 1. “can i have your autograph” and 2. “we want you to write a superman story”. kaya lang. like me, ala nang ka amor amor sa kanya si superman dahil wala nang relevance. in fact, steve can’t even get past the suit. tapos may problema pa siya sa personal niyang buhay – his father is missing, his girlfriend wants kids and he is being confronted with the possibility that he will get “huntington’s disease“. ito’y isang genetic (parang sa X-men?) na sakit na hereditary and it’s been plaguing their family from one generation to another.

pero kahit marami siyang problema kay superman, steve goes on and explores the possibility of doing a superman story. in the process, nag drawing si steve ng 20 meditation sketches (sa libro, it is drawn in watercolor by kristiansen, in 20 different styles). in the end, through his search for his dad, sa relationship niya sa kanyang girlfriend, sa pagharap niya sa takot na baka magkaroon din siya ng huntington’s disease and more importantly, sa pag hanap niya sa perfect “man of steel” story, and, in a way through the man of steel himself… steve finds salvation.

this is one of the best graphic novels i’ve read. it’s intelligent and different. di mo makikita rito yung mga patayan, barilan at iba pang mga action stunts (as if i’m apologizing na hindi maganda ang isang novel pag wala itong murahan at patayan) na typical sa mga comic book hero stories. wala rin yung mga kinaiinisan kong battle between “good” and “evil” where everything is black and white. isa pang dahilan why i love this is the artwork. ang mga subtle watercolor drawings ay talagang right on. binasa ko ito over a two week period, 3 pages at a time. gusto ko lang patagalin ang sarap.

so, sulit ba na magbayad ka ng almost 1,300 pesos para sa isang hardbound comic book? pakingsheet. tinatanong pa ba yan.

19 thoughts on “LOOK! UP IN THE SKY!

  1. nakakuha na rin ako ng kopya todits sa maynila. sulit sya. di ako fan ni seagle pero napahanga ako sa kwento. obvious na gusto nya yung material. bagay yung art sa kwento.

    ala rin akong bilib kay supes nung medyo magkamuwang na ako. korny kasing walang weakness. can’t relate. pero maganda diskarte ni jeph loeb and tim sales sa superman: man for all seasons. hawig sa smallville tv show yung tema – ang emphasis ay ang pagiging man sa superman kaysa sa ‘super’, na malaki ang naging tulong ni ma at pa kent sa pagbuo ng pagkatao ni kal-el/clark.

    pero yung pangalan ng magiging anak ko hindi kal-el kundi bruce wayne. or optimus prime.

  2. huhuhuhu bakit di lumalabas yung comment ko sa blog mo? wala naman akong sinabing masama ah,naka-block ata ako? anyway,hoho nga kung hindi ba naman sila marunong tumingen e,dapat sila nga ang unang makapansin,kase reporters sila? dapat siguro bumili rin sila ng salamin kagaya ni clark kent.

  3. hi batjay.

    ako i discovered comics when i was in law school. nagsimula sa sandman. at syempre si batman.

    gusto ko din si batman kasi tao sya. lahat ng nagawa niya bunga ng sariling kakayahan. (and of course, billions of dollars). no natural powers. galing siya.

    pero crush ko noon si superman. cute kasi nung cowlick niya eh. hehehe.

  4. gandang hapon boss mark. yang nga rin ang isa pang gusto kong sabihin. naiinis ako pag walang weakness ang superhero. although mayrong kryptonite. sabi nga ni steve sa kwento parang afterthought lang yon. iniisip ko rin kung anong magandang pangalan sa bata based sa comics… xavier? hehe. Mxyzptlk kaya.

    hi kahlua. ala namang naka block sa aking server, except yung mga spammers sa MT-blacklist na nagtitinda ng viagra at pampahaba.

    hi jessie. attorney jessie ka na ba? pogi rin naman si batman ah. lalo na pag naka maskara.

  5. hindi eh. minalas. hehehe. ala akong makitang it’s a bird dito. late may pa daw ang release. san kaya nakakuha si mark?

  6. hi batjay. my love of comics started when I was 5 y/o pero yung mga tagalog comics muna tapos yung mga english na pero ako naman, I still like superman but I agree with you, ang eng-eng ng taga metropolis at di nila agad mahulaan na si clark kent at si superman ay iisa. na-intriga naman ako sa book na yan, makahiram nga sa library ๐Ÿ™‚

  7. hi again CG. ako rin nahilig sa pinoy comics. lalo na yung aliwan – kasi nandoon si “Astrobal, ang taong pating”, naroon din yung “Devil Diamond”.

    Nasundan ko rin ang storya ni Zuma at yung kanyang 2 anak na si dino at galema.

    tapos paborito ko rin yung “Wakasan” dahil doon sa “nang sumanib ang langis sa tubig”. hehe. drama yon. siyempre naroon din yung joke section nila na TaWAKASAN dali!”

  8. hello bosing!
    sensya na’t ala kaming internet connection lately.
    hmm, mabasa nga sa powerbooks itong fineature mong komiks.
    ako naman, di masyadong mahilig sa kmomis, bagaman nagbabasa ako gawa ni P. mahirap kasing magkeep-up sa collection sa pinas noon. ang mahal. isa pa, asa bundok kami ng makiling kaya hassle talaga.
    pero ang unang paycheck ko ay ginastos ko sa komiks. si Lobo ang favorite comic character ko.isa pang nagustuhan ko ay si Maxx. pero di naman yata kilala si Maxx eh. anyway, andoon lahat ng komiks ko, asa pag-aalaga ng mommy ko.
    ngayon, bubae na ako at ayaw kong magsimula sa nakahuhumaling na collection. pero i’ll definitely check out the names of the guys you posted. salamat sa tip.

  9. uy mark thank you. sige try ko daan megamall within the week. ala din kasi sa filbars at powerbooks eh.

    boss jay, pilipinas na ba kayo? conspiracy!

  10. haloo, i’m new here pero comment lang tungkol sa comics in general… peborit ko ang pugad-baboy ha! i’m sure you know this kc its in inquirer/comic portion. hataw ang mga hirit dito and hey kuya batjay, have you met ang counter-part mo doon. nako gotta review, kc long-time no see ko yung mga komiks ko eh… but wil get bak 2u on dat wan… here’s a link to the official web-page.. in case lang
    http://www.pmjunior.com.ph/
    http://www.kabayancentral.com/book/baboy.html
    ingatz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *