Little pink houses for you and me

two years na kami ni jet dito sa california. one year na kaming may green card. di na magtatagal, pwede nang mag apply para maging amerikano. pag wala nga akong magawa, imbis na magjakol ay iniisip ko ang advantages ng kulay asul ang passport.

  1. pag nag dial ka ng 911, hindi pizza hut ang sasagot sa iyo.
  2. pag nagpunta ka sa ibang bansa, hindi na titingnan ng immigration ang passport mo ng page by page habang sumusulyap sa iyo na para kang kriminal
  3. si dubya ang presidente imbis na si macapagal arroyo. kaya lang, parang pinagsamang “between the devil and the deep blue sea” at “stuck between a rock and a hard place” ata ito.
  4. hindi na kulelat ang home team mo sa olympics
  5. hindi na tatanungin sa iyo ng customs pag landing mo sa amerika kung mayroon kang tinatagong balut sa balikbayan box (i swear to god, this happens to me all the time)

pero sa tutuo lang, di ko pa alam ang gagawin ko when the time comes. ang hiling ko lang ay kung sakaling maging american citizen kami ay huwag maging kulay dilaw ang buhok ko.

hindi bagay sa blond na buhok ang kutis betlog.

52 thoughts on “Little pink houses for you and me

  1. haha! sa opinion ko lang, kahit na gaano na ako katagal sa ibang bansa hinding hindi ako mag papalit ng nasyonalidad, una sa lahat ninakaw na nga ng kultura nila yung “nakagawian mo” matatas ka na ngang bigkasin ang wika nila na halos baliktad ka na magtagalog. pati ba naman ang nasyonalidad mo?! hmmm… hindi naman ata tama iyon.
    yun lang.

  2. hmm. nga pala isa ako sa mga taong bumili ng libro mo. ngayon ko lang nalaman na may blog ka pala. pinabasa ko sa pamangkin ko na 14 yrs old. sabi nya ang bastos mo daw dahil puro “Jakol” yung mga andun. haha! o nga naman. i really like the way you write though..
    wala lang… eheeh.. baka pala mapadalas na ako sa site mo.

  3. kuwestiyon, lumabas ka na ba sa TV? kelan? hab u met bob ong? he is alsu a peymus blogger and has ritten meny buks bout pilipino culture..

  4. ankel, kahit naman asul ang passport mo at american citizen ka na at baliktad ka ng mag tagalog, betlog ka parin, at hindi mo pa rin papalitan ang pastime mong mag jakol. kahit kulayan mo pa ang nabibilang mong buhok ng dilaw, mananatiling betlog ka pa rin. betlog na may “additional advantages” o diba? samantalahin mo na tax payer ka naman di ba?

  5. nasa istaytes ka ba ngayon unkel batjay?!
    daming kong kustomer di to na taga california na pinoy
    pag nalaman nila na pilipino kausap nila sa telepono para silang naka kausap ng artista ehehee…

    customer: hmm are you a filipino?
    call center agent: yes sir!
    customer: O TALAAAGA?! KABAYAN?! MARAMI KAMING PINOY DITO! KAMUSTA PINAS PWEDE KA BANG MAG TAGALOG? KAKA BURAOT MAG ENGLES EH!
    call center agent: no sir im not allowed to speak in vernacular
    customer: ganoon ba?! SIGE MAG INGLES KA NALANG MAG TATAGALOG NALANG AKO HAHAHAHAHAH!!! MAG KAAWAY PA BA SI JOEY AT SI WILLIE?
    call center agent: huh?

    ehehehe…nakakatuwa

  6. nasa states ba ako ngayon? hehehe. interesting question. parang gusto ko tuloy pitikin ang ilong mo.

    pero nakakatawa ang kwento mo. parati rin yan nangyayari sa akin pag tumatawag ako sa expedia at dell. puro mga pinoy ang sumasagot. minsan, naririnig ko pa sa background ang mga nag-uusap sa tagalog.

  7. masaya talaga! lalo na pag alam namin ang pilipino din kausap namin. we dont have to worry bout the grammar pati accent kasi understandable naman kasi magkalahi. ehehee.. kahit wala ako sa estates i also feel the “homesickeness” of our kababayan out there, its the way they say “KABAYAN!!!!!!!!!!! KAMUSTA PINAS?!” Haiii……

  8. batjay napadaan lang uli (napapadalas na ah!) buti pa dyan sa states masarap makipag kwentuhan sa KABAYAN dito sa DUBAI epal ang ibang kabayan nakakainis, kausapin mo ng tagalog i-inglesin ka kapag dineretso mo na sa english at magtanong ka sasagutin ka naman sa tagalog (trying hard ba!)

  9. You can also apply for Dual Citizenship when the time comes. You can use either the blue or green passport whichever is convenient, e.g., when travelling to Europe you can show the blue passport para walang hassle sa immigration. Kung ma-hijack ka naman show the green passport kasi daming inggit/galit sa may blue passport.

    Still have to think about dual citizenship and double-taxation, may not be worth the cost…

  10. wala naman sa citizenship ang sukat ng pagkatao. pero putek na yan wala namang tayong magandang mapa-pala sa green passport (na soon to be eh maroon na daw). pag iisipin mo ang US citizenship, sa dami ng advantages over a pinoy passport, di ko na pag-iisipan yan. he he, we all know you will always be a pinoy at heart kahit US citizen ka na.

  11. you’re absolutely correct glo! I agree to that na hanggang sa huling hininga mo amoy pinoy ka parin!

    and waht a great question, what benifits you can get from GREEN passport (soon they will change like ebak color)?

  12. Hi unkyel, tawa ko sa “imbis magjakol…” ha ha! Naalala ko tuloy yung Edgar & the Jakolites ng Bad Bananas.

    Kung to a citizen or not, I say go for it dahil pinoy ka pa rin na naman sa puso’t diwa di ba? Yung pers kasin ko nga pala ay isang immigration lawyer diyan sa california.

  13. Ang bilis mong nakakuha ng green card, believe ako sa iyo! I’m glad you are going for the blue passport – malaki ang kaginhawan kapag ‘yan ang dala mo lalo na sa Europe. Ang dali pang ma replace ka pag nawala o nanakaw sa iyo as long as you remember your passport number, date of issue and issuing agency. Kaya lang problema kung ma hijack o bisitahin ka ng mga terrorists o mga taong galit sa ‘tate – hinid bale kulay betlog ka naman siguradong palulusutin ka nila LOL.

  14. eh di dalawang passport na lang ang dalhin mo everytime kang aalis.

    pinoy pa rin kahit iba na ang kulay ng passport. oo nga, pwede ngang mag dual citizsnship. hindi naman doble ang tax sa iyo dahil exempt ka sa taxes ng pilipinas pag OFW ka. in fact, i haven’t paid any taxes since we left the philippines. well, except for property taxes for our house.

  15. aliw batjay. sa totoo lang at in all modesty, sa pananatili ko sa bansang banyaga na ito ng 32 taon, hindi ko naisip magpalit ng citizenship. call me nasyonalistik or wateber, feeling ko fantastik kasi yun.

    proud ako sa ating mga liders, past and present – naaaliw ako sa batuhan nila ng putik na hindi ko nakikita sa mga lider, past and present, ng bansang ito. pansin ko, mas makulay ang buhay ko pag pilipinong totoo ako, lalo na sa pasaporte ko pag nagbibyahe ako – laking bilib sa akin ng mga tauhan ng imigrasyon ng ibang bansa, kahit sa europa o afrika ako magpunta.

    pero nagagawa ko pa ding magjakol kahit berde pa rin ang pasaporte ko, at patuloy ko gagawin ito hangga’t hindi pinagbabawal ng gobyerno kong pilipino.

    sa mga nagpalit ng kanilang lahi pero hindi ang kanilang kasarian at katauhan ang pinalitan — mabuhay pa rin kayo.

  16. reply to atotibonjing “sa mga nagpalit ng kanilang lahi pero hindi ang kanilang kasarian at katauhan ang pinalitan — mabuhay pa rin kayo.” malaking issue yang inumpisahan mo dahil ako ay taga San Francisco, malapit sa Castro at dito kailangan malakas ang gayradar mo, otherwise, baka ma heart attack ka sa mga macho men na magkaholding hands sa daan. mapaputi, itim, PINOy, intsik, bombay, at mga Thailander na daig pa ang kilay ko

  17. with regards to the main topic: yes ako ay blue passport din dahil kailangan kong maenjoy lahat ng benefits , reap the rewards of my taxes given to Uncle Sam. pero ako ay pango pa rin, maitim at never na magpapablond ng buhok. at pangarap kong mabisita muna at maenjoy ang mga probinsiya sa Pilipinas, kasi kung pupunta ako sa Europe, wala silang mangga, lechon, at halohalo

  18. in fairview, nakakatuwa nga maka-kausap ng pinoy kapag sa call center ka nagtatrabaho. mabait, polite, at very warm. mainit-init. hehe. unkyel batjay, kung saan ka magiging masaya, suportahan ta ka. 😉

  19. oops thank you atotibonjing for reminding me the hispanic community, baka may magselos, mention na rin ang mga middle eastern men na lumabas na sa closet. kaya masaya pag gay parade dito sa San Francisco, talagang lahat ng bansa meron representative. o sige, bukas uli ang kwentuhan, pasyal muna ako sa downtown, which is 5 minutes away. dapat lagyan ni kuya batjay ng feature tong blog nya kung saang lupalup ang mga nakikipagkwentuhan.

  20. Good idea to carry two passports issued by ‘tate and ‘pinas when you travel kaya lang baka magkaroon ng legal complications kung mabulgar. Anyway, I have’t reacquired my ‘pinas citizenship since the new law took effect. I may think about it, if and when, I decide to spend more time there than in Southern California now that I am retired. It is hard to beat the “champion” weather of Southern California and its enviable location – if you want to go to a foreign country, Mexico is an hour’s drive away; if you want to go to the desert or the mountains same deal; the ocean is within spitting distance and if you want the isolation of an island, there’s Catalina Island for you. What else? There’s an enclave of ethnic communities everywhere – Little Saigon, Koreatown, Philippine Town; you name the ethnic town, we got it, in fact, the minorities are almost the majority here so no problem with discrimination as we know it. If you want to live dangerous – we have freeway shootings, brush fires, mudslides, occasional floodings, earthquakes and the constant threat of the big one (Mang Andres geologically waking up) and smog, smog, and more smog. This is Heaven and Hell in a perfect mix LOL. Don’t you agree?

  21. e di mababago na rin ang pambansang awit mo at panatang makabayan? Sayang naman ang ginawa mong pag awit at pagsambit ng mga ito araw araw nung ikaw ay bata pa. Pero di bale, hindi mo naman makakalimutan ang mga yan at yan ay nananalaytay na sa buong katauhan mo. Araw arawin ba naman ng eskwelahan mo eh.

  22. 1. pag nag dial ka ng 911, hindi pizza hut ang sasagot sa iyo.
    >> bossing, di na pizza hut ang 911 dito… 911-11-11 hehehe..
    2. pag nagpunta ka sa ibang bansa, hindi na titingnan ng immigration ang passport mo ng page by page habang sumusulyap sa iyo na para kang kriminal
    >> korek ka jan.. pati bilang ng pimples mo eh chine-check
    3. si dubya ang presidente imbis na si macapagal arroyo. kaya lang, parang pinagsamang “between the devil and the deep blue sea” at “stuck between a rock and a hard place” ata ito.
    >> choosing between the lesser evil??
    4. hindi na kulelat ang home team mo sa olympics
    >> bossing, di naman kulelat.. mejo kulelat lang.. hehehe.
    5. hindi na tatanungin sa iyo ng customs pag landing mo sa amerika kung mayroon kang tinatagong balut sa balikbayan box (i swear to god, this happens to me all the time)
    >> or tocino, longganisa, daing, tuyo.. etc.

  23. ka-BJ, pwede ka bang mag-apply ng dual cit sa Pinas kung kukunin mo ang American citizenship na di nag-a-allow ng dual citizenship? Just wondering.

    Alam mo maroon na ang passport ko. Masarap mag-travel nang di ka na kelangang mag-apply ng visa. Tapos I discovered di mo na kailangang mag-bayad ng terminal fee sa NAIA.

    I guess best of both worlds. Na-retain ko Filipino citizenship ko tapos nakakuha ko ng access sa majority ng destinations sa mundo — ticket na lang kailangan. Still true, nakakalungkot isipin kung isa lang ang pwede mong piliin.

  24. to auee: Dual Citizenship
    this was copied from
    http://philippineconsulate-sf.org/dualcitizenship.htm

    Dual Citizenship Law
    Part of the growing package of consular services administered by Foreign Service posts is the implementation of the Philippine Citizenship Reacquisition and Retention Act of 2003, otherwise knows as the Dual Citizenship Law. From 17 September 2003 (the day the law took effect) to the close of the year, a total of 1,242 applications were processed and approved by the Consulate.

  25. hi auee, i think the states allows dual citizenship so you can be both pinoy and kano. yung link ni ms marzan has an interesting FAQ.

    kaya yung panatang makabayan at lupang hinirang – ok pa rin yon, tito rolly.

    sarap nga sa socal. mataas lang ang tax but you have the best of almost all the good stuff – snow, sun, surf, wineries, attractions and everything in between.

  26. Jay,

    If I had any misgivings about becoming a US citizen, it was the part about swearing loyalty first to the US and being willing to serve in the US armed forces (if they reinstituted the draft, for instance). Turns out it didn’t matter after all…for personal reasons (college), I enlisted in the Air Force in 1989, one year before I became eligible to apply for citizenship. Got naturalized the following year, then found out about the other “perks” of being a citizen, like voter registration and jury duty…I’ve been getting court summons every year since getting my naturalization certificate…came very close to serving on a jury (capital case, I think) in ’02 pero sinwerte ako’t hindi pa ako napipili hanggang ngayon (you’ll have to practice and perfect the “crazed juror look”).

    Good luck, however you decide.

  27. hi daisy.

    matagal pa naman dahil kakarating lang namin. siguro pag dumating na yung panahon, tsaka ko pag-iisipan. lahat ata ng mga pinsan ko rito, nag-serve sa armed forces. they loved the time they spent there.

  28. thank you Kuya Bat Jay, kasi research ako ng research dahil ako ang taga desisyon dito ng mga parents ko kasi kailangan nating malaman para magabayan sila. one point na hindi pinaguusapan sa ating bayan ay ang kamatayan, dito we have to be open about it kasi hindi pwedeng umasa sa abuloy. mabuti na lang nakinig sa akin yong 2 seniors pero merong iba na gusto nila yong old way pa rin kaya mahihirapan yong mga maiiwanan, pasensya ka na kasi minsan may ibang topic na naisisingit ako sa thread mo but i’m hoping it is useful to everyone else.

    yong aking Unica hija summumpa din kay Daddy Bush to serve, mahilig kasi siyang gumulong sa lupa, kaya ayon nasa Mississippi, nag-aaral ng tungkol sa weather. ang dami talagang benefits kaya ako hindi kailangang mag paBelo. kasi palagi akong peace of mind.

  29. Guten Tag Batjay!!
    Hindi kita tatawaging unkel kasi mas matanda pa ako sa yo.
    Tanong ko lang kung papaano magwork ang dual citizenship?Ano ang advantage and disadvantage non?20 years na ako dito sa bansa ni Hitler at akoy alamangya na rin.
    Hokey,gandito na lang at sana lagi akong makabwisita sa iyong site.
    God Bless You and your wife!!

    Ciao Bello!!

    kreizykrizzy

  30. dual citizenship – citizen ka ng dalawang bansa. in your case, germany and philippines. sa philippine side, pwede. hindi ko alam ang german law kung pinapayagan nila ang dual citizenship. may mga bansa kasi, tulad ng singapore na hindi ito pinapayagan.

    advantages? applicable sa iyo ang laws at privilages ng dalawang bansa (eg, voting, land ownership, etc)

    danke,
    jay

  31. one benefit of being here in the US is being able to work even if you are more than 70 years old, not like in the Phils, once you hit 40’s you are no longer hireable. I have one co-wrker, Arnold gave him a plaque for working more than 50 years in the same State Agency

  32. To:LORENA MARZAN

    I took a vacation in Orlando Florida last year and I visited Theme parks there,I was suprised to know that the woman who pleaded us for interview was already 83years old but still look healthy.I asked her why she still working and she told me that she enjoyed meeting all kinds of people all over the world.
    Unfortunately here in Germany if you are already at that age you are already belongs to the tomb.As it happened to my colleague,he reached the age of 52 and he was forced to resigned.Can you imagine?Our own company, a company who own the biggest logistic in the whole wide world mobbed their own employees to reduce the costfactor.Before it happen to me,next year I will resign at the age of 46……

  33. it is really sad when 40 somethings are being forced out of the workforce, when I went home to Phils last year, my neighbor who were both McD’s managers were forced out to leave, so now the wife is looking to work in the call center here in the US, such wasted talents. One assurance I have is I won’t be laid off working with the State although mababa ang sahod, pero madaming benefits, i still have to work 13 years to get the full health coverage, mabuti na lang mabilis ang mga pangyayari dito, like pasyal ako dito kay Kuya BatJay and other bloggers, kaya hindi ko napapansin na pumuputi na pala ang buhok ko, dahil akoy naaliw at natututo sa mga contribution ng mga nag cocomment.. gusto ko diyan pumunta sa Oktoberfest, he he he, daming beer, hindi nga lang San Miguel

  34. Same pala tayo na nag-eenjoy dito..Natapilok lang ako dito kay Batjay buti na lang di masakit ,kundi naaaliw pa ako ,lalo na sa mga sinusulat nya at sa mga nagkocomment.
    Last Friday nagstart ang Oktoberfest,kaya fully booked na naman ang mga hotels.I am residing 20minutesdrive away from that place.Kaya medyo irritate ako sa dami ng tao,very crowded.Every morning ang English garden ay puro garbage kaya di ako makapagjogging.Yung mga can’t afford ng hotel ay sa park na natutulog ,may dala silang mga camping zelt(tama ba tawag sa English non?)despite na rainydays ngayon.Pero the Oktoberfest ay source ng another income ng Munich kaya we need to accept those 16days disturbances.Sa Saturday ay pupunta kami ni hubby pero sa tanghali at di masyadong madami ang lasing at medyo di pa crowded.I want to wear the traditional dress called Dirndl but its too expensive,di ko afford to buy,it cost for almost 200€uros.Sinasamantala ang mga prices ngayon dito.I am sure yung mga tourists eh can afford kahit gaano kamahal binibili nila from leather dress up to the foods sold in Oktoberfest.Isipin mo isang beermug cost for 10€uros and frenchfries with grilled chicken is for 25€uros?
    Kami ni hubby eh maglilibot lang,never to spend my €uros,medyo tipid at next year January reresign na ako after 17 years of service.Kailangan ko ang money for rainy days.

  35. Batjay sorry at medyo napalayo na ako sa topic.
    May itatanong nga pala ako,(malayo ulit sa topic)Kasi nun nasa Pinas pa ako at teenager pa,I used to hear your brother’s radio station named DZRJ.Mahilig ako sa rock until now.Nasaan na si Brod mo na DJ?Very cool sya at hokey ang mga music na choices.

  36. to Kuya BatJay and Ms kreizykrizzy: Magandang umaga, pasensya na kayo kasi wala akong blog kaya minsan sobra na ang saw saw sa blog mo, di kasi ako ganoon ka high tech at saka medyo kulang sa time kasi caregiver ako sa aking Mother, itong pamamasayal sa mga blog ang aking source of therapy kasi mahal namang pumunta sa manicurista $50.00 paa at kamay hindi katulad sa Pilipinas na 200 pesosesops beauty na ang aking pamaypay ng maynila.

    enjoy the Oktoberfest, meron din niyan dito siguro sa Fort Mason, we will try it here before we do the real thang sa bayan ng mga alamanag. that’s one benefit of being in the US, we have a taste of all cultures kasi well celebrated dito lahant ng nationalities, palagi ang celbration sa aking kapitbahay na Union Square. Ako ring nagtitipid for retirement kasi binabayaran ko yong long term care ko so when i get sick, meron mag-aalaga sa akin

  37. hehehehe. mahal nga ang manicure sa amerika. ok lang sa sawsaw, basta may sense ang sinasabi.

    online ang pinoy rock show ni howlin’ dave, for more information, punta ka rito – http://kwentongtambay.com/?p=1422

    happy october fest nga pala. isa sa mga dreams ko ay magpunta kami ni jet sa munich para sa serbesa.

    inom nyo na lang ako.

  38. salamat Kuya BatJay sa iyong pahintulot promise palaging may sense and sense of humor kahit medyo korny basta hindi lang ?orny

    red horse na daw ngayon pang oldies daw ang san mig, araaayyy

    noong bdday ko punta kami ng hooters triny namin ung mga beers nila, ok din, pasyal din kau dito sa Napa, maganda, masarap ang mga wines, we went to Behringer, next time try naman namin ang sattui, my daughter is the one who introduced me to wine tasting, dami dyan sa inyo sa South, thats where she started her wine trips

  39. to kreizykrizzy “I want to wear the traditional dress called Dirndl but its too expensive,di ko afford to buy,it cost for almost 200€uros.Sinasamantala ang mga prices ngayon dito.”
    basta traditional clothes, mahal, pero pwede ka ring mag Filipiniana dress, dito nga sa US namamasyal ang mga Bombay na nakasari, labas tiyan, kahit malamig, then last Wed,, nakasalubong ko naman arabo, naka burka, mata lang ang kita sa kanya eh ang init init . parang palagi ngang may parada ng United Nations dito kasi they do wear their traditional clothes even sa office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.