The circle’s been complete

seventeen years na kami ni jet ngayon. iniisip ko nga kanina kung ano ang magiging takbo ng buhay ko kung hindi kami nagkakilala. wala akong ma-imagine na scenario. para kasing sinulat sa isang action packed na storya kung ano ang magiging direksyon ng buhay naming dalawa. we were meant to be – bwahaha, what a fucking cliche.


lahat ng magandang nangyari sa akin ay hindi ko hinanap, kasali na rito ang pag krus ng landas namin ni jet. basta, dumating na lang siya sa buhay ko sa takdang panahon and my world changed from then on. dylan probably said it best.

Ever since you walked right in,
the circle’s been complete,
I’ve said goodbye to haunted rooms
and faces in the street.

yung pagkakilala namin ay nangyari sa punto ng buhay namin na tamang tama para sa isang relationship. if it had come sooner, malamang ay hindi kami nagkatuluyan. if it would have come later, malamang ay para lang kaming dalawang barko na nagkasalubong sa dagat. suwerte lang siguro ako na sa dinami rami ng mga pwedeng mangyari sa buhay ko ay nagkakilala kami ni jet.

ngayon ay seventeen years na kaming kasal. seventeen fucking years. who would have thought?


mylab, kung nababasa mo ito, para sa iyo ang kantang ito. a reaffirmation of sorts, gusto ko lang sabihin, mahal pa rin kita kahit ulyanin na ako ngayon at puno na ng puting buhok. maraming salamat sa labimpitong taon.

with all my love.
jay

30 thoughts on “The circle’s been complete

  1. ako din Pa, pag iniisip ko, I am still amazed at how ripe we were for each other when we met. I’m not saying it’s perfect and all that pero if there’s really a match made in heaven, I’m betting my bottom dollar it’s going to be something like this. 🙂

    I love you.

  2. happy 17th anniversary tol batjay ,tapsi rock time dapat ngayon in preparation for strawberry woodstock next week ,kaya lang wala pala si tol dante mo confine daw siya sa hospital lets pray for his speedy recovery and hope he makes it sa starwberry woodstock.

  3. Happy Anniversary. Tama ka, yang pag=aasawa ay dapat nasa tamang panahon. Pag masyadong maaga, hilaw. Pag masyadong late, bulok na.

    Ganda ng kanta ah.

  4. happy anniversary kuya jay and ate jet.. 😀

    hay.. 17 years.. i pray for many happy years to come your way.. congratulations 😀

  5. Hanga ako sa mga kagaya ninyo na umabot ng 17 years and still very much in love with each other. Pangarap ko pa rin yan at isa kayo sa mga inspirasyon ko na darating din ang isang araw na mahahanap ko ang aking almost perfect match.

    happy anniversary and here’s wishing you more anniversaries to come!

    *hugs*

  6. ako din unkyel and anti jet, hanga talaga ako sa inyo. you both are amazing…..and you do exists….lol!

    cheers!

  7. unkyel jay at anti jet! CONGRATULATIONS! pinapangarap ko na marating din namin ng baby ko ang narating ng pagsasama niyo! bagay na bagay sa inyo ang kanta! sana magkaroon kami ng pagkakataon na ma-meet namin kayo!

    ingat po palagi!

  8. (just been lurking around long time from downunder. can’t resist this one.) thanks for sharing your lives and your songs. congratulations to both of you. inspirational kayo talaga.

  9. Belated Happy Anniversary to my favorite blog couple!

    A and I are also turning 17 this year (ours will be in September). When we raise a glass to toast our 17th year, I’ll make sure to whisper a prayer for you and Jet too. God bless always!

  10. jay at jet! tama ang pagkakaalala ko. basta tuwing anniversary ng parents ko, nag-anniversary na rin kayo.

    48 years na sila nung isang araw. i’m sure aabot din kayo sa ganun, at nagpapasaya pa rin kayo at nagbibigay pag-asa sa mga nakakakilala sa inyo.

    ingat lagi. CONGRATS!

  11. Congrats naman po! Meron bang mga payo jan? Kasi nasa 7th kami eh, baka magkaitch! lol, kidding lang, congrats po uli (napadpad lang uli ako dito, lagay ko nga sa link ko para di ako naliligaw…)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *